Hindi talaga natin maiwasan sa buhay ang magsisi sa huli. Kung may maibabalik lang sanang pagkakataon, pagkakataon na nasayang dahil sa maling aksyon at maling pagpili, malaki ang magbabago.
Kung hindi lang sana ako nadala ng aking emosyon dahil sa puso kong napuno ng galit sa bagay na taliwas sa katotohanan.
Kung hindi lang sana naging mabilis ang pagdesisyon ko at pinag-isipang mabuti ang bawat gagawin kong pagpili.
Kung binigyan ko lang sana siya ng pagkakataon na marinig ang panig niya at makpagpaliwanag siya sa kung ano ba talaga ang totoo.
Kung hindi lang sana ako nagmukmok sa aking kwarto sa araw na iyon at humiga lamang sa aking kama habang nakatitig sa larawan niya.
Kung naligo lang sana ako upang puntahan siya.
Kung tinawagan ko lang sana siya sa telepono upang kausapin siya imbes na kay Shenae.
Kung pinagbuksan ko lang sana ng pinto sina Liam at Danny at hindi nagkunwari na may sakit ako upang marinig ang mga bagay na sasabihin nila.
Kung inalis ko lang sana ang aking pride at ibinaba ang aking sarili. Pinagana ang aking isip. Hindi naging judgmental. Hindi naging matigas ang puso. Naging malawak at naging matatag.
Lahat ng ito, maliit na bagay, na pangyayari na hindi ko namalayang makakapagpabago pala ng takbo ng aking buhay. Makapagpabago sa mga nararapat na mangyari na nagbunga sa hindi dapat mangyaring sitwasyon. Mas lumala pa nga. Mas naging masakit na tila ba sumsabog ang aking dibdib sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na ito. Ako na mismo ang gumawa ng choice at hindi ko alam kung heto ba ang destiny na gusto kong mangyari o gustong mangyari ng mundo. Gusto kong ibalik ang dati. Gusto kong ibalik ang mga pagkakataong nasayang na ginamit ko na sana upang makabawi sa kanya. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang dapat mangyari at hindi ko na maibabalik pa ang masalimuot na araw na iyon.
*******
Author's note:
Your comments are very much welcome. Constructive criticisms are accepted..
Stay tuned and be updated. Enjoy! Bakit nga ba kaya puro "Kung?"
Alam ko nakaranas ka na rin ng "KUNG" sa buhay mo...

BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...