Kabanata 5 (Sal)

34 1 0
                                    

KUNG sa bawat minuto sana ng aming paglalakad ay sinabi ko na gusto ko siya, may posibilidad siguro na magbago ang pagtingin niya sa akin habang maaga pa lamang. Pwedeng maging positibo ang resulta nito. Pwede rin namang maging negatibo na baka mabigla siya at sabihin niya na easy to get pala ako. Pwede rin naman na baka hindi na siya makapagsalita at tuluyaan niya na akong layuan dahil magkakaraoon na ng ilang sa aming dalawa. Pero hindi ko pa rin tinake ang risk na aminin sa kanya. Kung sigurong nagtake na ako ng risk upang umamin, baka magbago pa ang lahat mula sa pag-uusap namin ng mga sandaling iyon.

*******************

"Sal! As in friend? Sinabi mo 'yon sa kanya?" nasasabik na tanong ni Shenae.

"Hindi nga? You mean, ikaw pa itong nag-aya? Para-paraan din tayo girl ah," wika ni Bridge.

"Oo nga eh. Nahihiya din naman ako syempre. Nataranta ako ng mga oras na iyon na sinundan niya ako sa CR eh. Hindi ko talaga actually alam ang sasabihin ko kaya nag-end up sa ganong deal."

"Pero okay lang yan Sal. Full support kami para sa 'yo. Huminahon ka lang bukas ha at hayaan mo na siya ang mag-initiate ng conversation niyo kahit kating-kati ka ng magsalita," ani ni Bridge.

"Wiwit! Mas naeexcite pa ata ako sa'yo eh," ngiti ni Shenae.

"Ayoko ngang sabihin 'yun talaga. Nabigla lang ako talaga. Baka sabihin niya may gusto ako sa kanya. Kumusta naman ang pagiging babae ko di 'ba? Pero nasabi ko na, panindigan ko na," tila ba nagsisisi ako habang sinasabi ko iyon, pero sa loob-loob ko okay din yun kasi crush ko talaga si Evan. At least diba mas makikilala ko siya.

Natapos ang araw namin na iyon na nagkwekwentuhan lamang tungkol sa kalokohan kong ginawa sa loob ng aming dorm ni Shenae. Halos mag-gagabi na rin ng makuwi sa kanila si Bridge. Mahimbing ang aking pagtulog at natulog ako ng iniisip ang mangyayari bukas sa amin ni Evan.

Late ng natapos ang aming klase at magteten minutes na. Baka hinihintay na rin ako sa labas ni Evan.Tama nga ako. Mukhang okay naman ang dating niya. Mukhang pagod siya mula sa klase nila pero gwapo pa rin. Binungad niya sa amin ni Shenae ang kanyang magandang ngiti na kasabay ng pagngiti ng kanyang mga mata. Nag-aya kaagad siya upang hindi kami malate ng uwi.

Habang naglalakad kami ay tahimik lamanag ako at diretso na nakatingin sa aking dinadaanan. Kating-kati na ang aking bibig na magsalita pero sabi nga ni Bridge, ang dapat mag-initiate ng conversation ay si Evan, ngunit parang naiilang din siya. Kakaiba ang aking nararamdaman kahit kasama ko siyang naglalakad. Misteryoso kaya siya? May kakaiba sa kanya. Hindi ko alam kung naiilang ba siya o sadyang tahimik lang talaga. Parang ayaw niyang magsalita at kung magsasalita man siya ang limited lang ng sasabihin niya.

Pero hindi rin siya nakatiis. Nao-awkwardan na rin ata siya sa katahimikan naming dalawa. Siguro ay hindi siya sanay na makita akong tahimik, kaya at buti na lamang ay nagsalita siya at tinanong kung kumusta ang schooling ko. Tinanong ko din siya ng same question. Compare sa isang guy parang iilang topic lang ang alam, pero siguro kapag nakaupo na kami sa resto ay makakapag-usap din kaming dalawa ng masinsinan.

Habang naglalakad kami biglang pumasok sa isip ko na pumunta na lamang kami sa seafront, ewan ko ba kung bakit, pero parang may nagurge sa akin. At least doon ay tahimik at refreshing ang environment. Pumayag naman siya na do'n nalang at bumili pa siya ng snacks at refreshments.

Habang naglalakad kami at papalapit na sa uupuan naming sa seafront, nagulat ako sa tanong niya, "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend before?"

Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon