KUNG magkakaroon ako ng superpowers na gagamitin ko sa tama siguro mas pipiliin ko ng maging time controller. Sa bawat panahon ko na kasama ang aking mga pamilya at mga kaibigan, papahintuin ko ang oras at susulitin ko ang bawat pagkakataon na makasama ko sila. Sa bawat oras na kasama ko at makakasama ko pa si Evan papahintuin ko ang orasan at lalasapin ang bawat minuto segundo na kasama ko siya. Tititigan lamanag ang kanyang mukha. Icocomfort sa kung ano man ang kanyang pinagdadaaanan. Yayakapin siya kung may pagkakataon o kaya naman ay hahawakan ko ang kanyang mga kamay. Iyon ay kung kami ay destiny at kung siya ang aking soulmate. Pero maniniwala pa rin ba ako sa mga bagay na ganito?
Parang napakalabo ng salitang destiny. Sabi nila ang soulmate daw at destiny ay magkapatid. Kapag daw destined kayo means soulmate. Kung soulmate mo naman daw ang isang tao ang ibig sabihin ay tinadhana kayo. Konkreto ngunit malabo sa katotohanan. Kapag daw nakita mo na ang isang tao kahit sa unang pagkakaton pa lamang, may kakaibang pakiramdam daw. Feeling mo konektado ka sa kanya sa kahit anong paraan. As in dapat mutual. Pareho ang bigla ninyong mararamdaman. Ibig sabihin parang may pinagsamahan na kayo yun nga lang hindi niyo kilala ang isa't-isa. Kapag daw gano'n, siya daw ang soulmate mo therefore destiny mo na rin. Pero parang hindi naman ata. Feeling ko ako lang ang nakaramdam ng ganoong feeling dahil 'yon ang nararamdaman ko kapag kasama o nakikita ko si Evan.
*********************
Nagmamadali naming tinawag si Danny upang magpasundo sa kanya at puntahan sina Bidge at Eli sa Jesus Saves Hospital kung saan sila naconfine. Hindi maipinta sa mga mukha namin ang labis na pag-aalala. Hindi ako makaiyak ngunit makikita sa akin ang labis na kalungkutan. Halo-halo na ang aking iniisip. Si Bridge at Eli na nasa hospital, na ngayon ay nanganganib ang buhay at ang biglaang pag-alis ni Evan na hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganon ang ekspresyon ng kanyang mukha at ang kanyang pakiramdam. Dinukmo ko na lamang ang aking mukha sa aking mga palad at nagdasal na sana maging maayos ang lahat. Ang sitwasyon nina Bridge, Eli at kung anu man ang pinagdadaanan ni Evan.
"Matagal pa ba Dan?" ani ko.
"Malapit na Luisa," pag-aalalang sabi ni Danny.
"Shenae, huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. May awa si Lord," pagpapahinahon ko kay Shenae sabay ng pagtango niya ngunit bakas pa din sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
Dali-dali kaming bumaba sa sasakyan at pumasok ng hospital. Nakaconfine si Bridge sa second floor, private room at si Eli naman ay nasa third floor private room din ng building. Tumungo si Danny sa kung nasaan si Eli at kami naman ni Shenae ay nagmadaling tumungo sa room ni Bridge. Nakita ko ang mga magulang niya na nagbabantay sa kanya at mabilis na tinanong pagpasok namin sa silid, "Kumusta daw po ang kalagayan ni Bridge?"
"Malakas ang impact ng aksidente, Sal, kaya nagkaroon siya ng hiwa sa kanyang ulo at nabali ang kanyang kaliwang paa. Nag-undergo na siya ng operation. Magiging maayos din daw siya sabi ng doctor. Antabayanan lang daw ang kanyang paggising," naiiyak na sagot ng kanyang mommy Divina habang nakatingin sa nakahilatang katawan ni Bridge.
"Ah opo, salamat naman ho sa Diyos at okay na siya nagyon," saad ko ng may halong pag-aalala.
Lumapit ako sa higaan ni Bridge at hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Girl, magpagaling ka ha. Gumising ka na rin please. Paggising mo promise kakain tayo ng favorite mong samgyupsal. Kahit treat ko na. Dito lang kami ni Shenae sa tabi mo, nakaantabay sa 'yo," naluluha kong sabi.
"Friend, dapat bukas gising ka na ha. Dito lang muna kami sige ni Sal para bantayan ka. We'll take care of you. Love you friend," naiiyak din niyang wika.

BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...