Nagulat ako at bumangon ng mabilis ng marinig ko ang malakas na pagtunog ng alarm clock. Mukhang late na ata ako sa susunod kong klase. Dali-dali kong tinupi ang aking checkered pink na kumot at inayos ang violet kong bedsheet sa aking kutson. Mula sa aking higaan ay nakita ko si Shenae na palabas sa comfort room na antok na antok pa ang dating. Buhaghag ang buhok at nakapikit na mga mata.
"Good morning Sal. Ang aga mo namang nagising," inaantok niyang sinabi na may halong paghikab.
"Ano ka ba? Late na tayo. Mauna na akong maligo sa 'yo," nagtataka kong sinabi kay Shenae. Nagtataka rin siya sa sinabi ko.
"Friend! Friend! Nananaginip ka pa rin ba? Sunday nagayon Sunday. Hello!" natatawa si Shenae sa aking ekspresyon habang sinasabi niya ang mga iyon.
"What? Are you kidding me?" Bigla kong naisip na Linggo palang pala. Masyado lang ata akong naoverwhelm sa nangyari agabi sa debut ni Shenae. Bigla kong naibaling ang pag-iisip ko kay Evan at napapangiti. Nararamdaman ko pa rin ang dampi ng kanyang malamig na kamay ng magpakilala siya. Ang matatamis niyang ngiti at ang mga chinito niyang mata na lalong bumagay dahil sa mahaba niyang mga pilik-mata.
"O sige Sal, tulog muna ulit ako," paghikab ni Shenae.
"O sige sige." Muli akong bumalik sa aking higaan at patuloy pa rin sa pag-iisip kay Evan.
Kakaiba siya sa mga lalaki na nakilala ko. Gwapo siya at mapapsagot niya ang babaeng liligawan niya agad pero ni isang girlfriend hindi daw siya nagkaro'n sa pagkwekwento sa akin ni Shenae kagabi. Lakas nga ng source nitong si Shenae. Naririnig lang daw niya iyon sa iba naming mga kaklase na may gusto sa kanya. Kung si Bridgette lang ang niligawan niya, bakit hindi kaya siya sinagot ni Bridgette? Mukha naman siyang gentleman. May feelings pa kaya siya kay Bridge? Ang dami ko na namang tinatanong sa sarili ko tungkol sa kanya. Sana mas makapag-usap pa kami ng matagal at makita ang kanyang maamong mukha.
Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga at dumiretso sa mumunti naming comfort room sa dormitory upang maghilamos. Pagkatapos ay nagluto ako ng scrambled egg at sinangag para sa almusal namin ni Shenae. Ginising ko na rin siya upang makakain na at marami pa kaming gagawin sa araw na ito. Bumangon siya at naghilamos. Sabay kaming kumain. Habang kumakain ay nag-uusap kami ng mga plano namin para sa araw na iyon. Pumunta sa mall. Bumili ng mga kailangan para sa school. Makipgagkita sa mga kasamahan namin sa organization o kaya, manood ng sine. Sa gitna ng pinag-uusapan namin ay bigla na lamang naitanong ni Shenae, "O kaya friend, makipagkita nalang tayo kay Evan? At kay Bridge at kay Eli?" na may halong pagkasabik.
Sa pagabanggit palang niya sa pangalan ni Evan ay napangiti na kaagad ako. Naalala ko na naman muli ang nangyari kagabi habang kausap ko siya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naiimagine ko ang mukha niya.
"Sal, mukhang inspired ka diyan ah. First time kaya kitang makitang ganyan. Mukhang nagkakamabutihan kayo nitong si Evan ah," pang-aasar niyang sinabi na may halong pagkakilig.
"Tumigil ka nga diyan. Nag-usap lang kami at nagpakilala sa isa't-isa. Nagkwento ng buhay niya noong high school at kolehiyo at kung paano niya nameet sina Eli," naiinis kong sabi.
"'Yon nga lang ba talaga?" sarcastic na pagtatanong ni Shenae.
"Oo nga. 'Yun lang, promise," napatigil ako ng kaunti. "Pero alam mo, parang may kakaiba sa kanya eh. Parang may mga bagay siya na tinatago sa sarili niya. Para bang may knikimkim siya. May malalim sa kanya na ayaw niyang sabihin sa iba," pagtatakang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...