KUNG sa tuwing tatagpuin ko si Evan katulad na lamang ni Cinderella nang makita niya ang kanyang prince charming, ni Belle ng mahalikan ang pinakamagandang beasts na nangyari sa buhay niya at ni Rapunzel ng paakyatin niya sa kanyang buhay ang kanyang one and only, ako na siguro ang palaging magiging pinkamasayang babae sa kalawakan, ngunit mukhang malabo pang mangyari ang mga bagay na 'yon. Ang buhay hindi palaging happy ever after, minsan nagtatapos ito sa disaster, pero dahil na rin sa ating frustrations at matigas na pag-asa na makamit ang mga bagay na tulad nito nagtatapos tayo sa pag-a-assume at sa huli may disappointments. Ang tendency? Tayo na mismo ang lalayo lalo't ayaw na nating maging sobrang close pa sa ibang tao.
********************
Naramdaman ko kaagad ang katahimikan at kapanatagan ng marating ko ang seafront. Iilan lamang ang mga taong nandoon kaya naman pumunta muli ako sa upuan kung saan kami unang umupo ni Evan nang una naming pagpunta dito noon. Tumayo ako at pinagmasdan ang lawak ng dagat at pinikit ang aking mga mata kasabay ng pagdamdam ng aking mga palad sa pagdampi ng hangin at ng paghigop ko ng malaim. Napakasarap sa pakiramdam satuwing gagawin ko ito at tila wala kong iniisip na ibang bagay sa mundo. Habang ginagawa ko ito ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ni Evan at ang mga mata niya na nakatitig sa akin ng may ekspresyong pagtataka. Pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng cherry blossoms sa Japan habang tinitignan ko siya at bumabagal ang pagkilos ng lahat ng nasa paligid ko.
"Sal?" pagtataka niyang tanong.
Naglaho bigla ang aking pag-iilusyon, "Ay e-e-Evan. Ikaw pala. Hindi mo sinasabi nandiyan kana pala," pagngisi ko kahit na medyo nakakahiya dahil sa aking ginawa. Nakita niya ako. Baka akalain niya nababaliw na naman ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong muli niya kasabay ng kanyang pagngiti.
"Ah eh wala naman," napapangiti kong sambit. "Finifeel ko lang ang sariwang hangin habang pinapakinggan ang tunog ng mga alon."
"Ahhh. Heto nga pala may dala na akong snacks at inumin para sa ating dalawa," saad niya.
"Halabumili ka pa kahit wala naman okay lang. Anyway, salamat ulit sa treat mo na naman. Upo munta tayo," wika ko.
Sana sa gabing ito ay mas maramdaman ko pa si Evan tulad ng pagramdam ko sa malamig na simoy ng hangin na nakapagbigay sa akin ng katahimikan ng isip at nararamdaman. Gusto ko ring maramdaman ito ni Evan dahil mukhang may pnagdadaanan si Evan dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha at medyo pamamaga ng kanyang mga mata.
"O para sa 'yo Sal," pag-abot niya sa akin ng paborito kong Minute Maid.
"Salamat ha," saad ko at nakita ko na iba ang hawak niyang inumin na naka in can. Hindi tulad ng dati at hindi tulad ng sa akin. "Hindi ba red horse 'yan?" pagtataka kong tanong. "Biro mo 'yun. Sa inosente mong itsurang yan, umiinom ka pala?" dagdag ko.
"Ah, actually, natikman ko lang 'to dati. Bihira lang akong uminom nito. Mas gugustuhin ko pang uminom ng wine," wika niya.
"Eh sana wine nalang pala,"
"Hindi. Kaya ko 'to. Ngayon lang naman. Pampawala ng stress."
Sabi ko na nga ba eh. Hindi nga ako nagkamali ng inakala. May pinagdadaanan nga siya ngayon at kailangan niyang irelease 'to. Nakakaflatter namang isipin na mas pinili niya akong makasama sa mga oras na kailanagan niya ng makakausap. Mukhang ibig sabihin nito pinagkakatiwalaan niya na ako. Sana lang mas maging open pa siya para matulungan ko siya sa kanyang problema kung meron man. Sinimulan niya ng buksan ang kanyang bitbit na alak at ininom ito. Ayos lang din sa akin kung ngayon lang siya tulad ng sinabi niya or occasionally uminom ng ganon, hard pa nga. Hindi naman talaga halata sa kanya ang pagiging drunkard at hindi rin naman siguro siya magsisinungaling sa akin.

BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...