KUNG maagang kumilos ang destiny sa akin, ano kayang mangyayari sa present moment ng buhay ko ngayon? Pero naisip ko rin na isang napakalaking kasinungalingan nga talaga naman sa makatotohanang mundo ng salitang "destiny." Oo, sa umpisa mapapaniwala ka nito o di kaya naman malala kapag sa huling yugto ng pag-ibig lalo na kapag naranasan mo na ang pinkamasaklap na nagyayari sa puso mo sa isang relasyon.... broken-hearted.
Minsan din maiisip natin sa umpisang pagtibok ng ating puso na siya na nga ang one and only, final, true love ng ating buhay, ang ating destiny. Bakit nga ba kaya? Siguro dahil sa emotion natin na natrigger lamang ng physical features ng partikular na taong iyon dahil siguro gwapo o maganda, matipuno o sexy. O kaya naman dahil naghahanap ka ng makakapagfill up ng longingness mo sa love dahil broken ka or malayo ka sa pamilya mo. Or worst dahil sa lust, I mean sex.
Pero hindi eh. Fluctuating emotions must not get on the way. Dapat kapag "love," one should be consistent. Consistent ang emotion niyo ng mahal mo. Consistent ang pagiging caring, consistent sa pagiging thoughtful, consistent sa pagiging sweet at consistent sa pagmamahalan. Ngunit hindi naman sa puntong halos mawalan na kayo ng pakialam sa mga bagay na may concern pa rin kayo tulad ng family at studies. Syempre balance pa rin dapat ang consistency dahil kung hindi malamang magawakas sa isang making period ang relasyon. As in isang malaking period lalo na ang pinaniniwalaang destiny.
Nga pala, ako si "Sal" tawag sakin ng mga kaibigan ko. Short for Luisa daw, Luisa A. Saballa. Malayo sa pangalan ko. Actually initials siya ng pangalan at apelyido ko. Ni magulang ko nga hindi ako tinawag na ganyan. As in plain Luisa lang. "Luisa." Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga kaibigang baliw at tawagin ka nila sa pangalang hindi mo naman kinalakihan. Pero okay lang. Masaya sila sa pagtawag sakin ng ganun eh at naging malaking identification ko na ito lalo't sa pagtitiwala sakin ng mga kaibigan. Kaya kapag may tumawag sa akin na Sal, isa lang ang ibig sabihin......matalik ko silang mga kaibigan sa kabaliwan at sa kalokohan sa lahat ng bagay lalong lalo na sa corning pag-ibig. Sila din, ang aking mga kaibigan, ang naging kasama ko sa paglalakbay ko sa unang destiny ng aking buhay sa kolehiyo. Destiny nga ba?
"Sal, iniinvite ako ni Bridge sa debut niya, wanna go?" sabi ni Shenae, short for Sheena Anne Elaine Manlapaz, isa sa mga matalik kong kaibigan na nakilala ko na sa St. Columban University. Isang mabuti, matalino, mahusay magsulat at magaling sa teatro. Kaklase ko rin sa lahat ng subjects ng kursong AB-Mass Communication. Nerdy look nga siya actually. Ni hindi mo mahahalatang may passion pala sa pag-arte dahil sa bilog niya at makapal na salamin na bumagay naman sa korteng arko na medyo makapal niyang kilay. Short hair at palaging nakapony tail. Loose kung magdamit pangitaas.
"Ayoko friend eh. Ni hindi nga niya ako iniinvite kahit sa facebook man lang o sa text," pagtatampong sabi ko.
"Baka naman busy lang o kaya nakaligtaan lang niya."
"Sus, kunwari pa. Sabihin mo, baka galit pa 'yon sakin no."
Halos mag-iisang lingo na na hindi kami nag-uusap ni Bridgette dahil sa isang invitation na hindi ko nadaluhan dahil umuwi ako samin ng hindi ko siya nasabihan at nakalimutan ko na may appointment pala ako sa kanya. Sobrang makakalimutin kasi ako kahit sa ibang major events sa buhay ko. Tulad na lamng ng birthday ng king mga magulang at kapatid. Halos kailangan pa nila akong iinform 1 week before ng kaarawan nila. Kaya iyon ang rason kaya nagtampo sakin ang kaibigan kong si Bridgette. Isa kasi iyong invitation sa dinner date niya kasama ang kanyang boyfriend. Tutulungan ko daw siya magprepare eh sa kasamaang palad dahil na rin sa nakakiritan makakalimutin kong isip, hindi ako nakadalo.
"Nagsorry ka na ba?" tanong ni Shenae.
"Oo nagsorry na nga ako eh pero ayon wala pa rin."
"Try mo kaya siya ulit tawagan tapos magsorry ka ulit sa kanya?" pagiinsist ni Shenae.

BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...