Kabanata 2 (Evan)

36 0 0
                                    


Hindi naman na lingid sa isipan ko na may itsura ako. Na may likas na kakayahan ako na makapg-attract ng babae lalo na ang aking mga mata kapag ako ay ngumiti na, pero hindi ko ito ginagamit bilang advantage upang makapanligaw at makapagpasagot ng babae, at higit sa lahat upang manloko, hinding-hindi. Sanay na ako sa mga sitwasyong may mga babae na bigla na lamang tititig sa akin dahil naattract sila. Hindi ko na lamang ito pinapansin. Hindi naman sa ako'y nagmamayabang siguro ay dahil na rin ito sa itinuro ng aking mga magulang, ang pagpapakumbaba, sa anumang aspeto ng buhay – estado, pisikal, career o ano pa man.

Mabilis na natapos ang aming klase sa calculus, ang aming panghuling subject tuwing Biyernes at alam ko na ang susunod na mangyayari. Mag-aaya na naman itong si Eli upang isama kami nila Liam at Danny sa isang bilyaran na malapit sa eskwelahan.

"Mga Pre, 'lam niyo na," sabi ni Eli, isa sa mga kaibigan na nakilala ko na sa kolehiyo. Tan ang kulay ng balat niya at may pagkamatipuno dahil sa pagdyi-gym niya na sila ang ang may-ari. Bilugan ang mga mata ni Eli at may magandang ngiti na nakaka-attract ng mga babae. Siguro ay isa iyon sa mga nagusutuhan ni Bridgette sa kanya.

"Tara, laro nga muna tayo. Pampantanggal din ng stress sa calculus," nakangiting sabi ni Liam. Tulad ni Eli si Liam ay may matipunong katawan. Sabay silang nagdyi-gym sa gym nina Eli. Si Liam ay isang probinsyano na aking tinulungan nang pumunta sa St. Columban University. Hindi mahahalata sa kanya ang pagiging probinsyano niya dahil sa maputi niyang kulay, matangos na ilong at singkit na mga mata. Isa siya sa mga may kalokohan na estudyanteng nakilala ko lalo na noong makpag-adjust siya sa siyudad.

"Oo nga. Nahilo ako dun sa topic na 'yon. Chill out muna," sambit ni Danny na hindi naman halata sa kanyang nerd na looks. Ni parang hindi nga siya nahihirapan eh. Na para bang nkasulat sa kanyang mga salamin ang lahat ng formula. At nakasabit sa kanyang kulot na buhok ang mga concepts sa calculus.

"O? huwag ka ng magdalawang isip Evan. Sumama ka na. Kilala ko na 'yang mga tinginan mong ganyan," sabi ni Eli na may halong pang-aasar habang nakatitig sa mga mata kong tila nakikinig lamang sa mga sinasabi nila.

"Oo na. Sasama na 'ko," sabi ko. "May choice pa ba'ko?" buntong hininga ko.

Kahit ayokong sumama, pipilitin pa rin nila ako, alam ko 'yun. Sa two years pa naman naming magkakasama eh. Dahil sa pakikisama ko sa kanila at dahil na rin sa pagkakaibigan namin at pagsasamahan mula first year college ay sumasama na ako kung wala naman akong importanteng gagawin sa bahay. Nagpapasalamat din ako sa palagi nilang pag-aya sa akin sa bilyaran dahil nahasa at natuto ako na minsan ay natatalo ko pa nga itong si Eli na datihan na sa ganoong larangan. Pero hindi ako naadik sa ganong uri ng paglilibang. Kinokontrol ko pa rin ang aking sarili at inuuna ang aking prayoridad.

Nadatnan namin ang bilyaran na puno ng mga estudyante na naglalaro. Sa unang tingin ay tila puno ito, pero may bakante pa rin na isa. Laging ito ang pwesto namin nina Eli, Liam at Danny. Pinapareserve na agad ito ni Eli. Lakas niya kaya sa may-ari. High school pa lang ata siya ay dito na siya nagbibilyar bilang kanyang libangan. Naglaban muna sina Danny at Liam. Kung sino ang matatalo ay siya ang manlilibre ng pagkain sa labas. Sa kasamaang pald, natalo si Danny, palagi naman. Pagkatapos nila ay naglaban kami ni Eli. Nang mga nakarang araw ay natatalo ko na si Eli pero sa kasamaang palad, sa araw na ito, ako ang natalo.

Halos umabot din ng dalawang oras ang aming pagbibilyar. Nang palabas na kami ay saktong papasok itong si Bridgette suot ang kanyang puting uniform at checkered blue na skirt. Sa tingin ko ang pagpunta niya ay upang makita si Eli.

"Hey guys, mukhang nagulat kayo ah," pagngiting sabi ni Bridgette. Ang kanyang mga mata ay napakaganda lalo na ang itim na mga bilog nito. Maputi siya at matngos ang ilong niya. Wavy ang buhok niya na may kulay na brown. Maganda ang kanyang mga labi at asset din ang dalawang ngipin niya sa harapan na medyo malaki ng konti kaysa sa iba. Tila ba isa siyang model.

Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon