KUNG may pagkakataon lang sana na mapagbigyang muli akong bumalik sa mga oras na iyon after ng debut ni Bridge, hindi ko na lang sana nakita si Sal o ibig kong sabihin ay hindi na lang sana ako tumitig pa sa kanya. Hindi nalang din sana ako umupo pa sa tabi niya upang kilalanin siya. Pero hindi eh, merong part sa akin na tila kinoconvict ako na lumapit sa kanya at kilalanin ko siya. Hindi ko rin naman maiwasang hindi mapatingin din sa kanyang mukhang bihira lang makakuha ng aking atensyon. Pilit kong hindi iniisip ang kanyang mukha ng matulog ako kagabi, ngunit sa mga pagpikit ng aking mga mata ay ang imahe niya ang aking nakikita. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko, pero isa lang ang alam ko, hindi pwedeng mangyari 'to.
******************
Ayoko siyang tignan sa mga oras na ito, pero nararamdaman ko ang mga pagtitig at pagsulyap niya sa akin. Nararamdaman ko ang kanyang koneksyon. Nararamdaman ko na para bang may magnetic force sa aming mga mata na pilit na humihila sa aking mga pagtitig na tumungo sa kanya. Ayoko siyang batiin pabalik mula sa pagkaway niya sa akin. Hindi ko nga siya binati pabalik at nagawa ko ito, ngunit may tila naramdaman akong pagsisisi na hindi rin siya batiin. Baka sabihin niya at isipin niya na arogante ako. Sana hindi, sana.
Naramdaman ko na tila nadisappoint siya sa aksyon na aking ginawa at nagiguilty ako. Naisip ko na sana hindi na lang sila dito umupo sa aking harapan. Patuloy akong nag-iisip at sa aking pag-iisip ay napagdesisyunan ko na batiin siya at lumapit sa kanila, ngunit parang hindi na siya interesado pa kaya tinitigan ko na lamang siya at nagbabakasakali na baka tumingin din siya pabalik at nangyari nga. Tumingin din siya.
Naramdaman ko ang pagkailang niya ng makita niya akong nakatitig sa kanya. Upang mawala iyon ay nginitian ko siya at tila nabigla pa rin siya kaya kinawayan ko na din.
"Hi Sal," mahina kong sabi ng nakangiti.
Ngumiti lang siya pabalik sa akin at itinaas ang kanyang mga kilay. Napansin ko rin ang siko ni Shenae na tumatama sa kanya na para bang inaasar niya itong si Sal. Hindi rin ako nakatiis kaya lumapit din ako sa kanilang kinauupuan.
"Ahh..guys okay lang ba kung dito muna ako saglit? Wala din naman akong kasama dun sa table ko, or baka makatulong ako diyan sa gingawa niyo. If you don't mind?" Medyo naiilang ko pang sabi. Ngunit sinabi ko lang iyon upang makalapit kay Sal at humingi ng pasensya sa mga aksyon na ginawa ko.
"Oh sure Van. Diyan ka na sa tabi ni Sal umupo. Magpapatulong din sana kami sa pag-eedit ng video namin," sambit ni Bridge.
"Ahh sige sige,"napansin ko na nilakihan ng mata ni Sal si Bridge na para bang nagtatanong ang mga ito. Naramdam ko na naiilang siya at bigla siyang napatayo.
"Ah girls wait lang ha, punta lang ako saglit sa CR. I'll be back."
"Ahh? Bigla girl? Halos kauupo lang din natin ah," sabi ni Shene.
"Oo, gano'n na nga," sagot ni Sal.
Nararamdaman ko ang awakwardness ng aura ng mga sandaling ito. Siguro ay nainis nga talaga sa akin si Shenae dahil hindi ko siya binati pabalik kahit alam ko at nakita ko na binati niya ako. Dali dali nga siyang tumungo sa CR.
"Bridge, wait lang pala. May kukunin din ako sa classroom," bigla ko din sinabi pero ang pupuntahan ko talaga ay si Sal. Susundan ko siya upang humingi ng paumanhin. Hindi ako ang tipo ng lalaki na mahilig humingi ng sorry lalo't kung hindi ko a masyadong nakikilala ang isang tao. Naisip ko rin ng mga sandaling iyon na wala na man talaga dapat pa akong ihingan ng pasensya dahil hindi pa naman talaga ako gano'n kalapit kay Sal, pero meron at meron sa akin na gusto kong sabihin ito sa kanya at ayoko rin namang isipin niya na tulad ako ng ibang mga lalaki na pride ang umiiral sa mga pagkakataong ganito. Kung sanang alam lang ni Sal, pero sana maintindihan niya ako, ngunit pa'no? Kung hindi ko rin naman kayang sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Teen FictionKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...