KUNG nakita na ni Sal ang mga reaksyon ko noong kinagabihang iyon, malamang ay magsisimula na siyang magtaka sa akin. Baka magsimula na siyang mailang sa 'kin. Sana hindi, dahil nagsisimula pa lang kaming magkakilala, ngunit matalino si Sal at baka sa mga susunod ko pang maling aksyon ay ako na mismo ang umamin sa kanya tungkol sa aking nakaraan. Ayoko muna itong isiwalat sa kanya. Gusto ko munang makilala siya ng lubos at mapagkatiwalaan. Iyon ang isa sa aking mga goals sa bawat pagkakataon na makita ko siya at makasama pa. Kung isa 'yun sa mga gusto kong mangyari, baka isa rin siya sa mga priority goals ko. Kung isa man siya, nahihirapan pa akong makita siya sa isa sa mga priority goals ko dahil sa mga conflicts. Hindi mo makikita ang priority goals mo kung nagcoconflict ito sa goals ng iba. Halimbawa na lamang nito ay kung ang isa sa mga goals ni Sal ay mas makilala ako, at ang goal ko naman ay ifix muna ang aking nakaraan, doon magkakaroon ng conflict. Hindi nagtatagpo ang aming goals. Mahihirapan na i-identify kung ano ba talaga ang ipapriority ko.
********************
Buong gabi lamang akong nagmukmok sa aking kwarto ng mga kinagabihang iyon. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman at hindi ko rin malaman kung ano ang aking dapat gawin. Matagal na akong kinukulong ng aking nakaraan. Ayoko ng magpaapi pa dito pero hindi ko maiwasan na hindi ito muling balikan sa tuwing may pagkakataon na makakapagtrigger nito sa akin. Nakakahiya mang isipin na nagkaroon ako ng reaksyong tulad no'n na ikinabigla din siguro ni Sal. Ano kayang iisipin niya? Hinayaan ko lamang na lumipas ang nararamdaman kong 'yon. Labis ang aking pag-iyak sa aking silid dahil sa bawat detalyeng nakikita ko sa aking nakaraan. Nang magising ako ng umagang iyon, napansin ko na nakatulog na pala ako sa sulok ng aking kwarto. Natutulala ako sa mga nangyari, pero biglang pumukaw sa aking isipan ang nangyari kina Eli at Bridge. Nagmadali akong nag-ayos at nagbihis upang tumungo sa hospital. Naisip ko na huwag na lang muna akong pumasok at pumunta nalang sa hospital upang bantayan si Eli nang makabawi naman ako sa hindi ko pagpunta ng gabing iyon. Sa pagpunta ko sa hospital ay nagtagpo muli kami ni Sal kinahapunan at nagkausap.
Gusto ko nang iopen kay Sal ang tungkol sa nangyari sa akin ng gabing iyon, kung bakit biglang gano'n ang aking naging reaksyon, ngunit ng sabihin ko na ito ay biglang nagring ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ni mama – M. Lisa, ang kanyang pangalan na nakasave sa aking phonebook. Alam kong importante ang sasabihin niya dahil hindi niya ako kadalasang kinakausap sa phone. Sa Facetime kami nag-uusap dahil sa London siya nagtatrabaho at minsan lang kung siya ay makipag-usap din sa akin, upang bigyan lamang ako ng allowance, pangtuition at pambayad ng bills sa bahay namin. Wala akong ibang kasama sa bahay kundi ang maid lang namin na 14 years ng naninilbihan sa amin. Sinagot ko kaagad ang aking phone kahit na may importante pa akong sinasabi kay Sal. "Hello."
"Kyle", 'yon ang tawag niya sa akin, hindi Evan, "I've been chatting you throughout the night, but you're not even answering. What happened to you?"
Hindi ako nagsasalita. Tumatango na lamang ako kunwari upang makita ni Sal na may kausap talaga ako sa phone. Sinagot ko na lamang, "Maaga lang akong nakatulog Ma," seryoso ang ekspresyon ng aking mukha.
"Ahh ganun ba? You should have checked your emails this morning. Anyway, nandito na ako sa bahay. Surprise!" biglang winika ni Mama.
"What?! Are you sure?! You're not kidding me?" nagulat kong sabi kay mama. Mabilis akong umalis at nagpaalam kay Sal, "Sal, I'm really sorry, but I really have to go. It's urgent. I'll catch up to you next time. Pasensya na talaga," at nagmadali na akong umalis. Nakita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha na tila nalungkot siya at nagtataka. Tinawagan ko agad si Danny upang magpahatid sa kanya.
Sa tuwing kikilos ang pagkakataon sa akin laging wrong timing, ngunit inisip ko na lamang na baka right timing nga siguro dahil hindi pa rin naman ako ganon kahanda na sabihin kay Sal ang tungkol sa akin. Baka nadadala lang ako ng aking emosyon. Pero ang pagdating ni mama? Wrong timing eh. Bakit ngayon pa siya dumating? I thought sa bakasyon pa pero biglaan ang kanyang pagdating.

BINABASA MO ANG
Kung Sana Hindi Nalang Naimbento ang 'KUNG'
Ficțiune adolescențiKung hindi ako nahulog sa kanyang matatamis na ngiti at malambing na salita, mararamdamaman ko kaya ang ganitong bagay ngayon? -Sal *** Kung iniba ko ang aking motibo, makikilala ko kaya siya? -Evan *** Kung may mga pagkakataon na mapahinto ang oras...