Second Heartbreak

378 3 0
                                    

"Ke-Kevin is that you?" gulat na tanong ko. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. My oh so yummy cutie Kevin nakikita kong ganito? Well, nakasuot lang naman siya ng SailorVenus costume at full pack make-up. Pero in all fairness ang cute niya tignan sa costume niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ako maaaring magkamali. Kabisado ko ang bawat parte ng katawan niya kahit nga ang bone structure niya ay alam ko. Kering keri niya ang pagsusuot ng micro mini skirt at nude tone stockings.

Oh kevin hindi pwede 'to mag explain ka! Mag explain ka! Pag aalburoto ng isip ko.

Magsasalita na sana si Kevin ng biglang may tumapik sa balikat niya at tinawag ang pangalan niya. Humarap naman si Kevin sa kaniya.

"Kevin girl, bakit ka nandito? Nandun 'yung ibang girls o!" Tuwang tuwang sabi nung lalakeng tumapik sa kaniya sabay turo sa mga lalaking nakasuot din ng sailor costumes. Hinila niya si Kevin palayo. Pipigilan ko pa sana sila kaso biglang may humigit sa kamay ko at napatalikod ako.

"Cous! Sorry late ako. Ano tara na?" Sabi ni Nicole na ang laki ng ngiti. Anak ng Diyosa naman 'tong pinsan ko o. Late na din naman bakit hindi  pa nilubos? Kung kelan nakita ko na si Kevin e. Speaking of... humarap ulit ako at hinanap ang mga sailorwarriors. Akala ko hindi ko na sila makikita pero malakas talaga ako kay Lord at nakita ko ang hinahanap ko.

"Hoy teka, sino bang hinahanap mo? Nandito ako o" pangungulit ni Nicole pero hindi ko siya tinignan mahirap na baka mawala pa ulit sa paningin ko si Kevin. Nakita ko namang tumingin na rin si Nicole sa direksiyon kung saan ako nakatingin through my peripheral view.

"Lionel!" Sigaw ng pinsan ko. Napatingin naman ako sa kaniya at sa taong tinawag niyang Lionel. Nakita ko 'yung lalaking humila kay Kevin kanina na nakatingin sa amin at nakatawang kumaway. Lumapit kami ni Nicole sa kanila.

"O Nicole, kamusta na?" Sabay akbay ng kanang kamay nito sa pinsan ko. Agad naman itong tinapik ng pinsan ko at tumawa lang ang mokong na si Lionel. Hmmm I smell something fishy pero never mind. Binaling ko ulit ang tingin ko kay SailorKevin este BF Kevin pala. Hindi siya makatingin sakin at pilit hinihigit pababa ang skirt niya.

"Mukhang may bago ka na namang kinalolokohan ha" pag agaw atensiyon ni Nicole sabay tingin kay Kevin at kasamahan nito.

"Hehe. Well, kilala mo naman ako, mahilig ako sa mga sexy" nakangising sagot ni Lionel sabay kindat at flip ng skirt ni Kevin. Tinignan siya ng masama ni Kevin at tumawa lang siya.

Nandito kami ngayon sa Holding area nila Lionel. Nagkakilanlan na rin kami. Dati na palang nakasama ni Nicole si Lionel sa isang cosplay event kaya medyo magkakilala na sila. Nalaman ko rin na second cousin siya ni Kevin at kaya lang napilit magsuot si Kevin ng costume ay dahil sa pustahan nila. Hindi ko na inusisa pa kung anong pustahan 'yun, pasalamat pa nga ako dahil kung hindi dahilsa pustahang 'yun baka hindi ko pa nakita ulit si Kevin.

Kung nagtataka kayo kung bakit sa dinami daming pwedeng i-costume 'yung kila Sailormoon pa ang napili ni Lionel na ipasuot, well mahilig lang naman daw siya sa gender bender theme kung saan magsusuot panglalaki ang mga babae at pambabae naman ang sa mga lalaki. Hayaan na lang natin siya sa trip niya. Ang importante napatunayan kong lalaki pa din pala si Kevin at hindi siya miyembro ng X-Men, samahan ng mga dating lalaki.

Pinanonood ko lang sila Kevin at iba pa habang nagrerehearse para sa prod nila mamaya. Kasali pala sila sa contest.

Natapos na ang contest and guess what? Hindi sila nanalo pero sila ang crowd favorite. Ang kukulit lang ng pinakita nila kanina at in all fairness ang ga-gwapo naman kasi nilang lahat kaya kahit anong kalokohan ang gawin nila sa stage ay achieve na achieve.

Pauwi na kami. Hindi ako pinasabay ng pinsan ko sa sasakyan ni Lionel at kay Kevin na lang daw ako sumabay tutal on the way lang naman din ang condo niya. Pa Laguna pa kasi sila at hassle kung ihahatid pa nila ako. Ayaw din niya akong magbiyahe ng mag-isa dahil medyo late na rin kaya no choice nakonsensiya niya si Kevin na ihatid ako. Alam kong gusto lang niya kami makapag usap. Alam na din kasi ni Nicole 'yung sa amin ni Kevin nakwento ko kanina habang nagpeperform sila Kevin sa stage. Kaya loves na loves ko 'yang pinsan kong 'yan e da best!

"So, tara na?" Pag aya ni Kevin sabay hawak sa likod ng bewang ko at inalalayan ako pag pasok sa kotse niya. Kinilig naman ako, hindi niya siguro napansin 'yung ginawa niya. My Goddessness! Nararamdaman ko muli ko ng makikita ang liwanag sa nagdilim kong love story.

Tahimik lang ang buong biyahe. Ang awkward.

"Ang saya ng araw na'to no? Congrats ang galing ninyo kanina kayo ang crowd favorite e! First time ko sa ganitong event ang saya-saya pala!" Pagputol ko sa katahimikan. Nakita kong ngumiti si Kevin at nagsimula ng magsalita. Nagkwento lang siya ng nagkwento mula sa pustahan nila, pagpilit sa kaniya sa costume niya hanggang sa prod nila.

Tawa lang kami ng tawa sa biyahe at nawala na rin 'yung awkwardness. Na-miss ko to, namiss ko 'yung ganito kami, magkekwento siya ng kung anu-ano at parehas kaming tatawa na parang wala ng bukas, at higit sa lahat na-miss ko siya.

"Na-miss kita" pagsingit ko. Natigil naman siya sa pagtawa at hininto 'yung kotse. "Miss na miss na kita" pagpapatuloy ko habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko. Mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi ko malaman kung ano. Nagtitigan lang kaming dalawa.

What feels forever suddenly got cutoff by a phone ring. Sinagot niya ang tawag sa cellphone niya habang ako ay nakatitig pa din sa kaniya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakikipag-usap sa telepono. I am so drowned with his presence that I am barely hearing anything except for my fast heartbeat.

Mayamaya unti unting naging tense ang kilos ni Kevin para siyang bulateng inasinan at hindi siya mapakali.

Lumingon siya sa akin at tumitig sa mga mata ko habang nakalagay pa rin sa kaliwa niyang tenga ang cellphone niya.

I stiffened. Para akong sumabak sa ice bucket challenge. Nanlamig ang mga kamay ko at nanuyot ang lalamunan ko. "I love you too" sabi niya sa linya sabay baba ng cellphone niya. Hindi ko na napigilan at bumagsak na ang mga luha ko. Ito na ba ang way niya para sabihin saking “I got over you?” 'Yung titig niya bago niya sabihin ang apat na salitang nagpabagsak ng mundo ko. Is it his way of saying what we have has long been over?

Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho. Sa buong biyahe iyak lang ako ng iyak. May pagkakataong gusto niya akong hawakan pero hindi niya ginawa hanggang sa makarating na kami sa dorm ko. Agad akong bumaba sa kotse niya pero tinawag niya ang pangalan ko at lumabas din ng kotse niya.

Humarap ako sa kaniya. After all what happened I'm still hoping na mali lang ako ng narinig na meron pa talaga siyang nararamdaman para sakin. And that right now he's ready to give me what I want and what I deserve and that is an explanation. Tama na ang pasikot-sikot it's either today or never.

"In my heart..." pagsisimula ko. "In my heart there is YOU. It's always been you Kevin. But in yours, was I ever there?"

Gusto kong malaman kung kahit sandali ba nagkaroon ako ng puwang sa puso niya? Teka did I even make it to his heart? Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong nakuha. Nakatayo lang siya na parang estatwa. Walang emosyon.
"Is that your answer?"

Nung wala pa rin siyang imik napapikit ako. Pakiramdam ko kinain ko lahat ng sinabi ko. 'Yung pag-asa, kompiyansa at tiwala kong babalik siya sa akin pakiramdam ko harap harapang pinalunok sakin 'yun ni Kevin.

"Cruel jerk"

To Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon