Ea's POV
Haaay grabe! Nakakainis! Ano ba namang klaseng paliwanag 'yun? Gagawa na nga lang ng kwento hindi pa ginalingan. Aba ilang buwan na ba ang nakalipas at ayun lang ang naisip niyang dahilan?
K fine. Sabihin na nating 'yun talaga ang katotohanan, pero ba't ang gulo naman ata? Bakit? Una, Pinili niya akong saktan dahil ayaw niya akong masaktan. Pangalawa, iniwan niya ako dahil ayaw niya akong mawala? O? Sige nga kayo anong masasabi niyo? Ang linaw 'di ba?
Well, it was a sudden decision nag-aagaw buhay ang kababata niya! If he had tell you the truth papayag ka ba na may iba kang kahati sa oras at panahon niya? You barely even had time with each other for crying out loud. Sabi ng isipan ko.
Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang isang bato sa harap ko na siya namang bumanda pabalik sa direksiyon ko. Mabuti at mabilis ang reflexes ko at agad akong nakailag. Para nga akong isa sa mga bida sa Matrix kung mai-bend ko ang sexy-body ko.
Napabalikwas ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko. Mukhang may ibang tinamaan. Anong gagawin ko? Patay na, magso-sorry na lang ako.
Nang mapalingon ako ay agad na kumunot ang noo ko at kusang napataas ang kanang kilay ko.
"O? Anong ginagawa mo diyan? Sinusundan mo ba ako? Pwede ba tigilan mo na ako! Tapos na akong maghabol sa'yo. Nakapag U-turn na ako at iba na ang tinatahak kong landas. 'Yung landas kung saan wala ka at malayo sa'yo."
Hindi naman siya nagsalita at tila dinadaing ang matinding sakit ng ulo dala ng pagkakatama ng bato sa noo niya.
" O, ano namang drama 'yan? Hindi ka naman mapaparalyze n'yan, malayo 'yan sa lalamunan. Bakit hindi ka makapagsalita?"
Nang hindi pa rin siya umiimik ay nabahala na ako. Tinanggal niya ang kamay niya na nakasapo sa noo niya at doon ko nakitang tumulo ang dugo pababa sa pisngi niya. Agad akong nagpanic at tumakbo palapit sa kaniya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng coat ko at ipinantakip sa sugat sa noo niya. Inalalayan ko siyang maglakad at dinala sa dorm namin. Nagpaalam ako sa may-ari ng bahay dahil bawal nga ang lalake sa amin. Hindi naman nakatanggi ang landlady namin nang makita ang kalagayan ng kasama ko. Ang swerte naman ng unggoy na'to.
Agad akong nanghalungkat ng bulak, alcohol, band-aid at kung anu-ano pang firstaid sa gamit ko. Maswerte talaga si Kevin at merun ako ng lahat ng 'yun.
"Araay!!! Masakit ano ba dahan-dahan naman!" Pag protesta ng duguang unggoy sa harapan ko.
"Wow. Just wow. Kalalake mong tao, maliit na sugat lang kung maka-aray ka!" Naririnding sigaw ko din sa kaniya.
"Bakit? Sino ba ang may kagagawan nito? Hindi ba't ikaw?" Aba't nanlaki ang mata ko sa paninisi ng siraulong ito sa akin.
"Ahahaha, unbelievable! Masakit? Ito? Nasasaktan ka dahil dito? E paano na lang pala 'yung ginawa mo sa'kin? At talagang sinisi mo pa ako hah. For your information, hindi ko sinadyang gawin 'yan sa'yo. At kung tinamaan ka man you deserved it. Kasalanan ko ba kung hindi ka marunong umilag? Lastly, wala namang nagsabi sa'yo na sundan mo ako bakit ka nakabuntot sa likuran ko?" Sarkastikong pagbalik-sisi ko sa kaniya.
"Alam mo ang dami mong satsat, bakit hindi ka na lang mag-sorry at tapusin na ang panggagamot sa sugat ko?" Hah! Aba't ang mokong ang lakas ng loob na hingan ako nan. SORRY? Big word!
"Hoy lalake, ang saya mo naman! Ano ka kanta ng ABBA, the winner takes it all? Ikaw itong may kasalanan tapos ako pa itong magso-sorry? Bakit naman ako magso-sorry sa'yo aber? Kapal hah." Naiinis kong sabi sabay diin pa lalo ng bulak sa sugat niya.
"Arraay!" daing pa niya.
Agad akong napairap sa kalandian ng lalakeng ito. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa noo niya ng bigla niya itong hawakan. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakayuko at nakapikit.
Bakit? Sumasakit na naman ba kaya ang ulo niya?
Agad na makikita ang pag-aalala sa mukha ko. Nanlambot bigla ang tuhod ko at pakiramdam ko nanghina ako sa nasaksihan ko.
Nanatiling nakapikit si Kevin habang nag-uunahang bumagsak ang mga luha niya sa makinis nitong mukha. Hindi siya nagsalita at ganun din ako. Lumipas ang ilang minuto na nakatitig lang ako sa kaniya.
"Sorry." Pagputol niya sa katahimikan habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.
"I'm sorry. I'm very sorry." Paghagulgol niya sabay titig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero agad na nagbagsakan ang mga luha ko. Agad kong niyakap si Kevin habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa akin.
Ilang minuto pa ang nagdaan at nahimasmasan na kaming pareho. Nagpunas ako ng luha ko at ganun din naman siya.
"Ahaha ang panget mo umiyak! Ang lakas mo pa humagulgol para kang hindi lalake dinaig mo pa ang babae!" Pang-aasar ko sa kaniya matapos ang dramahan naming dalawa.
"Anong ako? Ikaw nga e nakikiiyak ka hindi ka naman kasali. Tignan mo 'yang mga mata mo ang laki na nga mas lalo pang lumaki! Hahaha!" Pangaasar din niya pabalik sa akin. Napangiti ako ng masilayan kong muli ang ngiti sa mga labi niya. Kahit matagal na kaming hiwalay ni Kevin hindi ko pala kaya na makita siyang malungkot lalo na ang umiiyak.
"Siraulo ka! Buseet!" Nakangiti kong sambit sabay bato ng bulak sa mukha niya. Napansin niya sigurong napahikab ako kaya siya na ang nagkusang loob na alukin ang sarili niya na umalis sa dorm ko. Aba mabuti naman at kanina ko pa gustong matulog. Nakakahiya naman sa kaniya at dito pa siya dumayo ng pag-iyak! Anong akala niya sa dorm ko tanggapan ni Ate Charo?
Being a good host that I am, siyempre hinatid ko siya... hanggang sa hagdan nga lang. Hindi ko na siya ihinatid sa gate dahil nakakapagod ang mag-akyat-baba sa hagdan lalo na at ilang oras akong nakatayo sa trabaho, straigth duty pa naman ako baka bumigay ang tuhod ko at magasgasan pa ang very flawless kong legs!
Bago siya tuluyang makalabas ng pintuan, huminto siya sa paglalakad at lumingon pabalik sa akin.
"Kagaya ng sinabi mo, ibang landas na ang tinatahak mo ngayon at malayo na rin ang distansiya natin sa isa't isa. Pero kahit ganun, hahabulin at hahabulin pa rin kita. Para sa'yo handa akong mag-jay walking makatawid lang ng mabilis sa kinaroroonan mo. Pagmultahin man nila ako at pakantahin ng Lupang Hinirang, gagawin ko para lang makatungtong sa iisang lupang tinatapakan mo. I'll do anything, everything just to win you back. At wala akong pakialam kahit meron ng ibang umaaligid sa'yo." Mahabang litanya ni Kevin sabay kindat sa akin at agad na ring umalis.
Nang makita kong umiyak si Kevin nanikip ang dibdib ko. Nakita ko ang longing, naramdaman ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya. Kahit minsan hindi ko pa siya nakitang umiyak. Kaya noong makita ko ang luha sa mga mata niya I felt the need to hug him. I want to tell him everything is gonna be fine. That I will help bring back the smile on his face. Pero pa'no? Ako nga ang dahilan ng mga luha niya.
Siguro nga nagkamali siya ng desisyon noon, but it never took the fact na minahal at mahal pa rin niya ako hanggang ngayon. It's just a broken window that can still be fixed with a second chance. Does this mean pinapatawad mo na si Kevin? Tanong sa'kin ng isip ko.
Siguro nga time is love's ultimate enemy. And love, really is not patient, kasi you cannot be waiting all the time. Dadating ang panahon na kailangan mong magpahinga muna so you ended up breaking. But break-up doesn't mean the love is gone, maybe it's not just the right time. And this time I want to make it right.
Pero paano si Oliver?
Arrrggh!! Ang sakit sa bangs mag-isip! Nakakaloka! Mabuti pa kaya itulog ko na lang muna 'to. Ang hirap talaga maging Diyosa, ang dami kong pusong nasasaktan.
Pumasok na ako sa kwarto at umakyat na sa kama ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at payapang nahimbing. Seryosong nahihilo na ako, panigurado ang sakit ng ulo ko nito bukas.
BINABASA MO ANG
To Happily Ever After
AlteleThis is a short story made from the author's imagination and life experiences combined. Any similarities of the charaters, events and scenes to other stories are entirely coincidental. This is mostly done for entertainment purposes only and does no...