Decision

233 3 0
                                    

Dalawang araw mula nung humingi ako ng advise kila best at sa loob ang 48 hours ay nakabuo na ako ng desisyon sa wakas.

Masusi kong tinimbang ang mga bagay-bagay. Binigyang pansin maging pinakamaliit na bagay. Sabi nila Best, huwag puro isip at puso ang pairalin. Ipaglaban ang dapat ipaglaban. Alam kong hindi ko masyadong nasunod ang mga payo nila pero ang mahalaga masaya ako, magiging masaya ako. Ano man ang kalalabasan ng magiging desisyon ko, tatanggapin ko. At alam kong ano man ang mga iyon ay buong puso akong susuportahan nila Best dahil iisa lang naman ang gusto nila para sa akin at 'yun ay ang maging masaya ako.

Saktong day-off ko ngayon. Excited na ako. Gusto ko ng sabihin sa kaniya ang desisyon ko, na siya ang pinipili ko. Kailangan naming magkita.

Tinext ko si Oliver. Sinabi kong kailangan naming magusap at may sasabihin akong importante. Nag reply naman siya agad at tinext sa’kin ang lugar kung saan kami magkikita.

Nag ayos na ako at nagsuot lang ng high-waist jeans at pulang crop-top. At 'gaya ng dati, lipgloss lang ang kolorete ko ayos na. Ang Diyosa ko talaga!

Kevin's POV

Tok! Tok! Tok!

Inaantok na binuksan ko ang pinto mula sa kung sino mang kumakatok dito.

Napanganga ako ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan ko. Gulat na pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng nakangiti sa'kin. Mukhang nananaginip pa ata ako. Nagpakurap kurap pa ako pero nanatili lang siyang nakatingin at nakangiti sa akin.

"Hi! Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Ea. Oo siya nga ang nasa labas ng pintuan ko. Anong ginagawa niya dito?

"Galing ako sa opisina niyo ang sabi hindi ka daw pumasok. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Siya nga pala may dala akong pagkain baka kasi hindi ka pa kumakain at nagugutom ka na. Halika kain tayo." Sunod-sunod na sabi niya.

Nang sa wakas ay maka-recover ako mula sa pagkakagulat agad kong hinawakan ang kamay ni Ea.

"Teka, Ea anong ginagawa mo? Bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Para kasing may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o hindi. Ngumiti lang siyang muli sa akin at nagpatuloy sa paghahain ng dala niyang pagkain sa lamesa.

Hindi na talaga ako mapakali kaya hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Ea at hinarap ko siya sa'kin.

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa balikat niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"I know a lot of things happened these past few months and it's been very crazy. There are a lot of misunderstandings between us but I want you to know that it's ok. I want us to forget everything bad that has happened and start anew."

Naguguluhan pa rin ako sa mga pangyayari kaya nanatili akong tahimik. Pero unti-unti rin akong nalinawan ng marinig ko ang huling salitang binigkas ni Ea.

"So, do you still want to be my man?" Tanong niya.

Parang bumukas ang langit at nagkantahan ang mga anghel sa narinig ko. Ang ibig bang sabihin nito ay tinatanggap niya akong muli?

"Ang ibig bang sabihin..." hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Natatakot ako na baka mali lang ako ng pagkakaintindi. Hindi kaya nananaginip pa ako? Ayoko ng magising kung ganun. Pero hindi mali ang iniisip ko dahil ngumiti si Ea sa akin at tumango sabay sabing "Yes".

Masayang masaya ako dahil sa wakas ay makakasama ko ng muli ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din naman siya sa akin.

"Salamat at hindi ka sumuko sa'kin. Pangakong mula ngayon ay magiging tapat na ako sa'yo. No more secrets, no more lies. Thank you Ea. I love you" mangiyak ngiyak na sabi ko sa kaniya.

To Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon