True Love

285 3 0
                                    

Masaya akong nagaayos ng gamit ko. Pauwi na kasi ako galing trabaho at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil labas ng casino ay naghihintay si Kevin, ang Bf ko. Kyahh!!

Tama kami na nga ulit. At excited ako ngayon dahil ngayon ang first date namin simula nung magkabalikan kami. Hindi kasi kami nakapag date nung mga nakaraang linggo dahil kailangan niyang bumawi sa mga araw na nagpabaya siya sa trabaho niya. Medyo nagi-guilty nga ako e, dahil tingin ko may kasalanan nga ako sa pagbaba ng performance niya sa trabaho. Tingin ko tuloy tama ang sinabi noon ni Angel sa'kin nung komprontahin niya ako.

Anyways, masaya na rin ako dahil back to Gf  status na ulit ako. Kyah! Kinilig naman daw ako ng very hard!

Everyday is like a fairytale at ang kulang na lang ay 'yung happily ever after! Huwag kayong excited, dadating din tayo diyan very soon!

3 years later...

Naiiyak ako. Seryoso naiiyak ako, hindi dahil sa nasasaktan ako. Naiiyak ako dahil sa tuwa!

Inaayusan na ako ngayon ng mga beking make-up artist namin. Suot ko na rin ang white gown na gagamitin ko pagrampa sa Isle mamaya at handa na rin ang mga flower girls at ring bearer namin. Ang kulang na lang talaga ay ang I Do! Kyah!

"O nasan na si Kevin? Kailangan na siya sa altar para hintayin ang kaniyang bride!" Sigaw ng isa sa mga wedding organizers.

"And you're done! Wow, Diyosa! Ikaw na talaga! Sigurado ka bang hindi ikaw ang ikakasal? Sa ganda mong 'yan baka ikaw ang mapagkamalang bride!" Namamanghang sabi ng beking nag-ayos sa'kin! Haaay naku may nagbago ba? Hindi na kayo na sanay. Haleer Diyosa nga 'di ba?

O yes my dear readers, tama kayo kasal nga ni Kevin ngayon, 'yun nga lang hindi ako ang bride. Naguluhan ba kayo? Don't be dahil ike-kwento ko rin naman sa inyo ang mga pangyayari.

3 years before the wedding...

Sobrang saya ko. Kinakabahan tuloy ako baka sa sobrang saya ko biglang kuhain sakin lahat ng bagay na nagpapaligaya sa'kin.

With Kevin, everyday is like a fairytale at ang kulang na lang talaga ay 'yung pinapangarap ng lahat ng mga bidang Prinsesa sa story, ang makapiling ang Prince Charming nila sa happily ever after.

Pero 'gaya rin sa mga fairytales, hindi mawawala ang mga evil witch na gustong sirain ang maliligayang araw ng bida. Ang pinagkaiba lang, sa lovestory ko hindi evil witch ang kalaban ko kung hindi Angel or should I say si Angel. Tama kayo the same Angel na bestfriend ni Kevin.

But don't get so upset with Angel, hindi naman siya masama kagaya ng mga evil witches sa story kahit pa sabihing malaking bahagi siya ng paghihiwalay namin ng Bf ko.

Linggo ngayon, saktong nagpa-leave ako sa trabaho para sana sa plano naming out of town ni Kevin. Handa na ang lahat, mula ticket hanggang sa accomodation, itinerary at kung anu-ano pa.

Nandito kami ngayon sa condo ni Kevin. Mamayang 10am ang flight namin pa-Palawan para i-celebrate ang monthsary namin at meron pa kaming 5 hours. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya ang kakatok ng ganitong oras? Ala-sinco ng umaga? Hindi na ko nag-isip pa at pinagbuksan na lang ng pinto ang taong 'yun. Nasa lahi ba nila Kevin ang mambulabog ng 5am?

Sa harap ko ay ang pigura ng isang may katandaang babae, hindi ko siya kilala. Kung sabagay wala pa pala akong masyadong kilalang kamag anak ni Kevin. Kahit nga magulang niya hindi ko pa nakikita e.

"Sino po sila?" Tanong ko sa Ginang na nasa harapan ko. Hindi mapakali 'yung babae at parang nagpa-panic. Pawisan ang noo niya at hingal na hingal. Nag-jogging ba siya?

To Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon