Friendzone To Bae-zone

426 4 0
                                    

Back to wedding day...

Congratulations! Sigaw ng mga bisita sa ngayo'y bagong kasal na sila Kevin at Angel. Haaayy sabi nga sa kasabihan, sa hinaba man ng prosisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

Ang dami naming pinagdaanan, mga hindi pagkakaunawaan pero masaya ako na tapos na ang lahat ng iyon.

Several months before the wedding...

Simula nung matinding rebelasyon sa lovetriangle namin nila Angel at Kevin, tinapos ko na ang natitira pang pagtingin ko kay Kevin.

Maayos na tinuldukan namin ni Kevin ang relasyon namin bilang magkasintahan. Nalinawan na kasi si Kevin na si Angel pala talaga at hindi ako ang tunay na Diyosa ng buhay niya. Hindi ako nagsisisi at naninisi na nangyari sa akin ang mga bagay na ito dahil ginusto ko rin naman ito. Ako ang gumawa ng desisyon ko at walang sino man ang dapat sisihin.

Masaya akong naranasan ko ang mga bagay na naranasan ko kasama si Kevin. Minahal ko siya at alam ko din namang minahal niya din ako. Ayun lang ok na ako.

Habang nagiikot-ikot ako sa mall, may nakabangga ako. Nagulat kaming pareho ng makita namin ang isa't isa. Si Kevin, siya ang nasa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at ganun din naman ako sa kaniya. Niyaya niya ako sa isang cafe at doon nagkwento ng mga nangyari sa kaniya, sa kanila ni Angel.

Napag-alaman kong hindi malala ang panibagong sakit na dumapo kay Angel at maayos ang kalagayan niya ngayon. Salamat naman kung ganun. Napag-alaman ko ring nandito si Kevin para tumingin ng singsing pangkasal.

"Wow, ikakasal ka na pala. Congrats I'm so happy for you both!" Natutuwang pagbati ko kay Kevin.

"Haha salamat. Siya nga pala, ito o. Balak sana ni Angel na siya mismo ang kumausap sa'yo pero medyo busy kasi siya ngayon e kaya ito, sana tanggapin mo ang inaalok namin sa'yo." Sabay abot sakin ng maliit na envelope.

"Teka, seryoso ba'to? Gusto niyo akong gawing Maid of honor sa kasal niyo?" Gulat na tanong ko.

"Awkward ba? Pasensiya na alam kong..."

"Ssshh!!" Pagputol ko kay Kevin. "Oo naman gustong gusto ko. Salamat hah. Aba pribilehiyo niyo na makasama ang isang tulad ko sa kasal niyo dahil mababasbasan kayo ng isang Diyosa!" Masayang pagtanggap ko sa alok nila. Natawa na lang si Kevin sa sinabi ko.

Bago pa tuluyang matapos ang usapan namin may kinuha si Kevin na isang box at inabot sa akin.

"My Goddessness Kevin ano 'to? Haay naku sorry pero ayoko na. Sorry hindi ko matatanggap ang proposal mo!" Pangaasar ko.

"Haha sira! Hindi 'yan singsing buksan mo." Natatawa niyang sabi sakin.

Binuksan ko 'yung box na binigay niya at nakita ang isang silver necklace na may violet diamond pendant. Ang ganda naman nito.

"Ibibigay ko sana sa'yo 'yan nung araw na magkikita sana tayo sa park kaso may hindi magandang nangyari at nasaktan kita kaya hindi ko na naibigay sa'yo. Tinago ko 'yan bilang ala-ala ko sa'yo pero mukhang hindi ko na kailangan ito ngayon. Sana tanggapin mo. Isipin mo na lang 'yang bayad sa mga kalokohang ginawa ko sa'yo" paliwanag niya.

"Ano ka ba ang ganda kaya nito, pa'no ko 'to matatanggihan? Salamat hah! Nasasangla ba'to?" Malokong sabi ko pa.

Naputol ang kwentuhan namin ng makarecieve ng tawag si Kevin mula kay Angel. Mukhang may pinaplano na naman 'tong surpresa. Nagpaalam na siya na kailangan na niyang umalis at hinayaan ko lang siya. Haayy ako kaya kailan magkaka poreber?

Back to present...

Hawak ang baso ng wine, nagpunta ako sa gitna ng stage para magbigay ng isang pang-Diyosang speech.

To Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon