Contemplation

274 3 0
                                    

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Angel kahapon.

Hindi ko masisisi si Angel kung bakit ganun ang tingin niya sa akin. Alam kong nagaalala din siya para kay Kevin lalung lalo na at may pagtingin siya para dito.

Paano nga kaya kung nababaliwala ko na talaga ang feelings nila Kevin at Oliver? Paano kung totoo ngang nasasaktan ko na sila ng hindi ko sinsadya? Paano kung pinapaasa ko lang pala ang isa sa kanila? Pareho ko silang gusto pero alam ko rin na isa lang ang dapat kong piliin. Haaayy pero hindi ko alam kung sino.

Dahil nai-stress ako, napagdesisyunan kong puntahan na naman ang aking pinakamamahal na bestfriends!

Kahit puyat pa ako galing trabaho at hindi ako nagkaroon ng peace of mind dahil sa words of wisdom ni Angel, nagtungo pa rin ako kila Mitch ng walang paabiso. Alam kong nasa bahay lang 'yun dahil weekend ngayon at walang pasok ang inaanak ko. Dakilang housewife kasi muna ang peg ni Best matapos siyang magresign sa trabaho niya.

On the way, tinext ko na rin ang Superman kong bestfriend na si Gel.

Kailangang magkaalaman na kung sino ba ang dapat kong piliin at alam kong matutulungan ako ng mga bestfriends ko.

Gaya ng inaasahan, nasa bahay lang nila si Mitch. Nandito na ako sa gate ng bahay nila. Ang bestfriend ko walang kaalam alam sa mga nangyayari at prenteng nakaupo sa tabi ng pintuan.

"Mamamasko po!" Pagsigaw ko. Agad namang tumingin sa direksiyon ko si Mitch at nagulat. Natawa pa ang loka.

"O anong ginagawa mo dito? Wala kang pasok? Hindi ka man lang nagpaabiso bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Grabe ka talaga." Kunyaring ayaw niya akong makita pero nakangiti naman.

At dahil nga si Mitch ay isang mabuting kaibigan hindi siya tumayo sa kinauupuan niya para sunduin ako. At ako, nagpaka-siga kaya diretso pasok lang ako sa bahay nila.

Nabuhay na naman bigla ang tahimik na pamamahay nila Mitch dahil sa mala sirena kong boses. Mayamaya pa ay dumating na rin si Gel.

Bago ang lahat ipinaghanda muna ako nila Mitch ng makakain. Para saan pa at naging kaibigan nila ako kung walang pagkain? Agad ko namang inupakan ang inihanda nila.

"Grabe ka. Dumayo ka lang dito para makikain. Ang takaw mo talaga. Kaya ka tumataba e. Tignan mo 'yang tiyan mo." Pang-aasar sakin ni Gel.

"Oo nga. Ano bang nagbago? Sige lang kumain ka pa diyan marami pa sa ref." Pagsangayon naman ni Mitch.

"Naku Mitch 'wag mong inaaya 'yang si Ea. Ubos lahat 'yan. Mamaya wala ng laman 'yang ref niyo." Pangaasar na naman ni Gel.

"Hayaan mo siya kung kaya ba niyang ubusin e." Pagkampi naman sakin ni Mitch.

"Grabe naman kayo sakin. Ang sarap kayang kumain! At ikaw Gel ang Hot mo naman! Pasalamat ka partida pa 'to! Dahil 'pag ako sumeksi luluwa mata mo! Baka mahiya 'yang ipinagmamalaki mong katawan mo na parang kay Derek Ramsay! Hahaha!" Pagdepensa ko naman sa sarili ko. Ako mataba? Saang part? Puso ko lang ang mataba!

"E? Hoy Ea, ang tindi mo talaga. Tama na 'yan uy!" Hindi nakapalag na sagot ni Gel sabay tawa.

"Gutom na gutom ka ah. San ka ba nanggaling? At bakit napadalaw kang bigla?" Pagtatanong ni Mitch.

"Wala lang namiss ko kayo e masama ba?" Sabay tawa ko.

"Namiss daw. Naku. 'Yung totoo bakit nga?" Tinapos ko lang sandali ang pagkain ko at nagsimula na ako sa misyon ko, ang Operation: Find Out Who is The One?

So, ayun nga kinuwento ko na sa kanila kung gaano kahaba ang buhok ko. Tinawanan pa ako nung dalawa at sinabing ang landi ko daw. Habang patuloy ako sa mga dapat nilang malaman, unti-unti na silang naging seryoso. Si Gel naman ay tahimik lang at paminsan ay suma-side comment.

"Bakit? Hindi mo na ba mahal si Kevin? Aba parang kailan lang ngawa ka ng ngawa dahil iniwan ka niya." Tanong ni Mitch.

"Oo nga, pero 'di ba ikaw na rin nagsabi na dapat mag move on na ako sa unggoy na 'yun?" pagsagot ko naman. Pambihira para akong nasa hotseat!

"E 'yung Oliver? Gusto mo ba siya?" Tanong naman ni Gel.

"Oo, mabait siya, makulit at masayang kasama." Nagba-blush na sagot ko.

"Hindi ganyang klase ng gusto. 'Yung gusto as in mahal mo, may nararamdaman kang special para sa kaniya. Ganun." Medyo naiinis na sabi ni Gel.

"Ang ibig sabihin ni Gel ay 'yung kino-consider mo siya as your partner. 'Yung tipong bigla mo na lang maiisip na kayo o sana kayo!" Pagsingit naman ni Mitch.

Napaisip ako ng kaunti sa sinabi ni Mitch.

"Ganito na lang para hindi ka maguluhan, kung totoong mahal ka pa nung ex mo at mahal mo pa rin naman siya edi ipaglaban niyo 'yung nararamdaman niyo para sa isa't isa. Ganun kasimple. Ngayon, kung sa tingin mo wala ng spark at wala ka ng special feelings na natitira pa para sa kaniya then make him stop. Sabihin mo na agad sa kaniya and don't prolong his agony. Then, give chance sa iba na nandiyan para sa'yo. Maaaring hindi mo pa siya gusto sa ngayon pero matututuhan mo rin naman siyang mahalin na parang sa ex mo. Hindi ba nung una wala ka ring feelings for Kevin? Pero kalaunan minahal mo din siya at sobra sobra pa." Dugtong pa ni Mitch.

"E ikaw Gel ano sa tingin mo?" Paghingi ko ng advise kay Gel.

"Alam mo kasi ako, hindi baleng hindi niya ako mahal. Basta napapangiti niya ako ayos na ako dun. Masaya na ako basta makasama ko lang siya kahit minsan at mapangiti ko siya kahit sa maliit na bagay." Sabay tingin ng seryoso sakin ni Gel. Grabe malaman at napakalalim naman ng hugot ng isang 'to.

"Kaya ikaw maging sensitibo ka, 'wag puro mata ang gagamitin mo at huwag din panay puso. Huwag kang magbase sa kung ano lang ang nakikita mo dahil hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. Huwag ka ring papabulag sa tinitibok ng puso mo dahil hindi lahat ng masarap sa pakiramdam ay tama at makakabuti sa'yo. Piliin mo 'yung taong napapangiti ka, 'yung taong isang tingin pa lang sa'yo alam na niya kung anong nangyayari sa'yo at kung ano ang kailangan mo dahil ang ibig sabihin nun nauunawaan ka niya at ang atensiyon niya nasa'yo. 'Yung tipong hindi mo pa hinihingi binibigay na sa'yo ng walang hinihintay na kapalit. 'Yung malaman lang niyang ayos ka, ayos na rin siya. Tingin ko kasi mas bagay sa'yo 'yung ikaw ang minamahal kesa ikaw ang nagmamahal."

Ewan ko pero medyo naguguluhan pa rin ako. Tahimik lang ako at dahan dahang inuunawa ang mga advise na nakuha ko kila Best.

"Teka, anong oras na ba? Ang sabi mo wala ka pang tulog 'di ba? Umuwi ka kaya muna sa inyo para makapagpahinga ka pa. Dapat nagpapahinga ka din. Tapos panggabi ka pa mamaya wala kang tulog nan! Umuwi ka na huy, hatid na kita" panenermon sakin ni Gel.

"Oo nga mabuti pa matulog ka na. Huwag mong masyadong pinoproblema ang mga lalakeng 'yan. Ikaw Gel bitbitin mo na'to, isama mo na rin pati 'yang pagkain para hindi pumalag. Mag-ingat kayong dalawa." Sabi naman ni Mitch. Ang si-sweet talaga ng bestfriends ko. Napaka caring kaya love na love ko 'tong mga 'to e.

"Haha suicide kasi ako e. Ubusin ko lang 'tong food ang sarap e!" Sabi ko naman sabay hikab.

"Hindi dapat ganiyan. Dapat inaalagaan mo din ang sarili mo. Paano ka makakakilos ng ayos nan sa trabaho kung hilong hilo ka sa puyat? Tapos magrereklamo ka na masama ang pakiramdam mo. Tara na nga umuwi na tayo, 'wag ka ng makulit". Parang tatay na sermon ulit sakin ni Gel.

"Opo, ito na nga po nag-aayos na uuwi na po. Hahaha sige na Mitchie! Ba-bye alabU! Salamat!" Pagsuko ko.

Kailangan ko munang pagisipan mabuti bago ako magpasya kung sino kila Kevin at Oliver ang pipiliin ko. Ayokong magmadali pero alam kong hindi ko na 'to dapat patagalin pa. Ayokong magpaasa dahil alam ko ang pakiramdam ng umasa. At dyahe 'yun hindi nakakadagdag ng ganda.

Sa biyahe, dahil sa sobrang antok ko, isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Gel. Mahirap makapag-isip ng tama kung pagod ka kaya paggising ko na lang ulit iisipin ang Diyosa problems ko. Si Gel na ang bahala gumising sakin kung bababa na kami ng jeep. Sa ngayon, iiglip muna ako.

To Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon