Kevin's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng dorm ni Ea. Sisimulan ko na ang panliligaw muli sa kaniya at sana ay magustuhan niya ang dala kong mga regalo.
Ilang minuto pa, may humintong taxi sa harapan ko. Inaninag ko kung sino ang nasa loob ng biglang bumaba ang mga sakay nito. Agad akong napangiti ng masilayan ko si Ea, ngunit agad rin itong naglaho ng masilayan ko ang taong nakasunod sa kaniya.
'Yung lalake na namang 'yun? Bakit ba lagi na lang siyang nakabuntot kay Ea? Agad na nawala ang saya ko.
Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Ea lalo na pag nakikita ko kung paano niya hagkan ang babaeng mahal ko. Katulad na lang ngayon. At talagang yumakap pa siya, nananadya ba talaga siya?
Tinitigan niya ako ng matalim at ganun din naman ang ibinalik kong tingin sa kaniya. Halos magkakuryente na ang mga mata namin at wala sa amin ang gustong magpatalo.
Naputol ang tunggalian namin nung asungot ng biglang maglakad palayo si Ea papasok sa gate ng dorm niya. Hinabol ko ng hawak ang kanang kamay niya at sa kasamaang palad nahawakan naman nung isa ang kaliwang kamay ni Ea. Muli na namang namuo ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Nagpupumiglas si Ea pero wala ni isa man sa amin ng lalakeng iyon ang balak na bitawan siya.
Minsan ko ng binitawan si Ea at malaking parte ng buhay ko ang nawala, kaya sa pagkakataong ito hinding hindi ko na hahayaang makawala pa ang babaeng pinakamamahal ko.
Oliver's POV
Nakarating na kami sa tapat ng dorm ni Ea. Nauna na siya sa pagbaba sa taxi. Ang kulit kasi e ayaw magpaalalay masakit lang daw ang ulo niya kaya hindi na kailangan pang alalayan. E nilalagnat kaya siya. Haaay ang cute talaga ng babaeng to. Hindi nakapagtataka kung bakit nahulog agad ang loob ko sa kaniya simula pa lang. Ibang klase kasi siya. Napaka simple lang, masayahin at may pagkamakulit. The way she makes someone fall for her is so effortless. I wonder kung alam ba niyang sa simpleng ngiti lang niya marami ng nahuhulog sa kaniya? Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagawa pa siyang iwan sa ere ng Ex niya. Baliw lang ang makakagawa nun.
Speaking of, anong ginagawa ng lalakeng ito dito? Teka may kasama ba siya? Nandito din ba 'yung babaeng kasama niya sa cafe noon?
Lumingon ako sa paligid pero wala namang ibang tao maliban sa kaniya. Aba ang lakas naman ata ng loob ng lalakeng ito. Ano to two-timing? Alam ba'to ng GF niya?
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ea. Tumingin ako sa Ex niya na ngayo'y nasa harapan namin. Aba't nakipagsukatan pa ng tingin sa akin. Siyempre hindi ako nagpatalo at tinignan ko din siya ng matalim. Naglakad palayo sa amin si Ea na agad rin naming hinabol.
May sakit si Ea at alam kong nasasaktan siya sa pagkakahawak ko. Medyo mahigpit na rin kasi ang pagkakakapit ko sa kaniya. Pero sorry Ea hinding hindi ko bibitawan ang kamay mo. Kung meron man ditong dapat na bumitaw, 'yun ay ang Ex mo.
Matagal ka na niyang binitawan, iniwan at sinaktan. Mayroon na din siyang iba kaya para saan pa at kailangan ka pa niyang balikan at hawakan?
Wala na siyang babalikan dahil hangga't nandito ako, hangga't hindi mo sinasabing umalis ako, walang ibang makakalapit sa'yo. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa kahit na sino man lalung lalo na sa kaniya.
Nagpanic ako ng biglang napaupo si Ea. Mababakas ang parehong pagaalala sa mukha namin nung Ex niya. Ano nga bang pangalan nito? Kenney? Kerbi? Ahh Kevin tama. Bubuhatin ko na sana si Ea ng biglang pigilan ako ni Kevin.
"Pre ako na. Mukhang may pasok ka pa sa trabaho. Mabuti pa bumalik ka na. Ako na ang bahala kay Ea." Sabi pa niya. Ano namang akala niya susundin ko siya? Sino ba siya para diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin?
"'Wag mong alalahanin ang trabaho ko, ang intindihin mo ay 'yung GF mo. Alam ba niya na nandito ka? Alam mo hindi ka dapat nananakit ng inosenteng babae. 'Wag mo siyang paasahin porque alam mong mahal ka niya. Don't take her feelings for granted baka magising ka na lang wala na siya sa'yo." Sagot ko naman.
Tumingin ako sandali kay Ea sabay balik ng tingin kay Kevin. "Alam mo ba 'yung kasabihang finders keepers? I think you should learn that. Para matuto kang magpahalaga."
Itinayo ko na si Ea mula sa pagkakaupo niya at inalalayan papasok sa loob ng gate ng dorm niya. Napahinto siya saglit sa paglalakad at tumingala sa akin. Dahan-dahan niyang iminulat ang bilugan niyang mga mata.
"Ayos na ako, kaya ko ng umakyat. Salamat sa paghatid." wika niya.
Magsasalita pa sana ako ng pigilan niya ako gamit ang hintuturo niya na inilapat niya sa labi ko. "Pssshh... 'wag ka ng magsalita. Ayos na talaga ako, isa pa bawal ang lalake sa loob ng dorm namin. Gusto mong mahabol ng taga? Hahaha! Saka 'di ba may trabaho ka pa? Baka hinahanap ka na sa Station mo mapagalitan ka pa ng boss mo. Ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagkasira ng records mo sa trabaho. Ipapahinga ko lang 'to at iiinom ng gamot kaya 'wag ka ng magalala."
Hindi pa rin ako mapalagay at makikita pa rin ang pagaalala sa mukha ko.
"Unatin mo nga 'yang noo mo, para kang pinaglihi sa sama ng loob. Hindi bagay sa'yo. Simpleng trangkaso lang 'to. Okay? Kita na lang tayo bukas!" Nanghihinang wika ni Ea sabay ngiti sa akin. Sa kabila ng sakit niya nagagawa pa niyang tumawa.
Wala na akong nagawa at pumayag na lang sa gusto niya. Bago ako tuluyang magpaalam, hinalikan ko siya sa noo at hinintay siya na makapasok sa pintuan ng dorm niya.
Samantala, sa labas ng gate ay nakatayo pa rin si Kevin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang makalabas na ako ng gate ay dumiretso lang ako ng lakad at nilagpasan siya.
"Hindi ba ikaw itong mapansamantala?" Huminto ako saglit sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya.
"Grabe ka din naman kung makalingkis kay Ea. Dahil ba manliligaw ka niya o dahil natatakot kang maagaw siya sa'yo? Dinaig mo pa ang bakod ah. Pero bakit? Ahhh... kasi alam mong hindi naman talaga siya sa’yo. Finders keepers ba kamo? Haha!" Napalingon na ako sa direksiyon niya ng marinig ko ang sarkastikong tawa niya.
"Naniniwala ka ba talaga na nakuha mo na si Ea? Baka ikaw mismo ang kailangan makaintindi ng salitang finders keepers. Dahil kahit kailan hindi naman nawala sa akin si Ea. She may be in your reach but that's it. She'll never be in your grasp, 'cause she's never yours."
BINABASA MO ANG
To Happily Ever After
RandomThis is a short story made from the author's imagination and life experiences combined. Any similarities of the charaters, events and scenes to other stories are entirely coincidental. This is mostly done for entertainment purposes only and does no...