“Ay taray! Pauwi na lang nag-lipstick pa ang bruha!"
"Oo nga! At teka blooming! Kaninang pagpasok wala pang make-up at gulu-gulo ang buhok pero nyay ganda pa rin!" pagpuna ng mga kasamahan ko sa trabaho.
"Edi meow! Naku pinaglololoko niyo pa ako. Kung sabagay hindi naman pala bago 'yun dahil isa nga pala akong Diyosa!" natatawang sabi ko naman.
"Ayy teka nasaan ang hanger? Ano woke up like this ganun? Sinasabi ko sa inyo huwag ninyong ginugutom si Ea ih. Nasan na ba ang gamot mo, nakainom ka ba?" pagsabat ng isa pa naming kasamahan sabay tawanan naming lahat.
Pauwi na kasi ako e. At tama sila parang blooming nga ako ngayon. Ang ganda-ganda pati ng araw ko at kahit sobrang busy kanina parang baliwala lang sa akin.
Dahil siguro kay Oliver.
Sa totoo lang araw-araw naman kami nagkikita dahil sa iisang building lang naman kami nagtatrabaho at palagi na niya akong hinihintay para ihatid sa dorm. Pero ever since that day, nung araw na pinayagan ko siyang manligaw, I always look forward sa uwian. Sa malamang kasi naghihintay siya sa'kin. Ako na ang feeling inspired! Gaya ngayon, excited na ako mag-Out. Niyaya kasi ako ni Oliver sa isang date. Oo tama kayo ng narinig. Official date namin simula nung araw na nagconfess siya sa'kin.
Binilisan ko na ang paglalakad para mabilis akong makarating sa dorm at makapag palit ng damit.
"Kanina ka pa pabalik-balik dan ah. Nakailang palit ka na ba?" tanong sa akin ni Ate Che, kasama ko sa dorm. Hindi ko kasi alam ang isusuot ko e at nahihilo na sila sa pagpapabalik-balik ko ng lakad.
" Aba ang bunso namin luma-lovelife. Sino ba 'yang ka-date mo?" Tanong naman ni Ate Grace.
"Ate baka ito na si Poreber. Ano ba dapat ang isuot ko? Wala na kasi akong dress ih nasa laundry pa. Kung mag miniskirt na lang kaya ako ayos lang ba?" Tanong ko naman pabalik sa kanila.
"Bakit san ba kayo mag de-date? Hindi ka kasi nagsabi agad e sana dinala ko 'yung killer dress ko bago ako umuwi dito." Tanong rin ni ate Che.
Ayun ang problema. Hindi ko alam kung saan kami kakain. Baka mamaya sa fishball-an lang pala kami sa kanto ng Baclaran kakain. Nakakaloka lang. Kahit na hindi ako sosyalin, I still look forward sa date na ito kaya dapat maexceed niya ang expectations ko.
3pm ang usapan namin na pagsundo niya sa akin dito sa dorm at 2:30 na kaya nagmamadali na akong mag ayos. Sila Ate Che at Grace naman na-stress na sa akin na parang sila ang may date kaya tinulungan na nila ako.
Sa huli ay nauwi ako sa isang flowy floral miniskirt at white sleveless na tinernuhan ko ng white flat sandals. Kinulot ni Ate Che ang buhok ko at ni-clip sa isang side. Si Ate Grace naman ang nagmake-up sakin. Nilagyan niya lang ako ng lightpink-glittered eyeshadow at pink lipgloss at inapply-an ng kaunting face powder.
Maya-maya ay may bumusina na sa labas ng dorm. Ilang segundo pa ay nagprompt ang cellphone ko. Text galing kay Oliver. Nasa baba na daw siya. Nataranta naman kami kaya kahit hindi pa tapos si Ate Grace sa pag-aayos sa akin ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na nga nakita ang sarili ko sa salamin. Bahala na! May tiwala naman ako kila Ate e at ano ba ang palagi kong sinasabi na kinakaumay niyo na? Tama! Isa akong D-I-Y-O-S-A kaya kahit basahan pa ang ipasuot sa akin ay maganda pa rin ako.
Narinig ko pang sumigaw ng goodluck sila Ate bago ako tuluyang makalabas ng kwarto.
Napahinto ako sa pagtakbo at dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan. Hindi dapat ako magpahalata na excited ako. Tama! Ea behave! Pagsaway ko sa sarili ko.
Nang makalabas na ako ng gate, pasimple akong tumingin kay Oliver. Nanlaki ang mga mata ko at muntik ng mahulog ang panga ko sa nakita ko. My Goddessness! Si Oliver ba talaga 'to o artista? Ang gwapo niya sa suot niyang fitted navy blue chinese collar long sleeves at black pants. Naemphasize ng suot niya ang makisig na pangangatawan niya na dulot siguro ng pagta-taekwondo niya. Cool na cool siyang naghihintay habang nakasandal sa gwapong gwapo din niyang kotse.
BINABASA MO ANG
To Happily Ever After
RandomThis is a short story made from the author's imagination and life experiences combined. Any similarities of the charaters, events and scenes to other stories are entirely coincidental. This is mostly done for entertainment purposes only and does no...