Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
I wrote this when I read your Instagram post. Back then, I really wanted to hug you. To let you know how beautiful and special you are.
Apron and Richard reminded you to love yourself a little more everyday. And everyday you tried. Damn you tried albeit the bashing and criticisms.
A year has passed. And now, I want to hug you again. Because, ang babaeng hindi marunong sumayaw, hindi marunong umarte at hindi marunong kumanta is finally realizing her dreams.
Mahal kita. Hinde, mahal na mahal kita. Hindi dahil sa isa kang bituin. Kundi dahil nabalot ako sa iyong ningning. At nabago nun ang buhay ko. ***********************************
Sa dilim ng gabi, akoy lubos na namangha Sa isang bituing balot ng ningning at hiwaga Akoy napayuko, may luha sa aking mga mata Pagkat taglay niyang ningning, kailanmay hindi ko kaya
Nang mula sa pagkalugmok, may biglang bumulong sa akin Isang taong nag-alay ng mataimtim na hiling Isang hiling ng pangarap, isang hiling ng pagasa Isang hiling ng pagibig at buhay na maligaya
Hindi man karapatdapat, nabalot sa saya ang puso Tila nagkaron ng kabuluhan ang bawat pagkabigo Hindi man pinakamaningning, may taong nagtiwala sa akin Inalay ang sarili sa pamamagitan ng hiling
Walang pagaalinlangan, ibinuhos ko na ng todo Pinagningning ang aking liwanag sa paraang alam ko Hindi man maging sapat, hindi man katulad nung isang bituin Pangako, ibibigay ko lahat upang aking kayanin
Tumungo ako sa ibaba at lingid sa aking kaalaman, Isang tao ang nakatunghay sa langit kani-kanina lang......
Sa dilim ng gabi, akoy lubos na namangha Sa isang bituing balot ng ningning at hiwaga Akoy lubos na natulala, may luha sa aking mga mata Pagkat taglay niyang ningning ang Pinakamaganda
Pikit ang mga mata, nag-alay ako sa kanya ng hiling Niyakap ang sarili sa kapayapaang bumalot sa akin Sa ilalim ng kanyang liwanag, natuto akong mangarap at umasa Naniwala sa pagibig at lubos na naging maligaya
Pagmulat ng mga mata, isang salamat ang alay sayo Sa pagiging inspirasyon at bahagi ng buhay ko Mawala man ang iyong ningning ay hindi na mahalaga Pagkat magkabigkis na ang ating damdamin at kaluluwa
At sa dilim ng gabi, sa dinami dami ng mga bituin, Sa tuwinay hinahanap ang isang napamahal sa akin...