Dati ay isa lamang misteryo ang dagat sa akin
Mga pangakong binuo sa bawat bukangliwayway
Mga yapak ng alaalang nakaukit sa buhangin
Mga mabagsik na daluyong na humahalik sa dalampasiganNgayo'y naunawaan ko na ang hiwaga nitong pag-ibig
Dahil ikaw ang liwanag, ang aking araw
Dahil kamay mo ang hawak ko sa bawat paglalakay
Dahil dalhin man ako ng unos saang parte mundo
Ako pa rin ang along hahalik at babalik sayoBy: bluelagim
