Tala

67 3 0
                                    

Prompt:  Poetry, Three Wishes

***************************************
Sa dilim ng kalangitan, at gabing payapa
Bumulong ako sa pinakamaningning na tala
Isang matamtim na dasal, isang pinakamimithing hiling
Ibinuhos ang laman ng aking puso sa hangin

Una kong hiniling ang pagibig.....

Nang magtama ang ating mata, tumigil ang mundo ko
At ang tanging nadinig ko lang ay ang pagtibok ng aking puso
Nabalot ako ng saya, at isang ngiti ang sumilay
At nang sandaling yaon, alam ko, nagbago na ang aking buhay

Doon ko natutununan kung paano ibigin at umibig
Ang magmahal ng buong buo at ialay ang sarili
Ang bawat haplos at halik ay nagsasayaw sa pagsuyo
Pagkat magkabigkis ang pintig ng ating mga puso

Ikalawa kong hiniling ang habang panahon....
Pagkat kulang ang habang buhay na nais kang makasama
Ikaw ang bawat pagngiti, ang bigay ng Maykapal
At mamahalin kita nang higit pa sa kaytagal

Sa bawat saya at pait ng ating paglalakbay,
Nanatiling matatag at magkahawak kamay
At hindi ako bibitiw, yan ang aking pangako
Ang "Ikaw at Ako" kailanman ay hindi maglalaho

Ikatlo kong hiniling ang talang nakatanaw sa akin.......
Sapagkat wala na akong iba pang mahihiling
Ipinikit ko aking mga mata at dinama ang yong pag-aruga
"Sana Ma, nandito ka at makita mo akong masaya"

Sa dilim ng kalangitan, at gabing payapa
Bumabalik balik ako upang humiling sa aking Tala...

MaiChard LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin