Simula

129 4 1
                                    


"Pwede ba kasing magpakilala ka na?!" Kasunod nito ang walang tigil at walang humpay na pagpatak ng luha ko.

Hindi ko na mapigilan, napasigaw na ako. Pinipilit ko na kumalma pero hirap na hirap ako. Wala akong makuha sa kanya na matinong sagot.

Walang imik at hindi man lang siya humaharap sa akin.

Gulong gulo na ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa mga kilos na ginagawa niya, mas lalong nagiging komplikado ang lahat.

"D.. Please, humarap ka sa akin. Kausapin mo ako..."

Pero hanggang ngayon wala pa ring tugon akong nakukuha mula sa kanya. Nakatalikod lang siya sa akin, nagmamatigas.

Oo, inaamin ko. Gusto ko siya, mahal ko na siya at sobra akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nangyayari.

Parang kailan lang sobrang ayos at saya namin pero bakit ngayon biglang nagkaganito.

My tears are becoming a sea. Wala itong humpay sa pag-agos at nahihirapan na rin akong huminga. Tila pasan ko buong mundo dahil sa mga nangyayari.

Lumalalim na rin ang gabi at malamig na ang simoy ng hangin. Tinatangay na ng hangin ang aking mahabang buhok. Natutuyo na rin ang luha ko sa pisnge na kanina ay walang tigil sa pag-agos at pagtulo.

Napayuko na lang ako at inalala ang masaya namin alaala noon. Nagsimula na namang pumatak ang luha ko dahil sa mga naaalala ko.

The memories are still fresh. The memories are still there. Even the small details are the most important.

Ganun na ba ako kasaya noon kaya sobra sobra akong nasasaktan ngayon?

Tumingala ako. The darkness of the night sky is like the tension between us. Tanging dilim lang ang nakikita ko. Wala ito gaanong bituin at liwanag. At kung may liwanag man tanging buwan lang at para sa akin siya yun.

Aminin ko man sa hindi, ang taong nakatalikod sa harapan ko ay gusto ko, mahal ko.

Mahirap man aminin pero mahal ko siya. Hindi ko man alam kung sino siya pero parang kilala ko na ang buong pagkatao niya at buong buhay niya.

Magulo pero ito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong siya ang magpakilala sa akin kahit na may doubt na ako kung saan papunta 'to.

At hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya na tanging nagbibigay ng liwanag ngayon sa buhay ko.

Hindi ko na mapigilan. Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod. 

"I can't help it, i like you..."

Ramdam ko ang gulat sa kanya pero di niya ito ganoon ipinahalata. I know, i can feel it that he loves me too at hindi niya lang yun pinapahalata pero ramdam ko! Ramdam na ramdam ko.

Ngunit ang sunod na mga sinabi niya ang sumira sa nag-iisang pag-asa ko na magiging ayos kami, na magiging masaya kami, na mamahalin niya ako at ganun rin ako sa kanya.

Hindi ko matanggap. Ang sakit, bullshit.

"I don't know you and i don't even like you." Hindi ko nakilala ang boses niya. Sobrang lamig nito at alam ko kung kanino.

Sobrang bilis ng pangyayari. May isang kotse na huminto sa harapan niya at dali dali itong pumasok sa loob at humarurot ng takbo.

And the next thing i knew, he's here. He's hugging me right now. I'm crying in front of him.

"Everything is gonna be alright..." Isang malamig nitong tugon habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"I love him.."

Mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Talk To Strangers You Might Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon