Chapter 7

5.8K 99 0
                                    






" W-what are you talking about?" naguguluhan sabi ko. Gahd Azi.


Napayuko ako. Hawak hawak pa din ni Azi ang aking kamay.


" Jiecelle please look at me.. " seryosong sabi ni Azi.. Umiling lang ako. Ayoko. Ayoko syang tignan, baka may maghabulan na naman na daga sa aking dibdib.


" Please Babe, Look at me.. Please.. " nagmamakaawang saad nito.


Unti-unti ako tumingala at tumingin kay Azrael..


Seryosong nakatingin si Azrael sa akin. " Alam ko natatakot ka .. Natatakot ka na masaktan dahil alam mong playboy ako. But damn Jiecelle, I'm willing to change.  I go to sleep every night and I do think of you. I do a lot of tricks to get your attention, I just want your attention,wala ng iba. Please Jiecelle, sumugal ka naman. Hayaan mo naman akong makapasok dyan sa puso mo. Let me show you what Azrael Ian Montefalco III can do for the woman he loves. "

Tinamaan ako sa sinabi ni Azi. Am i being unfair for not letting him in ? I'm just guarding my heart. Natatakot ako, natatakot ako na masaktan. I know him, isa syang notorious playboy. But why my heart says different? Fck! Naguguluhan na ako! No doubt, I like him. But is it enough to allow him to enter my world? Mahirap sumugal. Baka mamaya sa huli ako ang talo. Pero what if, panalo?  Kaya nga sugal diba? Walang kasiguruhan.

" It's not that easy Azi. Nakakatakot sumugal.. "

Nakita kong pumikit sya ng marahan at humawak ng mahigpit sa manibela kitang kita ko ang mga ugat sa braso nya.

" Just allow me to show you what I really feel Jiecelle. Hayaan mo lang ako.. " seryosong sabi nito.

" Okay. " tipid na sagot ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na hayaan lamang sya sa ginagawa nyo. Pero yun ang nararamdaman ng puso ko.

" I promise to you, Ikaw lang ang babaeng nandito sa puso ko. Maybe, madami akong babae pero wala pa ni isa sa kanila ang nakakapagpahabol sa isang Azrael Ian Montefalco. Ikaw lang. " nakangiting saad nito at sinimulang paandarin ulet ang sasakyan na hindi ganun kalayuan sa aming bahay.

" Azi ? " tawag ko sakanya.

Nakagiting bumaling ito saken. " Yeah? Sasagutin mo naba ako?" sabay tawa.

Napasimangot ako. " Napaka conceited mo! Kaasar to. " i sighed. " Bakit ako?" balik tanong ko.



" Anong bakit ikaw?" saad nito na huminto na sa tapat ng aming wooden gate.



" What I mean is, Bakit ako? Andami naman dyang iba. Halos araw-araw ibang mga babae kasama mo. Kung makipaghalikan ka sa kanila akala mo nakikipagusap ka lang. Kung magpalit ka ng babae akala mo nagpapalit ka lang ng boxers mo, or even worst! " huminga ako ng malalim. "There's nothing special to me Azrael, let's face the truth. I'm not sexy, nor pretty . Kung ihahanay mo ako sa mga naging babae mo baka mapagkamalan akong katulong. " napatawa ako ng bahagya.



Aminin man nya o hindi alam kong ganun talaga. Nanliliit ako para sa sarili ko. Bakit? Kasi walang wala ako sa mga babaeng naging Girlfriend ni Azi. Ni hindi nga ako matatangap na model ng sabong bilog.


" Bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo Jiecelle? Bakit ang unfair mo? Samantalang ako, napakataas ng tingin ko sa'yo feeling ko hindi kita maabot kasi ganito lang ako. Pero ikaw ganyan ang tingin mo. You're asking me why you? I don't know.. Seriously, hindi ko alam Jiecelle.. Bakit kelangan ba may dahilan kung bakit ikaw ang gusto ko? Stop your damn insecurities Jiecelle. " hinawakan nito ang braso ko at hinarap ako sakanya. Unti-unti na ding pumapatak ang aking luha.



Pinunasan ni Azi ang aking luha gamit ang kanyang daliri. " Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang gusto ng puso ko. Tapos. " saad nito sabay halik sa aking noo.

Nagulat ako sa kanyang sinabi at dali dali ko syang niyakap.


" Thank you for making me feel special, Azi. "


" You're special. Very special Jiecelle" ani nito sabay halik sa aking sintido.


Maybe I need to allow him to enter my world, to invade my heart. Besides, alam kong hindi ako titigilan ng isang Azrael Ian Montefalco III . Gusto ko ding maramdaman kung paano ba mahalin ng isang Montefalco. Sige, para sa'yo Azi susugal na ako.

But now, Let me tame you first.

Taming The Innocent Devil (Azrael Ian Montefalco III)  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon