"Ano ng real score nyo ni Azi?" tanong sa'akin ni Ate Ivy. Nandito kami ngayon sa may canteen.Habang sinasawsaw ko ang fries ko sa ketchup ay inikot-ikot ko ito.
"Hindi ko alam Ate." nakapalumbaba na sabi ko.
"Diba nanliligaw sya sa'yo?" sabi naman ni Mina.
"Ata? Hindi ko alam." naguguluhang sabi ko.
Bigla naman akong binato ni Kuya Chris ng french fries. Sinamaan ko ito ng tingin bago ibinato pabalik sa kanya ang fries.
"Nguso mo lahat na lang hindi mo alam!"
"Mukhang seryoso naman sya. Madaming nagsasabi na itinataboy na nito ang ibang babaeng lumalapit sa kanya."
Sumang-ayon naman si Mina sa sinabi ni Ate Ivy.
"Mahal mo ba?" tanong ni Mina.
Napatigil ako sa pagsubo ng fries ng marinig ko ang tanong nito.
Bumuntong hininga ako at tumango.
"Gaga ka talaga!" sigaw ni Kuya Chris. Nahihiyang napatungo naman ako dahil napansin kong bumaling lahat ng atensyon ng tao sa amin.
"Hoy bakla! Chill ka lang." naasar na sabi ni Ate Ivy, nahiya din siguro sya pagsigaw ni Kuya Chris.
"Hoy Ivy! Tandaan mo kapatid mo ako!" pagmamaldita naman nito.
"Tumigil na nga kayo, etong babaeng to ang abnormal bat kayong dalawa ang nagtatalo?" pagawat naman ni Mina.
Naiistress ako sa kanila. Tinanggal ko ang salamin ko at pinunasan ito gamit ang tissue.
"Bakit hindi mo pa sya sagutin?" tanong ni Kuya.
Wala sa sariling kinamot ko ang kilay ko. "I'm scared."
"Scared of what?" tanong ni Mina.
Habang si Ate Ivy tahimik lang na nakikinig.
"I'm scared that he will hurt me." Ibinalik ko ang salamin ko. "I'm scared to take a risk. We all know that he is a notorious playboy, what if nachachallenge lang sya dahil hindi ako nadadala sa mga mabubulaklak nyang salita at kagwapuhan nya? This is the first time that i fell inlove, hindi ko alam ang mangyayari."
Uminom ako ng Coke at nagsalita ulet. "And besides, who am I to be love by an Azrael Ian Montefalco III right? I'm just an ordinary girl who loves books and music. That's all. "
"How many times do I have to tell you that don't look down on yourself." biglang salita ng isang baritong tinig.
Napalingo ako sa likod. Si Azi.
Tumayo ako at humarap sa kanya."Anong ginagawa mo dito?"
"Baka nakalimutan mong dito din ako nag-aaral. At ito ay parte din ng eskwelahan natin." medyo nangaasar na sagot nito.
BINABASA MO ANG
Taming The Innocent Devil (Azrael Ian Montefalco III) (COMPLETE)
Fiksi Penggemar" I don't hate them. " Yan ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko. They always asked if I'm mad with the Montefalco's well apparently I am not . I'm just busy in my own world. They have their own right? Giving my attention to them is worthless...