Miss Paasa #5

153 7 3
                                    

Yexa De Vera.

Outing. Ugh. Nakaka-excite nga pero nakakapagod mag-asikaso. Lalo na ngayon at may problema ako.

*flashback*

Naglalakad ako papunta sa room namin nang mag-vibrate ang phone ko. Binasa ko ang message.

Fr: Babe

Hey Babe. We need to break up. I'm engaged.

Sa pagbasa ko, agad na tumulo ang luha ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko, kakapusin ako ng hininga. Hindi ko matanggap na nakipag-break siya sa akin. Humagulgol ako sa pag-iyak.

Sinubukan kong tawagan si Carlo. Pero, babae ang sumagot.

"H..hello?" Sinubukan kong pigilan ang iyak ko. Ayokong magpaawa sa kanya. Ayokong bumalik siya sa akin dahil sa awa.

"This is not Carlo. This is his fiancee. Ano kailangan mo?" Mahinahong sabi nung babae.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Pumatak muli ang mga luha ko.

"C..can.. I speak to him?" Nanginginig kong tanong. Nawalan ako ng lakas. Nanghihina ako.

"He said he is not here." paliwanag nung babae.

"O..ok. Thanks." Sabi ko na lang at binaba ang telepono.

Muli ay humagulgol ako sa pag-iyak.

Gusto kong sumigaw. Pero, hindi ko magawa. Nawawalan ako ng lakas. Nawawalan ako ng boses sa sobrang sakit.

Napasandal ako sa pader at doon umiyak.

Ayaw ba akong kausapin ni Carlo?

Gusto ko siyang tanungin ng bakit.

Pero, wala akong magawa.

Gusto ko siyang sampalin.

Dapat personal niyang sinabi at hindi sa text lang.

Gusto kong ipakita sa kanya na umiiyak ako.

Para ipakita sa kanya na nasasaktan ako.

Gusto ko maramdaman niya na mahalaga siya sa akin.

Na hindi ko kaya na wala siya.

Umiyak lang ako nang umiyak. Pakiramdam ko, nag-iisa lang ako sa mundo.

Ang saklap.

Wala na yung taog minamahal ko.

Pinilit kong patahanin ang sarili ko. Pinagpatuloy ko ang paglakad ko. Saktong papasok ako nang makita ko si Yl.

Muli, nanlambot ang puso ko. Nalungkot ang mga mata ko. Bumigat na naman ang pakiramdam ko.

Dahil nakita ko ang taong napaglalabasan ko ng sama ng loob. Ang taong iniiyakan ko. Si Yl.

Agad ko siyang sinalubong ng yakap. Niyakap naman niya ako. Alam kong nagtataka siya. Binalewala ko na lang iyon.

Kapag yumayakap ako sa beastfriend ko, gumagaan ang loob ko. Kasi alam ko, siya lang ang nakakaunawa sa akin. Siya lang ang kakampi ko. Sa pagyakap niya sa akin, alam ko, may pakielam siya sa akin. Nararamdaman ko na mahalaga at mahal niya ako.

Sinubukan kong patahanin ang sarili ko at sinabi sa kanya ang dapat.

Sa pagbanggit ko pa lang ng pangalan ni Carlo, nainis na siya. Nagulat ako. Matagal ko ng alam na ayaw niya kay Carlo kasi wala nama itong pakielam sa akin. Pero, tama siya. Ako lang naman itong habol nang habol pa rin kay Carlo. Oo. Nagpapakatanga ako.

Nagmamahal lang ako.

Napasobra lang.

Aminin mo man o hindi, ang taong hindi nasaktan, hindi naloko o hindi naging tanga sa pag-ibig, hindi nagmahal ng totoo.

Ako "Daw" si MISS PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon