Miss Passa #8

128 5 1
                                    

"R..Rae.." mahina at nanlulumay ang boses ko.

Lumingon siya. Mukhang nagulat siya sa nakita niya.

Si Casidee Yl Benitez, umiiyak.

Agad ko siyang niyakap.

"H..Hindi ko pala kaya. *hik* Akala ko tapos na. P..pero, bumalik siya..*hik* Naiinis ako. Nagagalit. P..pero.. *hik* M..mukhang, mahal..ko..p..pa siya." Humagulhol ako sa pag-iyak sa kanya. Siguro, basa na ang damit niya sa dami kong naiyak. Baka nandidiri na siya. Pero, hindi naman ata. Niyakap ako ni Rae. Isang yakap na ipinararamdam sa akin na iingatan niya ako. Yakap.na nagsasabing "Kaya mo yan."

Unti-unting tumigil ang pagbuhos ng luha ko mula sa aking mga mata. Salamat kay Rae. Salamat sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko.

--

Rae Justin Fernandez.

Mula sa naghahalong kulay ng itim at pula na kulay ng kanyang mapupungay na mata, rumaragasang mga luha ang nakikita ko. Mamula-mulang ilong. Nakaramdam ako ng awa at halong takot. Ang maamo niyang mukha ay lalong nagiging inosente. Hindi ko alam na ang isang anghel na tulad niya ay iiyak. Isang anghel na walang ginawa kundi ang pasayahin ang isang taong tulad ko, kahit tila nananahimik ako. Iba pa rin kapag siya ang kasama ko. Komportable ako at hindi ako nahihiya. Simple lang ako. Nagagawa kong maging ako.

"Tahan na." bulong ko sa kanya. Nararamdaman kong basang-basa na ang uniporme ko pero hindi ko ininda iyon. Gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya. Inabutan ko siya ng panyo. Tinanggap naman niya ito. Pinagmasdan ko siyang magpunas ng mga luha niya.

"Salamat." wika ni Cas. Hindi ko na siya sinagot at agad ko siyang hinila. Kung kanina, nagrereklamo siya, ngayon, hindi na. Nanahimik na lang siya. Alam kong masakit para sa kanya. Sa sinasabi niya, alam ko na kung ano ang iniiyak niya.

Namasahe kami papunta lang sa isang lugar na tahimik. Alam kong doon, mapapanatag ang loob niya. Sana magustuhan niya at sana maging okay siya.

Casidee Yl Benitez.

Seryoso ba itong lalaking ito? Hindi naman siya siguro nagpapatawa? O baka naman nantitrip lang?

"Pugita. Niloloko mo ba ako?" sabi ko sa kanya.

"Oo. Ayaw mo? Tahimik kaya dito. At alam kong magiging okay ka." Ningitian niya ako.

At sa mga oras na ito, natawa na ako. Hindi ko akalain na may sense of humor din pala si Squishy Squishy! Dalhin ba naman ako sa sementeryo?

"Talagang tahimik. Puro patay na kasama natin! Hahaha. Pati yung kasama ko ngayon, mukhang bangkay." biro ko sa kanya.

Hindi niya ako sinamaan nang tingin. Hindi din siya nagalit. Sa halip ay tumawa na rin siya.

"Kaya nga kita dinala dito, para pagplanuhan kung isusunod na natin yung iniiyakan mo. Hahaha. Dito na agad natin ililibing lahat ng mga alaala ninyo. O baka kung gusto mo, pati siya, isama mo." biro ni Rae.

Mahina akong tumawa. Umiikot ang paligid ko. Nahihilo ako. Unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong makita at matandaan sa nangyari matapos ang araw na iyon. Nagising na lamang ako na nasa kwarto ko.

Tatlong araw na rin akong pabalik-balik sa ospital. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing tinatanong ko si Auntie, wala siyang sinasabi sa akin. May sakit ba ako? Hindi ko alam. Ang hirap maging mangmang sa mga bagay. Minsan, tinanong ko si Auntie kung anong sabi ng doktor,  ang tanging sagot niya lang sa akin ay "Malalaman mo din, anak." Napapaisip talaga ako. Naiiyak na nga ako sa mga nangyayari. Ano bang dapat nilang isikreto sa akin?

Ako "Daw" si MISS PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon