Badtrip ang spacing sa mobile. -___- Kailangan ko pa tuloy i-edit sa web.
Ito na po. Sa mga mababait, Leave your comments. :)
Vote na din. :))) Kailangan ko po ng inyong feedbacks para sa story na ito. Para mapaganda ko siya. :3 (^___^) Salamat sa gwapo at magaganda kong readers.
--
Casidee Yl Benitez.
Pwede na daw akong pumasok ngayon. Sabi sa akin ng Tita ko. Nakakamiss na din kasi si Yexa. Namiss kaya ako ng beastfriend ko? Kamusta na din kaya ang Rio brothers? Pati si Rae? Sa pagkakaalam ko, pumapasok na ulit si Rae sa school niya. Tatapusin niya lang daw tapos lilipat na siya next semester.
Dahil hindi pa naman nagbebell, naglibot ako sa campus para hanapin sila. For sure, magkakasama yung tatlong yun. Binalaan ko din si Kyle na bantayan si Yexa. Bale ang naging komunikasiyon ng lahat ay sa text at tawag lang. Sayang, wala akong number ni Rae. Nakakamiss din pala ang pugitang yun.
Bakit ba hindi ko mahanap ang tatlong yun? Hindi naman siguro sila lalong pa-miss ano? (T___T)
Hindi ko namalayan na nakarating ako sa soccer field. Walang katao-tao. Siguro dahil medyo maaga pa at hindi ito trip tambayan ng mga estudyante. Nahiga ako sa grass at nakinig ng music. Isinalampak ko ang earphones sa magkabilang tenga ko.
Music On.
World Off.
She's just a girl and she's on fire~ Lalalalala.
Gustung-gusto ko ang kantang ito.
*boooooogsh*
Isang mabigat na bagay ang naramdaman kong bumagsak sa akin. Napamulat ako.
Nakita ko na naman siya.
Bumigat na naman ang loob ko,
Anytime, parang iiyak ako.
"Cas!" gulat na bati niya habang nakadagan pa sa akin.
Nakatitig lang ako sa mata niya.
Napakalalim ng iniisip nito.
Pero, mapapansin mo ang sakit.
Ang lungkot. Ang pangungulila sa mga mata niya.
Ang pagsisisi.
Pero, napakaimposible.
Para sa akin, ang taong ito ay kayang makipagsabayan sa mapaglarong mundo.
Doon ay humugot ako ng lakas.
Nag-aapoy ang mga paningin ko sa kanya.
"Get off!" sigaw ko at itinulak siya nang malakas.
Binilisan ko ang paglakad ko.
"Cas! Please! Let us talk!" sigaw niya.
Ayokong tumingin. Ayokong magpakababa sa ngayon.
Minsan na nga lang ako magkaroon ng pride, ipanlalaba ko pa ba?
Sayang lang kung aaksayahin ko sa isang bagay na alam kong hindi na ulit malilinis.
"Caaaaas!" Mas mahaba niyang sigaw.
Akala ko noong una, ang mga matang iyon ay mata ng isang anghel.
Ang boses na iyon ay katotohanan lang ang sinasabi.
Ang mukhang iyon, ay kailanman, hindi ka magagawang lokohin.
Pero, lahat ng iyon ay akala ko lang.
Puro kasinungalingan lang.
Umaagos na pala ang luha ko nang hindi ko namamalayan.
"Cas!" Pinigilan niya ako. Hinabol niya ang hininga niya.
BINABASA MO ANG
Ako "Daw" si MISS PAASA
RomanceWork hard. Play hard. In every game, you'll look for the winner. But in my game, I'm looking for the loser.