Miss Paasa #9

105 6 1
                                    

Renz Lorenzo.

Napandin ko na namang natahimik si Yexa. Ang bobo ko talaga. Sana hindi ko na lang siya biniro. At ang mas malala pa, sinasaktan ko lang din ang sarili ko sa pamamagitan nang pang-aasar kay Yexa sa g*gong ex niya. Ang tanga ko talaga. Magpapapansin na nga lang ako, sa ganitong paraan pa. Niloloko ko lang din ang sarili ko.

Mukhang malalim ang iniisip ni Yexa kaya naisipan kong lumabas. Hindi niya rin naman ako pinapansin. Balak ko sanang gulatin siya sa may bintana. Nang makarating ako doon, ang layo nang tingin niya. Nakikita niya ba ako? Binelatan ko siya. Sinubukang gulatin ng napakaraming beses pero ano, mukha lang akong tanga. Isang hangin na nagpaparamdam pero kahit kailan, hindi sila nagkaroon ng pakialam sa akin.

Nakatitig na lamang ako sa kanya. Nagbalik tanaw ako sa nakaraan. Sa unang araw na nakilala ko ang babaeng mahal ko ngayon.

*flashback*

Nakapila ako ngayon sa isang fast food chain. Madami kasi ngayong tao sa mall dahilan kung bakit mahaba ang pila. Napansin kong may dalawang taong nagtatalo sa kaliwa ko. Pumipili na sila ng order nila. Pati yung cashier, hindi na alam ang gagawin. Mukhang naiistress na sa dalawa. Mukha silang maggirlfriend at boyfriend. Dahil, medyo chismoso ako. Nakinig ako.

"Carlo, I want that! Pati yun! Order mo din ako nun. Pati-" HIndi pa nakakatpos magsalita ang babae ay agad siyang sumabat.

"Masyadong madami. Tataba ka niyan! Masyado ding magastos." sabi nung Carlo. Yun yata ang pangalan.

Well, if I was the girl's boyfriend, I would give everything. Kahit tumaba siya, kahit pa magastos, basta mapangiti ko siya. Sapat na sa akin. Napakakuripot ng lalaking ito. (-___-)

"Fine." Panguso-nguso pa yung babae. Halatang nagtatampo.

"Gusto ko lang naman ng Mcdo fries e." malungkot na sabi nung babae.

Nagpapatawa ba siya? Hahahaha. Sa dami ng itinuro niya, yun lang ang gusto niya? Baliw talaga yung babaeng ito.

Halatang nainis ang boyfriend niya kaya iniwan siya nito. Sinubukan niyang sundan ito pero pinigilan ko siya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yun. Ngayon, mas natitigan ko ng ayos ang mukha nung babae. Nakikita ko siya sa school namin. Somewhere around. Maingay yan. Laging kasama ni Yl. Bestfriend yata. At yung kasama niya, oo, kilala ko na. Si Carlo Mamites. Mayaman yun ah! Pero bakit sa girlfriend niya, ang kuripot niya? Tss.

"I'll buy what you want." alok ko sa kanya.

"I want my boyfriend back right now. You can't buy him for me." mataray niyang pagsagot.

Nagbuntong hininga na lamang ako. Pilosopo din tong babaeng ito. Bigla ko na lang siya hinila.

"Saan mo ako dadalhin?" sigaw niya.

Nagpatuluy-tuloy lang ako. Pumasok kami sa loob ng isang cafe.

"Order whatever you want." sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay sabay turo dito, turo doon.

"I want that. And that too! Pati yun! Mukhang masarap. Samahan mo na nu'n. Lahat ng masarap bilhin mo." utos niya sa akin. Ako naman itong tumawa lang. In-order ko lahat para sa kanya. Nang dumating na ang order namin, nanlaki ang mga mata niya. Ningitian ko siya at sinabing ubusin niya. Napalunok naman siya.

30 minutes na ang nakalipas, hindi niya pa rin ito nauubos.

"Oh? Anong problema? In-oder mo yan. Ubusin mo yan. Libre ko yan." utos ko sa kanya.

"H-hindi ko na kaya. Busog na ako." Nagpacute pa sa akin ang babaeng ito. (-__-) Di naman effective.

"Fine." sabi ko na lang. Sabi ko sa inyo e, HINDI effective ang pagpapacute niya kaya napa-oo niya ako.

Ako "Daw" si MISS PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon