Miss Paasa #4

187 8 1
                                    

Yun nuuh! Binasa niyaa! Yieee! Kinilig ako. Nyaaaw. :3 Hindi ako pusa, isa akong KUNEHO. ^__^ HAHAHA.

Baliw si Author. Lol.

--

Natapos ang klase na wala akong naintindihan. (-___-) Umalis si Yexa. Magpapakabusy daw siya sa outing namin. Katulong kasi siya sa pag-aasikaso. As usual, loner na naman ako. Ang gala kasi ng beastfriend ko. Pansin niyo? Minsan ko lang siya makasama. Tss.

Kinuha ko na lang ang iPod ko at nagpatugtog. Naupo ako sa may hallway. Sa may gilid. Ayoko namang maging harang sa mga dumadaan. Baka mamaya, sipain lang nila ako diyan.

Kinuha ko ang isa kong notebook at lapis. Nagsimula akong magguhit.

Hugis ng mukha ng tao ang iginuhit ko. Isinunod ko ang buhok.

Iniisip ko kung anong pumasok sa isip ko at nadrawing ko ang isang inahe ng lalaki. Hindi ko pa siya natatapos

Nakinig lang ako sa musika. Dinadama ko ang liriko. Pinapakiramdaman ko ang kanta. Napakaganda ng kahulugan.

"...Everybody keeps telling me I'm such a lucky man

Lookin at you standin there I know I am

Barefooted beauty with eyes that blue

The sun shine sure looks good on you

I swear..."

Napaangat ang ulo ko. Napatingin ako sa kanan ko. Mula sa malayo, isang image ng lalaki ang nakita ko. Nakita ko siyang nakangiti. Ang saya ng mukha niya. Pero, oras na papalapit nang papalapit siya. Nababasa ko sa mata niya na may itinatago siya. Pain. I can see all of that. Sa pagtingin ko sa kanya, napawi yung lungkot sa mukha niya. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Nakangiti lang ako sa kanya.

"...Oh I can't believe I finally found you baby

Happy ever after, after all this time

Oh there's gonna be some ups and downs

but with you to wrap my arms around

I'm fine ..."

Sa bawat bigkas ng labi niya, napakakakaiba ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao na dumadaan, ang bilis nila. Sa paningin ko, ang labo nila. Hindi ko sila makita. Ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay ang isang gwapong nilalang. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Malarosas na labi. Makinis na mga pisngi. At morenong balat. Sa nakikita ko, parang bumabagal ang oras kapag siya ang kausap ko. Ang bagal ng pagkakakilos niya. Para bang, detalyadong detalyado ang nakikita sa sobrang bagal niya pero ang nasa paligid ay napakabilis, maging ang puso ko.

"...So baby, hold on tight

Don't let go

Hold onto the love we're making

Cause baby when the ground starts shakin

You gotta know when you've got a good thing

You know you keep on bringin out the best of me

And I need you now even more than the air I breathe

You can make me laugh when I wanna cry

This will last forever I just know, I know ..."

Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti. Natauhan ako nang bigla niyang hilahin ang headset ko.

"Eyy?" Pagtataka ko.

"Kanina pa po kitang kinakausap, nakanganga ka lang diyan. Tss." Inis niyang sabi.

Ngayon ko lang narealize na ang laking kaharap ko ay si RAE JUSTIN FERNANDEZ.

Ako "Daw" si MISS PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon