Renz Lorenzo
Mula sa di kalayuan, pinapanood ko lang siya.
Galit.
Yan ang nararamdaman ko sa g*gong iniwan siya.
Gusto kong suntukin ang taong nanakit sa kanya.
Gusto kong ipamukha sa lalaking yun kung gaano kawalan si Yexa sa buhay niya.
Alam ko. Dapat nagsasaya ako ngayon kasi pagkakataon ko na kay Yexa. Pero, ayoko namang samantalahin ang pagkakataong ito. Alam kong masakit pa para kay Yexa ang nangyari.
Ayokong dumagdag sa problema niya. Ang tanging gagawin ko lang ay bantayan, ingatan at mas mahalin siya. At higit sa lahat, ang pasayahin siya.
Sana ako na lang yung minahal niya, hinding-hindi ko siya sasaktan.
Sana ako na lang.
"G*go ka Carlo! Akala mo kung sino ka! Kapag ako naka-move on! Bullsh*t ka! Who you ka sa akin! Sana maging masaya ka na ngayon at pinakawalan mo ang dyosang tulad ko! Paksh*t ka! G*go! Paasa! Forever ka diyan! Sira! Lamunin mo forever mo!"
Nagsisigaw-sigaw siya. May gana pa siyang tumayo doon sa harang ng tulay. Hindi niya ba alam na 70ft ang lalim nun? (-__-)
"Hooy! Hindi mo naman siguro balak magpakamatay di ba? Bumaba ka na diyan! 70 feet po ang lalim ng bangin na yan!" sigaw ko sa kanya.
Napansin kong bigla siyang namutla. (_ _') Hindi niya nga alam. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
Agad akong tumakbo sa kanya at inalalayan pababa.
"He..he..he.. Pasensiya ka na ha? Sakit kasi sa puso. Ganito lang talaga ako." paliwanag niya.
Kapag sinasabi niya na nasasaktan siya, lalo akong naiinis sa g*gong Carlo na yun! Ang babae dapat hindi niya pinapaiyak! Masyado siyang paasa! Bw*sit! (>__<)
Sumakay na ulit kami sa sasakyan ko. Huminto kasi kami dito, alam ko kasing mas gagaan ang pakiramdam niya kung makakasigaw siya. Mas nakakagaan ng loob.
"Hoy Renz." tawag niya sa akin. Nasa likod ko kasi siya.
"Oh?" Tanong ko.
"Salamat talaga." Ningitian niya ako.
"Wala yun." sagot ko.
"Napasaya mo ako. Napagaan mo ang loob ko." Nakangiti pa rin siya.
"Ayoko kasing may nakikitang babaeng nasasaktan at umiiyak." Lalo na kapag ikaw. Mas nasasaktan ako kapag ganun.
"Nagkagirlfriend ka na ba?" tanong niya habang sumasakay kami sa kotse.
Hindi ko muna siya sinagot. Ini-start ko muna ang kotse.
"Oo."
"E ngayon, may girlfriend ka?"
Ikaw sana. Kung gugustuhin mo.
"Wala. After ng break up namin nung first girlfriend ko, hindi muna ako nag-girlfriend. Umayaw kasi ako nun sa babae. Naisip ko masyado silang paasa."
Pero nagbago yung pananaw ko nang makilala kita.
Ikaw yun nagpatibok ulit ng puso ko.
"Hindi naman kami paasa. Minsan kasi, friendly approach lang or assuming ka lang talaga. Hahaha." tawa niya.
"Maibalik ulit natin sa ex mo. Alam mo ang swerte niya."
"Swerte? Paano mo nasabi?"
"Siguro? Araw-araw masaya siya. Kasi, ikaw yung tipo ng tao na hindi hahayaang malungkot ang mahal niya." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya yun.
Maswerte? Masaya? Mali naman siya.
"Pinasaya ko naman siya. Pero, bakit humanap pa rin siya ng iba? Bakit niya ako niloko?"
Nawala yung ngiti sa labi niya.
Umitim yung aura niya.
"E g*go din pala ang ex mo! Hindi marunong mag-appreciate ng efforts mo! Kung ako lang siguro yung mamahalin mo, ang saya saya ko na! Kasi may isang tao na pinapasaya ako at may pakielam sa akin!"
Ganoon na nga ang ginagawa ko, pero, hindi mo pa ako napapansin.
Mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Sana ako na lang yung babaeng mamahalin mo." Malungkot niyang sabi.
Mahal naman kita. Matagal na.
Wag mo nang hilingin.
Kasi nagawa ko na.
Tss. Bakit hindi ko masabi sa kanya ng harapan? Bakit?! Ka-torpehan! Layuan mo ako!Ugh.
Ningitian ko na lang si Yexa.
Sana masabi ko sayo na mahal kita.
Natatakot talaga ako.
Mas maganda rin naman siguro kung sa susunod na ako umamin.
Kapag naka-move on ka na.
Ayoko naman kasing umasa na mamahalin mo ako.
Kasi alam kong hindi ko pa kayang palitan yung g*gong Carlo na yun sa puso mo.
Magmamahal na lang muna ako siguro nang tahimik.
--
So, alam niyo na?
Na may Gusto si Renz kay Yexa?
HAHAHAHA. Naunahan pa si Bida na magkaroon ng partnuuuur. Mwohoho!
xxthisgirlsheartxx
BINABASA MO ANG
Ako "Daw" si MISS PAASA
RomanceWork hard. Play hard. In every game, you'll look for the winner. But in my game, I'm looking for the loser.