Chapter 7

33 3 0
                                    


Nandito kaming magka-clase ngayon sa school bus dahil may fieldtrip kami! Yehey! Excited na talaga ako. Kasama namin ang dalawang teacher, sina Miss Sairose (Adviser namin) at tsaka yung si SIR!! GRRR...Co-adviser namin siya kasi eh.

Naiinis talaga ako kay sir. Lagi siya kasing dumidikit kay ma'am lalo na kung meron silang pag-uusapan. Kailangan ba talagang super close siya kay ma'am? Ishh...

Nakaupo ako sa third to the last seat sa likod kasama ko tong ewan na lalaking to. Ewan ko pero wala talaga akong friends. Or, rather say na friends ko classmates ko pero di ako nakikipagclose although mabait naman kaming lahat. Mas gusto ko kasi yatang mapag-isa kesa may kasama.

Maya-maya, umandar na ang bus at tumakbo papunta sa isang bundok. Ewan ko kung bundok o gubat basta, magcacamping kami.

Nasa likod si Sir para bantayan kami habang si ma'am ay nasa harapan. Sinisilip ko ngang laging nakatingin si Sir kay ma'am sa harap eh. Hmmmpp...

"Kanina ka pa diyan tingin ng tingin sa likod ah," sabi ni Kyle. Yung kaupo ko, "Crush mo ba si Sir?"

"WHAT!! NO WAY!!" talagang lumaki mata ko nung tinanong niya yun sa akin. Buwisit na tanong iyan, "Ewwwwe ka!"

"Haha, lagi mo siya kasing sinisilip eh," Dagdag pa niya.

"Wala ka ng pake-alam Dun!! Tahimik ka na nga," Nakakaasar naman tong lalaking to. Matulog na nga lang. Che!

Ilang oras na kaming bumabiyahe at napansin kong di na semento tong tinatakbuhan ng sasakyan tsaka maraming kurba.

"OUCH!" sabi ko. Nauntog kasi ulo ko sa bintana.

"Haha, yan kasi," bungad pa ni Kyle. Letche talaga tong lalaking to nakakainis. Porket may pillow siya.

Kinuha ko na yung jacket ko at yun ang ginawa kong unan para di masakit kung mauuntog ulit ako sa bintana. At ayun, natulog na ulit ako.

Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay nabulabog ako sa aking pagtulog dahil parang bumangga kami sa kung saan pero di naman malakas. Napamutag ako at kitang-kita na takot na takot ang lahat. Ang iba ay naiiyak na rin.

Anong nangyayari?

Sumilip ako sa harap at nakitang may mga lalaking naka-itim at nakasuot ng mascara habang may baril na pumapasok sa bus!!

Naku!!! Anong gagawin namin!! natatakot na rin ako...

.Waaaahhh.....

DADY!!!!!!!

Daddy Learned To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon