Bumalik ang ilaw at biglang tumunog ang music...Pero kasi...
napatakip ako ng mata.
O...M...G!!! Nakikilig ako!!! hahaha...
Kase Si...si....si...Dady....NAKAPATONG SA IBABAW NI MA'AM SA SAHIG!! WAAAHHH!!
PERO!!!
BITIN!!!
akala ko pa naman yun na pero meron pa palang 1cm na pagitan ng kanilang labi.
ishhhh!!!buwiset na 1cm ka!
Agad namang tumayo si Dady at tinulungan din si ma'am na tumayo. Sobra talaga na red na red na ang mukha ni Dady at halos di na makapagsalita. Pati si ma'am medyo nagblush din. Di nga nila kayang magkatinginan eh.
Natatawa tuloy ako.
"Okay po ba kayo?" tanong ni Dady kay ma'am.
"O...okay lang," sagot ni ma'am na nauutal.
"Anong nangyari?" Painosente kong tanong na parang di ko raw nakita.
"W..wala," sabi ni Dady, "Sige, uupo na muna ako. Kailangan kong uminom ng tubig," tsaka naglakad papuntang table namin.
Napatingin ako kay ma'am at parang ayaw niya akong tingnan.
Haha...uyy...naiilang!!
Napatingin ako kay sir na tahimik nang nakaupo. Masama ang tingin niya sa sahig at parang magwawala. Sorry sir, hehe.
At dahil sa saya ko para na akong baliw na sumasayaw sa dance floor. Tamang-tama na rock ang music kaya todo sayaw! Wohow!!!
The journey of love begins...
BINABASA MO ANG
Daddy Learned To Love Again
De TodoAng kuwentong ito ay tungkol sa isang single parent na ama na nawalan ng pag-asa sa pag-ibig nang namatay ang kaniyang asawa pagkaluwal ng kanilang anak. Pero, sabi nga nila, "there is always a second chance". Sino kaya ang magpapatibok uli sa puso...