Sairose's POV
Pagkatapos ng napakahabang araw ay sa wakas, makakahinga na ako ng maluwang. Sa kadami-dami pa naman ng mga gawain dito sa paaralan tulad ng school papers, pagtuturo sa mga ma-iingay na studyante, pagcheck ng mga answer sheets at pagsubmit pa ng mga forms.... Hay,. Mahirap talagang maging guro.
"Di ka pa uuwi? " tanong ng isang kafaculty ko na nag-aayos na ng mga gamit.
"Mamaya pa siguro, " sagot ko.
"Hmmm.... Siguro may kadate si Miss Perfect. Sino kaya yun? " pagtatanong ni bakla. Yung Math teacher.
Napangiti lang ako at wala akong masabi.
"Ohhhh.... Pang-ilang date mo na yan tapos wala ka pang pinapakasalan, " dagdag pa niya, "Kung ako sa yo, pumili ka na. Sa kadami-dami pa naman ng mga lalaking umeffort para makuha ka, wala kang binibigay saken! Hmph! "
Napatawa ako ng kunti sa sinabi niya.
"Well, siguro hindi ako yung nararapat para sa kanila, "
"Eh sino naman? "
"Ewan ko. Haha... Malay naten, "
"Assuus! Pinag-eexperimentan mo siguro sila tapos rejected yung hypothesis kaya inuulit-ulit mo pero ibang variable naman, "
Topakan ko kaya tong baklang ito. Kung ano-ano na lang ang sinasabi.
"Icalculus mo din kaya yung puso nila para isolve mo kung anong problema sayo? Siguro hanggang tangent line lang ang touch sa circle mo, haha, " pagsagot naman nung babaeng handa ng makaalis.
"Che! "
"O sige na sige na! Alis na din ako, " inaayos ko na ang table ko.
"Enjoy! " huling salita ni bakla at lumabas na ako.
Hay, anong oras na.
Oh no, late na ako!
Binilisan kong lumakad papuntang parking lot at nagdrive sa lugar na sinabi ni Guzz.
...........
Daddy Guzz's POV:
Pagpunta namin sa Bahan ay agad kaming sinalubong ng mga putok ng baril galing sa mga terrorista. Buti na lang at napaghandaan namin ng mabuti ang araw na ito.
Gumana naman ang aming plano kung papaano namin lalabanin ang mga terrorista ngunit nahirapan pa rin kami sapagkat may mga nag-aaktong civilian na tumutulong sa kanila.
Pinasabog nila ang aming truck at mabuti na lang dahil alerto tong isang kasama ko na nakita ang paparating na bomba kaya agad kaming lumabas. Ilang segundo lang ay sumabog ng napakalakas ang truck.
Nakipagputukan din ako sa mga terrorista hanggang sa nakita ko ang isang bata na hinuli nila at pinagbantaan akong puputukan siya.
Talagang takot na takot ang batang lalaki habang nakatutok sa kaniya ang baril.
Tinaas ko ang aking kamay at sumenyas ang terroristang nakahawak sa bata na ibaba ko ang aking baril.
Unti-unti ko naman itong binababa ngunit biglang may bumaril sa terrorista at naputukan din niya ako sa kaliwa kong kamay. Nakatakas ang bata habang patay na ang lalaking nakahawak sa kaniya.
Sakto naman na nagretreat ang ibang mga terrorista nang makita nilang paubos na sila kaya huminto ang labanan.
"Sir! Okay lang po ba kayo? " tanong sakin ng bumaril sa terroristang nakahawak sa bata kanina.
"Okay lang ako. Sige na, tulungan niyo na ang mga ibang nasaktan. Ako na bahala dito, " pag-uutos ko kahit sobrang sakit ng aking braso. Dinidiin ko nalang hanggang sa makarating ako sa isang lugar na may malaking bato at napa-upo ako doon hanggang sa dumating ang mga medics at tinanggal ang bala sa akin. Gabi na nang maclear-out namin lahat ng nagkalat sa baranggay. Naayos na namin ang mga namatay at natulungan lahat ng nasugatan. May mga tulong din na umabot mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno para sa mga mamamayang nasaktan at nawalan ng bahay.
"Okay na po ang lahat sir, " sabi ng isang pulis, "naayos na po ang lahat, puwede na po kayong umuwi at magpahinga. Kami na po ang bahalang magbantay dito, "
"Sige sige. Basta kailangang i-update niyo ako sa mga nangyayari dito, " utos ko.
"Yes sir, "
So ayun. Sumakay na ako sa police car at nagdrive pauwi.
........
Habang nasa kalagitnaan kami ng kalsada, naalala ko ang aming usapan ni Ma'am Sairose!
"Itigil mo muna yang sasakyan, " pag-utos ko sa driver na isa ding police, "bababa ako, "
"Ha? Bakit po sir? "
"May pupuntahan pala ako. Mauna ka na, "
"Pero may sugat po kayo sir-"
"Okay na. Kaya ko naman, "
Huminto siya sa gilid at agad akong bumaba. Tumakbo ako papunta dun sa lugar kung saan dapat kami magkita.
Siguro dahil sa pagtakbo ko ay nagalaw ang sugat ko at ito'y dumudugo na.
Huminto ako saglit para ayusin ng kaunti ang takip ng sugat ko. Pagkatapos nun ay tumakbo ulit ako.
Isang oras na ang nakalipas sa pinagkasunduan naming oras ng pagkikita. Nandun pa kaya siya? Damn it! Nakakahiya. Galit na siya kaya?
Thirty minutes akong tumakbo at sa wakas ay nakarating na ako sa restaurant na to. Lumapit ako sa pintuan ngunit pinahinto ako ng guard.
"Sir, may kasama po ba kayo? Mukhang malala yang sugat niyo ah, " sabi niya habang nakatingin sa dugo-dugo kong damit.
"May kasama ako pero hindi ko alam kung nasa loob pa siya. Puwede bang papasukin mo ako para hanapin-"
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Sairose.
Nagulat siya nang nakita niya ako.
"G... Gu... Guzz? A.. Anong nangyari sayo? " sobrang alalang tanong niya habang papalapit sa akin.
"Ahh... O...okay lang ak.... *booggshhh! "
BINABASA MO ANG
Daddy Learned To Love Again
AcakAng kuwentong ito ay tungkol sa isang single parent na ama na nawalan ng pag-asa sa pag-ibig nang namatay ang kaniyang asawa pagkaluwal ng kanilang anak. Pero, sabi nga nila, "there is always a second chance". Sino kaya ang magpapatibok uli sa puso...