CHAPTER 16

9 0 0
                                    

Kira's POV:

Nasa kuwarto ko na nag-iiscroll sa facebook. Hindi ako makatulog hanggat hindi ko pa naririnig ang pagbukas at pagsara pnito. Ibig sabihin hindi pa umuuwi si Daddy. Anong oras na. Mag-aalas tres na. Ni text or tawag nga wala siya. Sinasabihan niya naman ako kapag malelate siya ng uwi. Ito lang yung unang beses na hindi niya ako inupdate.  Natatakot tuloy ako. Baka kung anong nangyari sa kaniya.

Pagscroll ko sa newsfeed,  nakita ko sa page ng isang report ang tungkol sa bakbakan ng mga militar at terorista sa Bahan.

Grabe talaga ang mga terroristang mga ito. Walang puso. Kawawa naman yung mga tao. Nasiraan sila ng mga bahay at nasunugan ng mga gamit.

Napaluha ako ng nakita ko ang isang litrato ng bata na umiiyak habang nakahandusay ang kaniyang tatay. Halah,  pano na siya? Wala na siyang Daddy. Pano na ang buhay niya. Ang kaniyang mga pangarap?

Tsaka ko narealize. Pano kung one time, mawawala si Daddy sakin? Pano kung sa isang giyera, di na siya makabalik?  Bumuhos ang luha ko sa mga pinag-iisip ko. Posible kasi itong mangyari lalo pa't maraming kaalitan si Daddy na mga matitiwaling tao.

Ano ka ba Kira, kung ano-ano na lang yang iniisip mo. Magaling ang Daddy mo sa bakbakan. Kaya niyang umiwas sa mga bala. Kaya niyang labanan ang mga kalaban kahit ilan pa sila. Superdad kaya siya. Sinubukan kong icheer ang sarili ko. Kesa naman mag-isip ng kung ano-ano na nakakadepress ay trinay kong maging positive.

Baka naman may importanteng ganap ngayon kaya di makapagsabi si Daddy kung nasaan siya. Baka busy lang siya kaya di ka niya mareplyan at maangat ang mga tawag mo.

Matulog ka na nga lang. Baka bukas paggising mo nakahanda na mga pagkain dahil naka luto na siya. Inopen ko yung Spotify ko para madistract ako sa mga iniisip ko. Eventually, nakatulog naman.

......
......


















Umaga na pala!  Tiningan ko ang phone ko para ichek ang oras. Wala.  Battery dead. Agad ko naman itong chinarge.

Bumaba ako para tingnan kung nakauwi na ba si Daddy.

EMPTY.

What?  Wala pa si Daddy? Nagpapanick na talaga ako. Agad-agad akong umakyat sa kuwarto at binuksan ang phone. Hayaan mo na. Kahit nakacharge pa yan. Dinial ko yung number ng office nila. Mga ilang segundo, may nag-angat.

"Goodmorning, this is the WinterStone Armed Forces Base, Office of the Military General. How can I help you? " Kilala ko kung kaninong boses to. Yung kaka employ na IT sa opisina ni Daddy.

"Kuya Ritchie, si Kira to, "

"Oh,  Kira. Kmusta ka na?  Kumusta na si General? May pinapasabi ba siya? "

"Ano?  hindi niyo kasama si Daddy? " tanong ko. Natatakot na talaga ako.

"Ahhh... ugghhh.... "

"Kuya Ritchie sagutin mo ako. Walang umuwi kay Daddy dito sa bahay. Nag-aalala na ako sa kaniya, "

"Ahhh, " napansin kong medjo alanganin ang boses niya. May nililihim ata to ah,  "Kira, ganito...... Wala kasi si General dito sa opisina ngayon.  Ummmm.... "

"Anong nangyari? May nililihim ka eh, " Tumataas na yung boses ko. Naiinis na ako,  "Kuya asan si Daddy? "

"Ah eh.... sunduin na lang kaya kita jan sa bahay niyo tapos samahan kita para makita siya, ok ba? " sabi niya.

"Sige,  bilisan mo, " at ibinaba ko na ang cellphone.  Nagtataka ako,  bakit hindi niya masabi-sabi kung nasan si Daddy?  Kung anong nangyari sa kaniya? At dahil kabadong-kabado na ako hindi ko napigilang lumuha. Ano ba to.  Akala ko matibay ako. Pero kung tungkol kasi kay Daddy wala talaga.

Bumaba ulit ako sa sala at naghanap ng makakain. Binuksan ko ang fridge. Puno naman siya kaso hindi ko alam kung paano ko sila iluluto. Gutom na ako. Naghanap pa ako sa drawers sa taas nga sink.  Cereal. Ok. No choice.

Kinuha ko yung box ng coco crunch at kumuha ng bowl. Pinuno ko yung bowl ng crunch. At habang nilalagyan ko ito ng gatas, narinig ko ang tunog ng sasakyan na papalapit sa bahay hanggang huminto ito sa tapat ng pinto. Si kuya Ritchie kaya yan?  Ang bilis naman kung siya yan. Binaba ko na yung gatas at hindi na umimik habang hinihintay kung mas kakatok. Ngunit walang kumatok. Pero nagbukas ang pinto at nakita ko si Daddy na mahinang pumasok. May sling sa kaniyang kaliwang braso. Maya-maya ay pumasok din si Ma'am Sairose na ina-assist si Daddy. Lumaki ang mata ko at napatulala. Anong nangyari kay Daddy? At panong magkasama sila ni Ma'am?

Umupo si Daddy sa sofa at nagbuntong hininga. Tumingin siya sa bandang kitchen at nakita niya akong di makagalaw habang nakatingin sa kanila. Ngumiti siya at tumaas ang isang kilay niya.

"Gutom ka na, " Napansin niya yung bowl ng coco crunch sa tabi ko. Hindi ako nagsalita. Ang alam ko naririnig ko lang ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko habang humihinga.

"May natake-out kaming pagkain sa labas. Ito nalang kainin mo," sabi ni Ma'am Sairose at lumapit sa kitchen tapos nilapag ang malaking paper bag sa table. "Pasensya na Kira pag-alala,  ha.  Ayaw kasing sabihin ng Daddy mo na naospital siya kagabi, " mahinang sabi ni ma'am para hindi marinig ni Daddy, "Sige na, kumain ka na, " At bumalik siya sa sala kung saan naroroon si Dad.

May pinag-usapan sila ngunit hindi ko maintindihan dahil mahina ang kanilang boses. Sinasadya ng dalawang to eh. Para di ko marinig. Nilabas ko yung pagkain sa paper bag.   Dalawang container. Yung isang container nakalagay ay mga gulay na luto at prutas na nahiwa na. Yung isa naman seafoods. Mukhang masharap to. Tuz ayun. Nagsimula na akong kumain.

Maya-maya pa.

"Kira, aalis na si Sairose, " pagkasabi ni Daddy yun lumaki na naman mata ko. Bakit parang iba yung pagkasabi ni Daddy sa pangalan ni Ma'am? Tumingin ako sa banda nila nakitang nakatayo silang dalawa.  Tumango si Ma'am sakin habang dala-dala ang handbag niyang handa ng umalis.  Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Bye po ma'am. Ingat kayo, " sabi ko at nagwave.

"Kayo rin, " sabi naman ni Ma'am. Binuksan ni Daddy yung pintuan at pina-una si Ma'am sa paglabas.

"Okay na ako. Di mo na ako kailangang ihatid. Magpahinga ka na at baka mapagod ka pay," sabi ni Ma'am kay Daddy. Hindi ko alam pero iba din yung tono ng pagkakarinig ko kapag nag-uusap silang dalawa.

"Hindi okay lang. Kaya pa naman. Hayaan mo nang ihatid kita kahit hanggang sa kotse mo lang, " Daddy insists. At hindi na umangal si Ma'am. Lumabas silang dalawa at ako naman bumalik sa pinagkakainan ko.

Hindi ko alam. Pero feeling ko kasi medjo natagalan ako sa paghihintay na umandar yung sasakyan ni ma'am at umalis siya. At nung pagka-alis niya medjo natagalan din bago pumasok si Daddy sa loob. Umupo siya ulit sa sofa at nirelax ang kaniyang katawan habang nakapikit.

Hmmmm..... may naaamoy na ako ah. Hahahaha!  Bakit kaya naospital si Daddy at si Ma'am Sairose yung kasama niya? Normally kasi kapag may mga emergency eh yung tinatawagan ni Daddy is yung mga kasama niya sa office. Hmmm... Ano kaya nangyari kagabi.

Actually sobra akong nag-alala nung nakita ko yung braso ni Daddy na naka sling pero nung nakita kong kasama niya si Ma'am,  nag-iba na yung takbo ng mga iniisip ko. Hahahaha...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daddy Learned To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon