Chapter 9

23 3 0
                                    

Isang oras na kaming naglalakad dito sa gubat kung saan maraming matataas na puno at iba ibang uri ng tunog ng mga hayop ang naririnig. Madilim na at masakit na rin ang paa ko. Siguradong pati ang ibang classmates ko ay pagod na din.

"Saan niyo ba kami dadalhin?" tanong ni Sir.

"Doon sa aming campo," sagot ng leader na nasa unahan.

"Ano naman ang gagawin namin doon?"

"Basta! Tumahimik ka nalang,"

Hindi na muling nagsalita si sir at patuloy na kaming naglalakad.

Mga ilang minuto pa ay narating na namin ang sinasabi nilang campo nila. May tatlo pang mga lalaki ang naghihintay so bale walo silang lahat.

Mayroong limang tent na nagcircle at sa gitna ay apoy kung saan nagluluto ang isang kasama nila.

Naupo kami sa lupa at nagpahinga. Ewan ko ba kung bakit kasakasama ko si Kyle mula pa nung una kaya naman hanggang ngayon ay siya pa rin tong katabi ko sa pagpapahinga.

Nag-aalala na ako sa kung ano man mangyayari sa amin dito. Hindi ko kayang ma-imagine kung ano kaya ang gagawin nila sa amin. Baka patayin pa kami.

Nakita kong palihim na may inilabas si Kyle mula sa kaniyang T shirt.

"Ano yan?" mahina kong tanong.

"Cellphone," sagot niya.

"Akala ko ba nilagay mo sa lata kanina,"

"Dalawa ang cellphone ko. Yung nilagay ko sa lata ay yung walang sim," Mabuti naman kung ganun. At last, meron kaming gagamitin.

"Shit, walang cignal," sabi niya. Putik! Wala din palang silbi.

"Walang kuwenta din pala yan " sabi ko.

"Ano na gagawin natin?" naiiyak na ulit na tanong ni Kyle. Napatingin ako sa paligid namin at inobserbahan ang mga galaw ng bawat isa. Yung lima kanina ay naglalaro ng baraha habang ang dalawa ay nakabantay. Yung isa nga nagluluto. Napatingin ako sa mga classmates ko. Ang iba tahimik na umiiyak habang ang iba ay nakatulog na. Napagod siguro sa kalalakad. Napatingin ako kay sir. Tahimik siyang nakatingin sa baba. Si ma'am naman ay kinokomfort ang dalawa kong classmates.

"Kyle," kalubit ko sa kaniya.

"Bakit?" tamad niyang tanong.

"Tatakas tayo," sabi ko. Lumaki ang mata niyang napatingin sa akin.

"Baka mahuli tayo,"

"Huwag tayo kasing magpapahuli. Ano? game ka?"

Napa-isip siya ng kunti.

"Hindi, ayoko, ayoko," sabi niya. Buwisit! "Duwag ka pala eh,"

"Ano? Hindi ah,"

"Eh ba't ayaw mong tumakas? Natatakot ka no?"

"O sige na nga," pagsuko niya, "Sige na nga. Sasamahan kita sa pagtakas pero paano natin gagawin yun?"

"Wag kang mag-alala, may naisip ako,"

*Comment guys please....

Daddy Learned To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon