Chapter 11

19 1 1
                                    

Bigla na lang akong napamulat para tumayo pero bakit parang puting ceiling ang nakikita ko. Huh?? Napapikit ulit ako tas napamulat. *Blink *Blink

Nasan ako? Tas bakit ang tahimik? Lumingon ako sa aking kanan at nakita ang isang mahabang tali na nakaconnect pala sa aking kamay. Nasa ospital yata ako.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at napadikit ako. Sumilip-silip ako at nakitang si Daddy lang pala na may dala-dalang pagkain. Nilagay niya ito sa mesa sa tabi ko tsaka umupo sa isang stool paharap sa akin.

Naramdaman kong hinawakan niya ang aking noo para icheck ang aking kalagayan. Ayos naman ako ah pero ngayon ko lang napansin na may telang nakapulupot sa aking ulo. Bakit kaya? Nabasag ba ang aking bungo? Naku naman. Hindi ko na matandaan ang nangyari eh.

Bigla nalang bumukas ang pinto at napatayo si Daddy. Minulat ko naman ng kunti ang isa kong mata para masilip kung sino yung papasok.

"Hi," isang babae ang kumaway kay Daddy. Teka. Pamilyar ang boses niya ah.

"Oh Ma’am....H...h..hello po sa inyo...." nauutal na sabi ni Daddy, "p...pasok po kayo," tapos naggesture si Daddy para i-offer yung inuupuan niya kanina.

"Ah...salamat," tapos pumasok yung babae. Laking gulat ko nung nakita kong si Ma’am Sairose pala yun! May dala siyang mga prutas at inabot niya ito kay Daddy.

"uh--salamat," sabi ni Daddy habang kinukuha yung basket tsaka nilagay sa tabi ng pagkain na kaniyang binili.

"Kumusta na pala si Kira?" tanong niya habang papaupo sa stool.

"Uhh...sabi naman ng doktor na okay na ang kaniyang sugat sa ulo. Uhh...hintayin lang daw na mawala ang epekto ng anestisya at siya’y babangon din," sagot naman ni Daddy. Ahh....nasugatan pala ang aking ulo kaya may tela.

"Ganun ba? Sana naman mapabilis ang kaniyang paggaling," Wow, parang concern si ma’am sakin ah, "Siya nga pala. Salamat sa pagsagip mo sa amin mula sa mga yun. Buti nalang dumating ka dahil baka kung ano pa ang nangyari sa amin,"

Huh?? Anong nangyari nga pala dun sa field trip!!! Ba’t nakalimutan ko yun?? Effect ba to ng aking sugat sa ulo?

"Ah, wala yun. Buti na lang at binuksan ni Kira ang kaniyang GPS kaya mas madali ko kayong nahanap," sabi ni Daddy na mukhang naging normal ang pagsasalita.

"Hmmm....napakahusay talaga ng anak mo. Pati sa school ay magaling siya kahit medyo makulit,"

Naks! Patay ako kay Daddy neto! Ba’t niya pa kailangang sabihin yun? Okey na sana nung sinabi niyang magaling ako eh.

"Ha? Makulit si Kira?? Akala ko ba nagbehave na siya? Hay naku talaga tong batang to. Ilang ulit ko na siyang pinagsabihan pero ang tigas talaga ng ulo,"

Hehe sorry Daddy.

Tumawa tuloy si ma’am. Napahiya naman ako.

"Pero mabait naman siya kahit papano,"

Yan...yan ang gusto kong marinig kay ma’am. Haha.

Nagkuwentuhan silang dalawa tungkol sa iba’t ibang topic at ako naman ay nakikinig lang. Nakikilig talaga ako kung tumatawa sila eh kahit di ko gets. Niyahahaha. At dahil hindi ko pa balak bumangon ay tuloy na nakapikit ako hanggang sa nakatulog.

Daddy Guzz’s POV:

Nagkuwentuhan kami kay Ma’am Sairose tungkol kay Kira, sa school niya, at iba pa hanggang sa dumating ang punto na tungkol sa aming mga sarili ang napapag-usapan.

"Nasan na pala ang nanay ni Kira?" biglang tanong ni ma’am. Natahimik ako saglit sa pagkaalala sa mommy ni Kira, " May nasabi ba akong mali?" nag-aalalang tanong ni ma’am.

"Ah wala!"  agad ko namang sagot, "Ahhh, iniwan kami ng nanay niya," malungkot kong sabi habang nakatitig kay Kira na natutulog.

"Ganun ba? Pasensya na ha at natanong ko pa,"

"Ay Hindi. Wala yon. Okay lang," sabi ko naman.

"Kung ganun, alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh," sabi ni ma’am habang nakatitig sa kaniyang relo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tumayo na rin siya. Ihahatid ko lang muna siya sa labas.

Naglakad-lakad kami papuntang exit ng hospital at nang narating namin ang malaking pintuan ay huminto kami.

"S...salamat sa pagbisita," sabi ko.

"Walang anuman," nakangiti niyang sagot, "Sige, alis na ako,"

Tatalikod na sana siya nang may mga batang tumatakbo papasok ng hospital at nabangga si ma’am. Maa-out balance sana siya ngunit mabilis ko siyang sinalo.

Brrr....ano ba naman to ulit? Nagkalapitan na naman ang aming mukha. Naalala ko tuloy yung nangyari sa promenade nina Kira.

Umayos na kami at halos hindi ko na siya maharap. Nararamdaman kong umiinit na ang aking mukha. Ano ba naman. Nakakahiya.

"Ah-s...s..sige...A...alis na ako," muling paalam ni ma’am na nauutal at pinipilit niyang tingnan ako. Alam ko medyo na-awkwardan din siya kanina kaya ganun na lang ang reaction niya.

"S..sige..mag-ingat ho kayo," sambit ko naman na hindi nakayanang lingunin siya. ARRGGGHHH!!! Buwisit!!!

At ayun lumakad na siya papalayo habang minamasdan ko.

"Daddy?" napalingon ako sa nagsalita.

"Kira? Gising ka na pala!" masaya kong sabi sa aking anak na lumabas sa kaniyang kuwarto dala-dala ang dextrose, "K...Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko habang naalala ang nangyari. Pak!!! Baka naman nakita niya yun!!!

"H...hindi...kararating ko lang," sagot niya habang pinipilit na hindi ngumiti.

"Totoo?"

"O po..."

Sana nga totoo yung sinasabi niya kung hindi....baka tuksuin pa ako ng anak kong ito.

AN: Guys!!:-)comment naman kayo!!!

Daddy Learned To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon