Chapter 8

33 3 1
                                    

Limang mga lalaki ang pumasok sa bus namin. Agad ko namang inilabas ang cellphone ko at inopen ang GPS. Agad kong idinial ang number ni Dady.

Halos mag-iisang minuto ng nagriring ang cellphone pero di pa niya ina-angat. Buwisit! Bakit ngayon pa?

"LABAS!" sabi ng isang lalaking nakatakip at hinablot yung driver tsaka itinulak papalabas. Kawawa naman siya.

Sumunod ng lumabas ang ilang mga studyanteng nasa harap.

Bilis....Dady sagutin mo na tong cellphone mo please.....

"Ano...anong gagawin natin?" umiiyak ng sabi ni Kyle. Tsss...Iyakin din pala to eh.

"Tahimik!" sigaw ng lalaking nasa likod, "Labas na din kayo!"

Tinago ko muna ang aking cellphone sa aking T-shirt bago tumayo at lumakad papalabas.

Tinatago ko minsan ang pagsilip ko sa aking cellphone. Sana kahit man lang yung voice mail ay nakarating sa kanya.

Nakalabas na kami at pinalinya sa ground.

"Please, huwag niyong sasaktan ang mga bata," paki-usap ni sir, "Ibibigay namin ang kailangan niyo huwag niyo lang kaming saktan,"

Ang tapang din ni sir ah.

"Ilagay niyo ang lahat ng cellphone niyo dito!" May inilabas ang lalaking naka stripes ang bonet na lata, "DALI!" Tsaka isa-isa nang pumunta at inilagay ang cellphone sa lata.

Damn It! Di pa sinasagot ni Dady ang tawag ko! Papalakad na ako para ilagay ang cellphone sa lata di pa niya ako sinasagot!

*Klanngngng!

Ayun na. Wala na. Nilagay ko na sa lata. Wala na talaga. Bumalik ako sa aking puwesto na medyo sa huling linya.

"Ilabas niyo mga pera niyo at ilagay sa bag na ito," utos ulit ng naka-stripes. Siguro siya yung leader nila.

Ayun. Sunud-sunuran ulit kami. Wallets out, put it down.

"Tapos na. Palayain niyo na kami. Nasa inyo na ang lahat," sabi ni sir.

"Hindi pa," sagot ng leader.

"Ano pa ba ang kailangan niyo?" Naiiritang tanong ni sir.

"Relax lang, Sir Guil. Di mo kami puwedeng pagalitan ngayon dahil wala tayo sa school. Kami ang boss ngayon,"

Alam nila si Sir Guil? At base sa sinabi ng stripes na yun, naging mag-aaral sila ni sir.

"Hindi mo ba ako natatandaan sir?" Hindi umimik si sir pero sigurado akong pinipilit niyang inaalala lung sino siya.

"Ako yung pinarusahan mo noon na maglakad sa school campus ng may nakalagay na sulat sa aking likod na nagsasabing 'Di pa ako tuli'! Grabeh sir. Pinahiya mo ako sa crush ko. Naalala mo na?"

"Oo," maikling sagot ni sir, "Ikaw yung lalaking di nga tuli. At baka hanggang ngayon ay hindi pa,"

Napatawa kaming lahat.

"TUMAHIMIK!" agad niyang sigaw kaya tumahimik na kami. Nakakatwa naman pala tong lalaking to.

"Oo nga pala. May brief ka na ngayon? Baka kase hanggang ngayon laglag pa yang junior mo," dagdag pa ni sir at lalo na kaming napatawa.

"TAHIMIK KUNG AYAW NIYONG MAGPAPUTOK AKO!" pero nahirapan talaga kaming tumigil sa kakatawa kaya nagpilitan siyang magpaputok sa langit at dun lang kami napatigil.

"Sumosobra ka na talaga sir ha," Inis na inis na ang lalaki. Ewan ko pero parang kinakabahan na ako ulit.

Napatitig yung lalaki sa amin na parang ini-iscreen. Natatakot na talaga ako sa kung ano man ang binabalak niya.

Sinimulan niya sa aming nasa huli. Nakakainis ang titig niya nung lumapit siya sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako nung umalis na. Ang baho niya kasi eh.

Wala na akong pake alam sa pagtuloy niyang pagtitig sa iba kong classmates. Sa paligid na ako nakatingin. Inobserbahan ko ang apat na lalaking nakabantay. Nasa gubat kami ngayon. Sa aking pandinig, may ilog sa banda likod namin. Sa harap ay yung kalsada. Sa sides naman ay panay mga puno na.

Naku, mga alas singko na. Di ko na alam kung anong mangyayari pero sigurado akong hanggang gabi to.

"Sir!" Napatigil muna ako sa aking iniisip at tumingin sa aking kanan kung saan nagsalita yung lalaki, "Ang ganda naman ng kasama niyong guro,"

DAMN IT!!! DON'T YOU EVER DARE TO LAY YOUR FINGER ON HER!!!!

Nakita kong nag-aalala si sir nang makita niyang parang pagtritripan ng lalaking iyong ang guro ko.

"Huwag mo siyang gagalawin," mahinahon ngunit pautos na sabi ni sir.

"Bakit sir? Anong papel mo sa buhay niya para sundin ko yang utos mo?"

Di na nakasagot si sir.

"Ang ganda niya talaga," halatang kinakabahan din si ma'am pero kinokontrol niya lang.

Please lang, huwag na huwag si ma'am. Si sir na lang ang pagtripan niyo tutal sa kaniya naman kayo may galit. Niyehehe.

Halos dalawang oras na kaming nastuck dito wala man lang rumescue. Gumagabi na oh.

Biglang nagpaputok yung leader nila ulit. Napatingin ako kay ma'am.

Hay! Akala ko binaril siya. Di naman pala.

"Ang di sumunod ay mapapatay ko!" sabi nun tsaka umalis na sa tabi ni ma'am. Nakita kong napahinga si ma'am ng malalim. Ilang minuto kaya kasing nandun yung lalaki. Buti nakayanan ni ma'am ang amoy.

Nagsimula na kaming maglakad sa kung saan.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

*AN: comment guys kung nagugustuhan nio tong story and suggest me some improvements too....Thankie

Daddy Learned To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon