Kira's POV:
YES! Balik school na ako sa wakas! Hay.... Miss ko na yung upuan ko!!! Wahhh!!!
"Sige Dad, pasok na ako, " excited kong sabi habang binuksan ko ang pintuan ng kotse.
"Teka! Teka! Yung gamot mo wag mong kalimutan!"
Ay! Oo nga pala. Inabot ni Daddy yung naka container na mga gamot sa bintana.
"Wag mong kalimutang inumin yan sa tamang oras , ha? Every 4 hours yan kaya dapat naka presence of mind ka,"
"Yes Dad, I'll try, " sambit ko tsaka tumakbo na papasok ng gate.
************************************
"Uy, kumusta ka na!" "Buti pumasok ka na," "Ang galing mo talaga, niligtas mo kaming lahat! "
Wew, ang daming kumukumusta sakin ah. Ang sarap sa feeling. Parang ikaw yung pinaka-importanteng tao sa araw na to.
"Kira, marami kang namiss na activities naten, " "Oo, yung project natin di ba nasa yo? " "Nakatatlong quiz na kame sa Math at Science, makakaabot ka pa kaya? " "Naku! Exam na pala natin next week! "
Buwisit! Ano ba yan! Sana pala di na ako pumasok kung ganito lang din naman ang aabutin ko. Sakit sa ulo.
Umupo na ako sa armchair ko at pati pa ulo ko napaupo sa desk. Hayshhh.... Buhay nga naman.
"Good morning class, " napatayo kaming lahat nang pumasok yung guro namin sa Math. Oh watta hell.
"Oh! Kira, good your're back. Since you missed a lot, I want you to stay after class to have your remedial, okay? "
"Yes sir, " walang ka ener-energy kong sagot sa bakla kong guro. Math pa naman to.
"Okay, so let's go back to our unfinished lesson yesterday, ......*blah *blah *blah *blah... "
Shit! Ano to?? Ba't di ko maintindihan?? Ano ba tong lesson nila at di ko magets! Tinitingnan ko mga classmates ko, hala! Ba't sila lahat nakataas kamay habang ako nakataas at nakakurot yung kilay ko.
"Kira, will you answer no. 2 on the board, "
Oh my gosh, pano ko naman masasagutan yan eh di ko nga gets.
"Come on. Stand up and answer, " grabe talaga tong baklang guro, walang considerasyon.
Wala na akong magawa kundi tumayo at lumakad papuntang blackboard.
Sinulyapan ko si Kyle. Buti naintindihan niya ako at pasimple niyang pinakita sakin yung solusyon niya. Dali-dali ko namang kinopya yun.
Whew! Bumalik na ako sa upuan ko at hinintay si sir na ichek yung gawa ko.
"Hmmm.... Nice job, Kira, "
Napangiti ako,
"Walang tama sa ginawa mo, "
Biglang bumaba yung ngiti ko at tumingin kay Kyle. Makikitang natataranta din si Kyle kung bakit mali yun at parang may hinahanap sa mga papel na nagkalat. Maya-maya ay may nakuha siyang papel sa sahig at pinakita sa akin.
"Sorry, eto pala yung tamang solusyon, " sabi ng labi niya.
Nice job talaga.
"I think you need to have an extra time going back to our lessons before exam arrives, "
Binagsak ko na yung mukha ko sa book. Ayoko naaaaahhhh....
************************************
"Sir, ang dami naman neto, " reklamo ko sa tatlong booklets na sasagutin ko sa isang oras.
"Ayaw mo? Sige balik mo sakin para zero ka sa tatlong quizzes na namiss mo, " sabay abot kamay.
"Isshhh... Sige na nga, " pagsurrender ko at sinimulan nang magsagot. Habang nasa kalagitnaan ako, bigla kong naalala! Yung gamot ko!!
Inabot ko yung bag ko at hinanap yung container. Hala! Ba't wala! San ko nilagay yun!!!
"Anong hinahanap mo? " tanong ni sir.
"Yung gamot ko nawawala! Di ko na alam san ko nilagay kanina, " kinakabahan ako. Baka pagalitan ako ni Daddy.
"San ka ba kasi huling uminom ng gamot mo? "
"Sa clinic po,.... " tsaka ko sinusubukang alalahanin kung san ko huling linagay yung container.
*tok tok tok!!
Binuksan ni sir yung door.
"Oh, Miss Perfect, kayo lang pala yan. May problema ba? " sabi ni sir kay Ma'am Sairose sa kaniyang beking tono. Napapamangha kasi si sir kay ma'am kaya ganyan ang tawag niya sa kaniya."Si Kira, andiyan ba? Naiwan niya kasi tong gamot niya sa clinic, "
Whew! Thank God my medicine was found.
"Oh! Kira, your gamot is here, " tawag ni sir sakin.
Tumayo na ako at lumapit kay Ma'am Sairose sa pintuan.
"Here, sabi ng Daddy mo every 4 hours ang pag-inom mo ng gamot. So you need to take it now. I brought some water in case wala kang tubig na dala or inubos mo na, " Grabe naman si Daddy. Ginawa pa niya talagang taga-remind si ma'am para dito. Puwede namang itext niya sakin eh. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Thanks, Ma'am, " sabi ko at kinuha ko yung container ng gamot tsaka yung tubig na nasa plastic bottle. Wala talaga akong tubig na dala kaya sa clinic ako uminom kanina. Buti nalang nagdala si ma'am ngayon.
Pagkatapos kong uminom ng gamot ay bumalik na ako sa upuan para ipagpatuloy ang pagsagot.
"Don't you think it's already time to go home? Medyo dumidilim na and I think she needs to rest since, kakalabas lang niya sa ospital, " narinig kong suhestiyon ni Ma'am kay Sir. Tumingin ako sa bintana. Oo nga, medyo dumidilim na at umuulan pa.
"O sige. Kira! You can keep your things for now and pass what you have finished today. You will continue that tomorrow, " Yes! Sa wakas, makakapagreview ako kahit saglit lang.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at ipinasa kay sir yung test booklets at answer sheets.
"Bye sir! " masigla kong paalam.
"Bye, dear, " sabi naman ni sir.
"Bye ma'am, " nahihiya kong paalam kay ma'am na nakangiti sakin.
"Hindi ka raw masusundo ng Dad mo ngayon kasi may abrupt meeting sila,"
"Huh? " biglang napakurot yung kilay ko at napasimangot yung labi ko. Tinatamad pa akong magcommute ngayon. Ba't ngayon pa?
"Kung gusto mo, hatid na lang kita, " Lumaki naman ang mga mata ko.
"O... Okay lang po.. Hehe.. Kaya ko naman po eh, "
"I know you can go home alone pero, you're not yet fully well. At baka may masamang mangyari pa sayo and you're not that strong yet to defend yourself, " Nakangiting sambit ni Ma'am. Alam niya kasing nagmamartial arts ako at laging nakikipag-away sa mga lalake pero lagi naman akong talo.
"Hehe, " napahiya talaga ako.
"Kung ako sayo, I'll take her offer. Makaka-free rides ka pa and mas comfortable pa ang upuan, "
Si sir talaga, napakamaterialistic.
"Halika na? "
Well, no choice eh so sige na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/72962054-288-k54689.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy Learned To Love Again
De TodoAng kuwentong ito ay tungkol sa isang single parent na ama na nawalan ng pag-asa sa pag-ibig nang namatay ang kaniyang asawa pagkaluwal ng kanilang anak. Pero, sabi nga nila, "there is always a second chance". Sino kaya ang magpapatibok uli sa puso...