Isip ..isip ...isip!!!
Naku! tapos na ang music wala pa akong maisip...ang slow ko naman.
Umupo na kami sa aming upuan at nagsalita ang principal. Di ko na pinakinggan pa dahil boring eh.
Pagkatapos nun, nagplay sila ng rock music. Ayos to ah... (evil smile)
Napatayo ang iba at nagparty-party.
"Dady! Halika na sayaw tayo!" sabi ko.
"Ayoko, di ko alam yan," sabi ni Dady. Napakunot ang noo ko, "Di ko alam sumayaw ng ganyan. Wala yan sa amin noon,"
Duhh...
"Kaya nga halika na para maranasan mo ang di mo naranasan noon," pagpupumilit ko, "Tara na!"
Hinila ko si Dady at napilitang tumayo...dahil, tumingin si ma'am na pinipilit din ng gurong iyon na sumayaw. Nakakainis talaga yang gurong iyun. Dahil mapilit yung lalaking guro ay napatayo rin si ma'am.
"Dady di ganyan!" sabi ko sabay tawa. Pano ba naman kasi para siyang ewan.
"Sabi ko nga di ko alam eh,"
"Dito tayo!" hinila ko siya papalapit ulit sa amin nina ma'am.
Napansin niya siguro kaya lalayo siya sana pero hinila ko ulit.
"Dito tayo, maraming tao diyan," sabi ko. Halos magkalapit na sila ni ma'am at alam ni Dady yun kaya nagblublush na siya. Gusto ko ngang tumawa pero pinipigilan ko.
Maya-maya lang ay nawala ang ilaw at may nagtulak sa akin kaya ewan ko rin kung sino ang natulak ko. Basta medyo nagkagulo at nung bumalik ang ilaw pagkatapos ng tatlong segundo....
YAAYYKKSS!!! *takip mata*
BINABASA MO ANG
Daddy Learned To Love Again
AcakAng kuwentong ito ay tungkol sa isang single parent na ama na nawalan ng pag-asa sa pag-ibig nang namatay ang kaniyang asawa pagkaluwal ng kanilang anak. Pero, sabi nga nila, "there is always a second chance". Sino kaya ang magpapatibok uli sa puso...