"Good Morning. Breakfast ready."
Nakangitis siyang binati ako habang naka-apron lang siya at may mga mantsa pa sa apron niya. Hindi siya nakat-shirt kaya lantad na lantad sa akin ang kanyang katawan. I would say hindi lang sa kanya ako nakakita ng abs, but nagmamagnet ang mga mata ko sa dibdib ko.
Baka ito ang naging dahilan kung bakit ako nainlab sa kanya? I laughed at the thought.
"You cooked all of these?" - tanong ko.
In the tables are fried eggs, cupcakes, sandwiches and fried rice. Sabi niya ito raw ang mga hilig kong pagkain. Umupo ako and he filled my plates food. Nahiya naman ako na pagsilbihan pa niya, ako na nga ang pinaglutuan, ako pa ang binibigyan ng pagkain sa plato.
"Yeah. Mom's not here, Umuwi muna siya sa bahay and Alice is day-off today."
So that lady's name is Alice. Hindi ko man lang natanong ang pangalan nito.
"Wala kang work?" tanong ko ngunit nagsimula na akong kumain.
Nagkibit-balikat siya. "I have but I cancelled my meetings, dahil nagpromise ako sa iyo diba kagabi?"
Oo nga pala.
After letting me see the painting, iniwan na niya ako sa kwarto dahil he insisted na dapat maaga akong matulog dahil iyon ang payo ng doktor. He even reminded me na sa makalawang araw ang sched ko sa visit ng doktor at lumisan na ako.
Pero maghahating gabi na at hindi pa rin ako makatulog kagabi. Iniisip ko kung makakatulong ba ang paghingi ko sa kanya ng tulong sa pagbalik ng aking memorya? Natatakot lang akong baka bumalik na nga tapos, hindi ko pala kaya at gustong balikan.
I mean, hindi ko alam ang tungkol sa amin. Paano kung nagsisisi pala ako sa kanya noon? Paano kung narealize kong hindi ko pala siya mahal at huli na ng marealized ko iyon dahil kasal na kami? Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong malaman sa aming dalawa.
We ate silently. Nakakabingi ang katahimikan naming dalawa sa hapag-kainan kaya naman ay nagsimula akong magsalita.
"Hmm." simula ko. "We never had a baby?"
Tumawa siya. "Wala. We're still planning. Ako yung may gusto na sana meron na. Pero sabi mo, 5 years pa tayong kasal at saka baka hindi pa tayo handa."
Tumango ulit ako.
"How about close friends?" - tanong ko ulit.
"We have. Soon you'll see them. May mga trabaho kasi sila. But they told me to drop here for a visit."
"Okay."
***
Halos trenta minutos akong naghihintay sa kanya sa labas. Sabi niya ay maghintay lang ako sa labas dahil may kukunin daw siya sa bodega na magagamit namin ngayon sa araw na ito. he thought na makakatulong daw ito sa pagbalik ng aking memorya.
When he popped out, nagulat ako ng makita siyang madumi na ang kanyang t-shirt at may hawak-hawak na itong bike. Saka ko lang siya tinanong nang makarating na siya sa aking kinatatayuan.
"Bike?" I asked. "How could a bike help me?"
Tumawa siya ng malakas.
"You know what, ito rin ang sinabi mo noong sabihin ko sa iyong tutulungan ka ng bike kung paano ka magdrive." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Love Letters: Stay With Me
Short StoryWhat if you woke up one day and found out that you're in a commitment to someone you really don't know- or lemme say: someone who you would have thought that this isn't the guy you want to marry with? Would you still love him the way you loved him...