Chapter 10

40 1 0
                                    

ETHAN's POV


Mailim sa sala. Siguro ay natutulog na ito. I never let her cook food kasi nga nagtext ako sa kanya na malalate ako ng uwi at di na ako kakain sa bahay dahil nagpaparty ang president namin sa opisina. Hindi siya nagreply. 

Mahina akong lumakad patungo sa kwarto niya para icheck siya pero hindi pa ako nakakahakbang sa may sala ay nakita ko siyang nakaupo. 

"Hey" bati ko. "I'm here now." 

Dahil sa sobrang dilim hindi ko halos makita na may hawak siyang baso ng alak sa isang kamay habang ang bote naman nito'y nakalapag sa may mesa. 

"Bakit ka naglalasing. It's not good for you Jess." 

Nilapitan ko siya at kinuha ang alak sa kanya  ngunit nagpumiglas siya. 


"Who's Gab?" bigla niyang tanong. 

Napaurong ako. Bwesit na lalaking iyon, pinuntahan pala si Jess rito. 

"Tell me Ethan, who's Gab?" 

Hindi pa siya lasing pero alam kung may hatid na ang nainom niya sa kanya dahil may pagkagaralgal na ang tinig nito. 

"Look Jess, let's just talk about this tomorrow okay? Lasing ka na." sabi ko. 


Honestly, I don't want to answer the question. I don't want dahil natatakot ako na pag sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Gab at sa kanila baka ay magbalikan sila, baka bumalik sa dati ang lahat. I just want her just to be mine. 

Nakita kong biglang tumulo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Gusto ko siyang paamuhin at hawakan pero ayaw niya. Umaatras siya. 

"Did I have an affair with other guy?" - mabilis niyang tanong sa akin. 


Bumalik ang alaala ko sa nakalipas .. 


"I told you not to call here .. nasa bahay ako." mahina at nakatingin sa may pinto ang ginawa niya dahil baka may makarinig na iba. 

Kumunot ang noo ko. 

I was standing at the door, ngunit medyo bukas ito ng kaunti. I was about to enter to fetch her para kumain na but napahinto ako ng sinabi niya iyon sa katawag sa telepono. 

Nanatili akong nakikinig sa kanya. 

"Yeah, I miss you too honey but not now okay? I'll text you later. " she ended the call. 

Alam kong palabas na siya ng pinto kaya mabilis akong napatakbo sa kusina dahil para hindi niya malaman na nakikinig ako. 

Hindi ako makatulog kinagabihan. I wanted to check her phone kung sino ang katawag niya sa mobile niya kanina but natatakot ako na baka ay mahuli niya akong nagchecheck sa mga gamit niya. And so I let the time ran and passed, pinatulog ko muna siya. 

Nang makatulog na siya ay hinay-hinay kong kinuha ang phone niya mula sa kanyang ulunan. There's no password and I was so thankful .. but I was stunned when there were no any messages on her inbox and all the calls were deleted. 

Nadelete na niya ang lahat bago natulog. 


"So there was?" she said gaining her composure. 

Bigla siyang napaupo sa isang upuan. Nabigla siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ba niya alam na takot rin ako na baka ay maalala niya ang lahat at baka bumalik rin iyon sa kanya. 

"But it doesn't matter now Jess. Tatanggapin ko ang lahat. I don't mind kung nangaliwa ka or nagawa mo akong saktan, I could accept all of you and your flaws. I said. 

Tumingala siya. 

"Bakit hindi mo sinabi Ethan? Wala ang memorya ko, paano kung ito lang pala ang kulang para bumalik ako sa dati? Sabi mo tutulungan mo ako, ngunit bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat. You could have told me na nagawa ko ito, iyan- that's my life." 

"Pero kung sasabihin ko naman sa iyo- mas pinapaalala ko lang siya sa iyo. Gab is no good for you. Kabet mo lang siya at ang mga taong iyon dapat kalimutan." 

Tumango siya. "Then you still have to. He's a part of my past- baka sakaling makatulong siya sa lahat." 

Tumawa ako ng pagak. "Hah, there is no way na dapat mo siyang maalala Jess." 

Iniwan ko siyang bigla dahil ayaw kong lumaki pa ang away namin. 

I need to sleep.

I need to think. 

Love Letters: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon