ETHAN's POV
I woke up the next morning. Wala na siya sa tabi ko. Tinanaw ko ang oras sa may mesa. Gising na siya sa mga oras na ito. Hindi ko maiwasan na ngumiti matapos ang nangyari kagabi. We've made love again.
Dumiretso na ako sa banyo para magligo. Pagkatapos maligo ay nadatnan ko siyang nag-aarange ng aking kama. Bagong paligo rin siya dahil sa basa at lugay niyang buhok. Naka short siya at naka sleeveless, hindi ko maiwasan ang paggising ng aking apeksiyon sa kanya.
"Hey, Alice can do that." Sinaway ko siya.
Ngumiti siya. "It's okay. Gusto ko. Tsaka kakain na."
"Sure susunod ako."
Tapos ay iniwan na niya ako.
Nang makalapit sa mesa ay narinig ko siyang may kausap. Nangunot ang aking noo kung sino ang kasama nito sa mesa. Hindi naman si Alice kasi alam kong sa oras na ito ay naglalaba ang kasambahay namin sa bahay.
Nang makalapit ay si Mama lang pala ito. Nakita ako nito at binati ako.
"Ethan honey." she greeted.
"Hi Mom." bati ko sa kanya.
Lumingon ito kay Jessica na kanina pa nakatingin sa amin. "I came here just to check if Jessica's okay and I am so glad to see the both of you happy."
Sa kainan ay panay ang tawanan namin tatlo. Mom's sharing how my dad and she met. Para lang naman siyang teenager na kahit ngayon ay kinikilig pa rin. Napansin ko ring masaya sa kwentong naririnig ang asawa ko.
This is the first time again, na nakita ko siyang tumawa ng tumawa kasi si Mama parang ineexaggerate na ang kwento. Dad has his own version on the story at iba naman kay Mama kaya panay ang kamot ko sa ulo ko dahil iba na namang kwento ang naririnig ko.
"So what's your plan for today Jess?" Mom asked my wife nang matapos na siyang magkwento.
Ngumiti si Jess sa akin bago nagsalita. "Actually, I was planning this morning to visit the bakeshop."
Bibisitahin na talaga niya ang bakeshop? That's great to hear.
"Wow. Mabuti pa nga para naman makalabas-labas ka ng bahay. I think it's the best time today to visit your favorite place." sabi ni Mama.
Tumango naman ito.
***
She's smiling and talking to our crews sa mesa. Hindi man niya kilala ang mga ito - pinaulit nga niya ang mga pangalan nito, alam kong nakikibagay siya sa lugar. Alam kong masaya siya sa araw na ito dahil nagpasya siyang bisitahin na ulit ang shop.
"Noong sinabi po ni Sir Ethan na dadalaw kayo ngayon Mam Jess, hinanda po namin ito." It's Ven. Isa sa mga baker namin.
They prepared a cake for Jess. Actually, it's Jess' favorite cake. Hindi kasi siya mahilig sa ice icing so ginawa niya ito with oreo bilang topping and since she doesn't like carrot cake, chocolate ang ginawa niyang main.
"For the comeback of Miss Jess." sigaw naman ni Andee na amin ngayong employee of the month.
Everyone cheered. Nag-inuman ang mga crews at nagsikainan ng mga tinda sa bakery. When I found out na bibisita siya sa bakeshop today sinabihan ko ang mga crews na ipaclose muna for the morning shift tapos ibabalik lang pag-nakaalis na kami ni Jess.
![](https://img.wattpad.com/cover/74505983-288-k327585.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Letters: Stay With Me
Short StoryWhat if you woke up one day and found out that you're in a commitment to someone you really don't know- or lemme say: someone who you would have thought that this isn't the guy you want to marry with? Would you still love him the way you loved him...