"I'd rather be heartless than heartbroken."
@SixWordsStory
***
COLEEN's POV
"Salamat na lang sa pagmamahal mo. Pakawalan mo na ako."
Yan yung huling salitang sinabi ko sa kanya bago ako lumabas ng bahay, bago ako lumayo sa lalaking sa tingin ko naman e kaya kong mahalin pero hindi ko magawa dahil durog pa ako. Hindi pa buo ang puso ko para mahalin sya ng tuluyan. At natatakot akong masaktan ulit. Baka kase sa susunod na sumugal ako ulit, at matalo ako sa pusta, hindi ko na kayanin yung sakit.
Hindi naman na niya ako hinabol.
Mas mabuti na 'to.
Ayokong parehas kaming makulong sa kasal na siya lang ang nag-eeffort.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman kung gaano niya ako kamahal.
Wala akong karapatang saktan sya. Mas okey nang ako lang ang nahihirapan.
Hindi siya.
Huwag lang si Alex.
"Paano ang parents mo?
I'm sure they will freak out kapag nalaman nila na nakikipag-hiwalay ka na kay Fafa Alex mo."Nabalik ako sa huwisyo sa sinabi ni Marian, ang sandalan ko sa t'wing inaatake ako ng pagiging gaga ko. Yeah. Magagalit sila. Sila naman ang rason kung bakit ako nagkakaganito e. The hell I care. Hindi naman nila kinonsider ang mararamdaman ko nung araw na pinlano nilang ikasal kami ni Alex. Never nila akong inintindi.
Wala silang pakialam kung masasaktan ako sa mga desisyon nila.
So why would I bother kung itatakwil nila ako sa ginawa ko?
Sinilip ko yung facial expression ni Marian. Nanghihinayang talaga siya gaya ng tono niya.
Eversince kasi boto siya kay Alex.
Alam niya kase kung gaano ako nasaktan sa split-up namin ni...."Hindi ka pa rin ba nakakamove-on kay Franco?"
Marinig ko pa lang yung pangalan niya parang sinasaksak ako sa sakit.
Franco Cazillo.
My first boyfriend.
Yung lalaking akala ko siya nang maghaharap s'akin sa altar at mangangakong mamahalin ako habang-buhay. Gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Niloko niya ako. He cheated on me.
Akala ko, puro saya ang mararamdan ko sa kanya. Hindi ko alam na darating yung araw na mahuhuli ko siyang natutulog sa kama niya kasama ang ex niya.
It's great right?
Mukha pa silang pagod na pagod.
Buti na lang talaga hindi ko pa nabibigay sa kanya ang sarili ko.
Mahirap pala talagang magtiwala sa fairy tales. Isa lang yung malaking kabaliwan. Hindi naman yun totoo e.
"Pinipilit ko Marian. Muntik ko na ngang gawing rebound si Alex eh. Pero hindi ko alam bakit hindi ko pa rin magawang pakawalan yung feelings ko kay Franco."
Tumulo na naman yung luha ko. Lagi na lang akong umiiyak. Hindi ko na nga maintindihan yung sarili ko e.
She hugged me.
"Nilalamon ka ng sobrang galit mo sa ex mo, kaya hindi mo ma-appreciate yung pagmamahal sa'yo ni Alex. Durog na durog ka Coleen. Yun yun."
Humiwalay ako sa yakap niya.
I wiped my tears.
"Sa tingin mo anong dapat kong gawin?"
Para akong teen-ager na humihingi ng payo sa love expert.
Tinitigan niya ako ng malalim.
"Fix yourself. Fix your brokenheart. Then learn to love yourself. So that you can learn to love him back."
Napakunot ang noo ko.
She really pushes me on him.
"Don't file an annulment. Nadadala ka lang ng emosyon mo. Pagalingin mo muna yang sugat diyan sa puso mo. Tapos bumalik ka kapag ready ka na."
I smiled bitterly.
"Sa tingin mo ba, mahihintay niya ako? Paano kung matagalan? Paano kung makahanap rin siya ng kapalit ko? Paano kung hindi ko pa rin sya mahal kapag----"
She caressed my hands.
"Mahihintay ka niya Coleen.Kung talagang mahal ka ni Alex, kahit pa walang kasiguraduhan kung babalik ka pa, he'll not find someone to substitute you. Because you're the only one, who holds that space in his heart."
My tears starts to fall again.
Siguro nga tama siya. Punong-puno ng hinanakit yung puso ko. Kaya hindi ko magawang pahalagahan si Alex.
"Eh kung hindi mo pa rin sya magustuhan kapag nakabalik ka na, then I'll help you with that annulment. Closure."
Bakit ba kase nagmamahal tayo ng taong hindi naman tayo magawang mahalin ng buo?
At kapag naman tayo ang minamahal ng buo, tayo naman itong umaayaw...
I heaved a deep sigh.
"Help me Marian. Hindi ko kaya 'to ng nag-iisa."
I plead.
Para naman akong mapapanghinaan ng loob sa sagot niya.
"No."
Npakunot-noo ako.
"You shoud be the one to help yourself. Ikaw lang ang makakaalis ng galit at sakit na yan. "
Napangiti naman ako. She really knows how to handle this situation.
"Kapag okey ka na, bumalik ka kaagad. Tapos kapag buo ka na, ibigay mo sa kanya yung hindi mo nabigay dati."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung oo, o hindi.
Sino nga bang may alam kung kapag umalis ako, may babalikan pa ako?"Ako ng bahalang mag-explain kila Tita and Tito."
**
After those conversation, umalis ako. I went to the place where I can starts to fix myself.
....where I think, I can learn to live with no pain and hate in my heart...
Kung ano mang mangyayari, only fate can dictates it.
----------TBC
BINABASA MO ANG
The Damn Wife
RomancePinakasalan niya lang ako dahil ka-apelyido ko daw yung gago niyang ex, yung lalaking kahit kasal na kami, patuloy niya pa ring minamahal. Madalas lalaki ang hinahabol, pero sa sitwasyon namin, ako lang ang lumalaban para hindi kami maghiwalay. Mah...