Chapter 4: Fixed (Part1)

268 10 2
                                    

"Love doesn't hurt, loving the wrong person does."
-@RealWords





















**

A/N:
Alam nyo na ah? Wag malito. ;))


















"Marry Alex. And everything will be alright."

Para akong nabingi sa narinig ko.

Isa-isa na namang tumulo yung luha niya. Nasa tapat ko lang siya kaya kitang-kita ko kung paano siya lalong napanghinaan ng loob sa sinabi ni Tita Sheryn, her mother.


















Tumingin naman sa'kin si Tito Carlos, his dad.



"Alex is my bestfriend's son. I know they raise him with good manners. At hinding-hindi ka niya iiwan hindi tulad ng gago mong boyfriend na bigla na lang naglaho pagkatapos lumandi sa iba."

Matigas na sabi niya.
Napakuyom naman ang kamao ko. Pero siyempre hindi ko pinakita kila Tito at Tita.




"No Mom. Babalikan pa ako ni Franco. And I will accept his explanation. After that, we'll be together again."

Sagot niya.

Todo-punas naman siya sa mukha niya na punung-puno ng luha.

Nagdilim yung mukha ni Tito.

"Are you out of your mind Coleen? Pagkatapos kang iwan sa ere ng Franco na yun, may balak ka pang balikan siya? Hindi ka namin pinalaking tanga ng Mommy mo!"






"Dad, you can't understand.
Mahal na mahal ko si Franco. I know he has reasons. Huwag niyo naman akong pilitin na pakasalan siya. Please...."

Then she look at me. The way it is, walang buhay.





Sinampal siya ni Tita.

Para naman siyang di tinablan.

Nakaupo pa rin ako.
Bakit ba kase ako nandito? Para akong tuod na nanood sa isang eksena. Ambakla naman.




"Sinaktan ka na't iniwan mahal mo pa rin? Ano ba Coleen?! Wag mong iyakan yung lalaking yun! Papakasalan mo si Alex o ipapahanap namin ng Daddy mo kung nasaan ang duwag na'yon?"

Natigilan naman si Coleen.

"Try me. Alam mo kung anong gagawin ng Daddy mo once na makita namin siya."


Napaka-authoritive talaga ni Tita.






Hindi ko na kaya na umupo na lang dito. Ito ba ang ipapaasikaso sa'kin ng magaling kong ama? Akala ko pa naman kompanya namin ang aayusin ko. Company pala ng iba.






"Tita, Tito..."

Nakuha ko naman agad ang attention nila.


"Mawalang-galang na po. Bigyan nyo po muna ng oras si Coleen para mapag-isipan yung sinasabi nyo. Wala rin po kase akong alam. I gotta go."




Saka ako humakbang paalis sa bahay nila.

Nagpapacute naman yung mga maid nila ng dumaan ako.

"Bye Sir."

Sabi nila.
I just nodded.

Too occupied ang utak ko sa dramang nasaksihan ko.

Narinig kong tinatawag ako nila Tito pero hindi na ako lumingon.
















Inistart ko na yung engine ng sasakyan ko saka ko yun pinaharurot sa kawalan.

The Damn WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon