"This broken heart is afraid—Afraid to be broken. AGAIN."
Date: June 13, 2016
Song: Gitara
Name: John Michael Herrera
Blood Type: O (-)
==================================================[ bakit pa kailangan mag-bihis? Sayang din naman ang porma ]
Pasukan na naman. Mag-aaral na naman ako ng sampung buwan sa isang bagong paaralan. Marahil na magkaroon ako ng mga kaibigan, pero pwede rin naman akong magkaroon ng kaaway.
Sumilip na ako sa bintana ng magiging classroom ko. Marami na ang nasa loob nito na kaparehas ko ng grade.
Bigla akong kinabahan at parang nanlambot ang tuhod ko.
Pero agad namang kumontra ang isip ko sa ginagawa ko.
So gay, John Michael. F*ck off.
Kaya pumunta muna ako sa canteen para makapag-isip isip.
Oo, lalaki ako pero duwag ako sa mga panibagong bagay. Kagaya na lang ng paglipat ko sa school na ito. Sana naman ay kayanin ko ang pinasok kong Academic Track sa strand na STEM. Engineering kasi ang kurso ko sa kolehiyo at yun ang hiling sa akin ng aking tatay na hindi nakapagtapos ng kanyang Aeronautical Engineering, at nauwi nalang siya sa pagiging isang piloto. Piloto ng jeep.
"Oops, sorry!" Doon ko lang napansin na may tao palang nakabunggo sakin?
Napayuko ako at nakita ko ang isang babae na may pinupulot sa baba.
[ bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami namang nag-aalay sa 'yo? ]
"Naku sorry talaga,"
Nang masilayan ko na yung mukha niya, shit! Ang g-ganda niya!
"O-oo s-sige, kita tayo mamaya."
Napatingin siya sakin na parang naguguluhan. Teka ano ba sinabi ko?!
Nang maalala ko na ang sinabi ko,
Shit! Ang bobo mo John Michael! Ikaw na ang pinaka-walang kwentang nilalang na nabuhay!
Bakit ba kasi nasabi ko yung bagay na yun?!
"Tol!" Napalingon ako sa nagsasalita at may biglang lumapit sakin na dalawang lalaki.
"Anong track mo?"
"STEM. Kayo?"
"Stem, ako nga pala si John Carlo." Sabi nung isa na mejo mahiyain.
"Stem din, ako nga pala si John Andrew." Sabi nung isa na mejo confident sa sarili.
***
Lumipas ang mga araw at ayun, kaibigan ko na agad sila. At patuloy parin na sumasagi sa isip ko yung babaeng yun.
Hindi ko man lang natanong pangalan niya. At hinding-hindi ko yun gagawin dahil sa kahihiyan. Baka mapahiya na naman ako e.
[ uupo nalang at aawit, maghihintay ng pagkakataon ]
"Tol! Tol!" Sabi ni Andrew habang tumatakbo papunta sa direksyon namin ni Carlo.
"Oh ano na naman ba?" Sabi naman ni Carlo.
"Kasama yung mga taga-HUMSS sa party natin ngayon!"
Hindi nga siya nagsisinungaling dahil dumating sa ang mga taga ibang track. Grupo sila ng mga babae at nakita ko yung babaeng yun.
Tumingin din siya sa akin at biglang ngumiti?!
Bigla akong yumuko at nagtago.
Baka naalala niya pa ako! Nakakahiya talaga ako!
Kinalabit naman ako ng mga mokong at nagtanong kung bakit daw ako biglang yumuko at nagtago.
"Ikaw yung nakabunggo ko diba?"
Tinaas ko yung ulo ko at nakita ko na nasa harapan ko na pala yung babae.
Ang ganda niya parin!
"O-oo."
AT bumalik na naman yung sutil kong dila.
***
Riana pala ang pangalan niya. At oo, naging mag-kaibigan kami. Sumasama siya minsan samin kung hindi sila busy sa mga projects nila.
Sikat siya sa campus namin pero nakakatuwa dahil kaibigan niya ako, at habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
Yung pakiramdam na, tumitigil ang mundo ko pag nakikita ko siya.
Yung pakiramdam na kaya mong gawin ang lahat dahil sa kanya.
Yung pakiramdam na kaya mong maging mapagmahal dahil mahal mo siya.
Yan ang mga nararamdaman ko ngayon.
[ hahayaan na lang sila, magkandarapa na manligaw sayo, idadaan nalang kita sa awitin kong ito ]
"Tol. Wala ka bang balak ipagtapat yang nararamdaman mo kay Riana?" Ani Carlo sabay akbay sakin.
"Oo nga pre, dami kayang nanliligaw dyan kay Riana. Pero walang sinasagot! Malay mo, sagutin ka?" Sabi naman ni Andrew.
"Yun na nga tol eh! Baka di ako sagutin kasi sila nga hindi sinasagot eh."
[ sabay ng tugtog ng, gitara ]
Duwag na kung duwag.
Pero ayokong masaktan.
"Wala e. Torpe eh."
[ idadaan nalang, sa gitara ]
BINABASA MO ANG
isang kanta // isang storya
Short Storybawat puso ay nakanta // bawat puso ay may storya ©2018 dapat nagawa ako ng thesis, but here am i writing stories