Mahal Kita Pero // Marisa

18 1 3
                                    

Pagbigyan ang story na ito. Medyo sabaw .___.

"This heart is too young..."

[ Mahal kita pero... ]

"May balak ka bang mag-lovelife? Puro ka nalang kasi aral! Chill ka lang Marisa." Binatukan ako ng classmate kong lalaki dahil halos isubsob ko na raw ang mukha ko sa pag-aaral. Magpasalamat siya at gwapo siya at mayaman. Samantalang ako, skolar lang ng bayan at sobrang taas ng expectations ng mga tao sa akin.

[ di pwede kay nanay, di pwede kay tatay, ayaw ni tito at tita, mapili si ate pati si kuya, strikto si lolo at si lola ]

"Bahala ka. Tatanda kang dalaga."

Hindi ko nalang siya pinakinggan and dumiretso na lang ako sa comlab para mag-research ng gagawin kong project sa Biology.

Kailangan kong mapansin ng Prof ko para mataas ang grades ko. Pero sumasagi parin sa isip ko yung sinabi ng classmate kong yun.

[ mag-aral daw muna o mas bigyan ng oras ang pamilya ]

Ah. Yung classmate kong yun? Si Marco yun. Crush ko since elementary. Tamang tama nga naman dahil parehas kami ng university pero iba lang ang course namin.

Sinabi ko na rin sa kanya dati na mahal ko siya. Pero syempre dinagdagan ko ng JOKE para hindi halata. Close friends kami pero hanggang doon lang ang kailangan kong ipakita sa kanya.

[ bata pa tayo di ko pa kaya, marami pa tayong inaasikaso ]

Hanggang doon lang dapat muna. Marami pa akong sasagutin na projects, research, at langyang thesis na yan.

Bigla akong napatigil ng pumasok sa isip ko ang sunod naming subject. BWISET! CALCULUS NA NAMAN!

Nag-sisisigaw ako sa loob ng isip ko dahil dudugo na naman mamaya ang utak ko at lahat ng internal organs ko dahil sa Calculus na yan.

Nagsisitakbo ako papunta sa room 301 para sa next subject namin. Halos maputol na yung paa ko dahil sobrang pagmamadali ko ng bigla kong nakasalubong si Marco. Yung classmate ko.

[ at baka rin posibleng, sa iba ka pa magkagusto ]

Ngumiti lang ako sa kanya at napa-iling nalang ang ulo niya. Gusto ko sanang isigaw sa kanya na mahal ko siya. Na sana patuloy siyang maghintay. Pero di ko magawa. Masasaktan lang siya ng pamilya ko. Baka ipakulong pa siya ng tatay ko pag nalaman niya na may minamahal at iniinvolve akong lalaki sa buhay ko.

[ ang oras muna ay, hayaang palipasin, pag tama na ang panahon pwede mo na akong lambingin ]

"Ano, Marisa. Okay ka lang?"

Bakit kasi ganito ang pagtrato niya sakin?! Parang sobrang special ko.

"Ba't ka umiiyak Marisa? Okay ka lang ba?" Sa sobrang pag-aalala niya. Hinawakan niya yung pisngi ko at pinisil.

"Mahal kita, Marco."

"Sagutin mo na ako. 2 years na akong nag-iintay."

Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ako. Mabuti na lang at walang mga tao sa labas dahil lahat ay may klase na.

Niyakap ko siya ng mahigpit sabay napaluha ako.

"Mahal kita, pero... Babalik ako."

Boom. Nasabi ko na.

"Hihintayin kita, Marisa. Kahit gaano pa yan katagal."

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na rin nakita si Marco. Sinubukan naming iwasan ang isa't isa. At heto ako ngayon, makalipas ang dalwang taon, naglalakad sa campus kasama ang mga libro ko. Masaya. Nairaos ko ang Calculus. Tumaas ang grades. Pero hindi parin nakakapag-move on.

Mahal ko e? Eto yung pagmamahal na kayang magtiis at hindi nagmamadali. Eto yung pagmamahal na dapat nararamdaman din niya.

Napatigil na naman ako ng makita ko si Marco na papalapit sa akin. Halos matuwa ako at kiligin. Baka kasi hihintayin niya na ako.

"Marisa."

"Marco?"

"May sasabihin ako sa iyo."

This is it. Hihintayin niya na ako. Sa tagal ng paghihintay naming dalawa sana nakapagtiis din siya. Sana ready siyang harapin ako.

"Mahal kita Marisa. Pero mahal nalang kita bilang isang kaibigan. Mahal ko na ata si Valerie."

Si Valerie? Kaibigan ko yun ah? Kaya pala ang close nila.

[ mahal kita... Pero... Pero... Pero... ]

Tama nga sila. Bata pa ako. Mag-aaral na lang muna ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Mahal din kita, Marco. PERO May Microbiology and Chemistry pa akong class."

isang kanta // isang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon