Siguro // Autumn

4 1 0
                                    

"This heart has the same unrequited story."

[ Gusto ko, gusto ko, gusto ko sanang sabihin sa iyo ]

Isa lang naman akong normal na teenager na may crush. Yung crush ko kasi, medyo may pagka-mysterious yung dating kaya heto naman ako–medyo baliw.

Nakilala ko si Luis last sem. Nandoon siya nakaupo malapit sa may aircon. Hindi ko naman sinasadyang tumingin doon, pero hindi ko mapigilan kasi ang init sa pwesto ko. At tuwing naiinitan ako sa pwesto ko, titingin ako sa pwesto ni Luis, at kung titignan mo pa, naka-jacket pa siya! Langya! Sino nalang ba ang hindi gugustuhing umupo doon diba?

[ Pero paano? Paano? Pag malapit ka'y nauutal ako ]

Nakailang ulit yun sa isang Sem. Nababaliw na ata ako! Tuwing tinatawag siya ng teacher o pag nag-rerecite siya sa unahan, hindi ko mapigilang humanga. Hindi niya ata ako kilala kahit classmates kami. Kaya heto ako ngayon, nakatingin lang sa malayo.

Nakailang beses na rin pala akong magdikit ng sticky notes na may tula para sa kanya. Pero hindi ko naman alam kung binabasa niya yun kasi pag dumadaan ako sa locker niya, wala na yung mga dinikit kong sticky notes.

Sinubukan ko rin palang magtapat sa kanya gamit yung Confession Page ng University namin. Pero hindi ko parin pala kaya. Baka kasi biglang may mag-hack ng page na yun at makita nila yung pangalan ko.

"Autumn! Umalis ka naman dyan oh! Di tayo makakuha ng maayos na shot e!" Sigaw sakin nung classmate kong nagdidirect ng movie namin.

Napatingin ako sa mga classmates ko at mukhang lahat sila ay nakatingin na pala sakin. Pati si Luis.

[ Nahihiya, tumitiklop, nawawala bigla ang sasabihin ko ]

Napatingin ako kay Luis at tumingin din siya sa akin. Oh no! Bakit ang pogi niya?

[ Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo, lahat sa paligid ko ay naglalaho ]

"Autumn! Mamaya ka na um-extra! Laki mong harang!" Sabi nung isa kong classmate.
Ay oo nga pala, medyo chubby ako kaya impossibleng magkagusto sakin si Luis.

Kaso Hindi ko alam pero parang biglang nag-iba yung tingin ni Luis. Parang biglang naging worried siya sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya at umalis na ako doon sa harap.

"Sorry, Alex!" Nag-peace sign ako sa group leader namin at sa ibang naming classmates. Ano ba naman yan Autumn! Pinapahiya mo yung sarili mo sa harap niya!

"Okay! 1,2,3 Action!"

[ Siguro'y umiibig kahit, di mo pinapansin, magtitiis nalang ako, magbabaka-sakaling ika'y mapatingin ]

Nanuod nalang ako sa short film na gagawin ng group namin. Si Luis ang bida at katulad ng kwento ko, may nagkakagusto sa kanyang babae, si Tierra.

[ Kahit sa panaginip ikaw ang aking hinihiling, ]

Sinabi na ni Tierra yung mga lines niya. "Luis, matagal na kitang gusto."

"Eh bakit ka lumalayo? Tierra, matagal na rin akong may gusto sayo." Kasunod na biglang niyakap ni Tierra si Luis. Para hindi maging masakit, inisip ko nalang na ako yung babae.

Hinawakan ni Luis ang pisngi ko, tapos nginitian niya ako. Sinabi niya ang mga salitang 'I love you' at dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sakin.
"Mahal din kita, Luis. Matagal na."

And then he kissed me.

[ Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko para ayoko ng magising ]

"AND CUT!"

Ay peste. Nagising ako sa pagdedaydreaming sa boses ni Alex. Aysh! Panira!

[ Ayaw ko, ayoko, ayoko sanang magmukhang tanga sayo ]

"Oh Autumn! Wag mong kakalimutan yung props ah!" Tinatawag na naman ako ni Alex -_- Nakakainis na! Lumingon ako sa kanya at huli na dahil naglalakad na pala si Luis papunta sakin.

Nakangiti siya sakin. NAKANGITI SI LUIS SAKIN!

Inayos ko muna yung sarili ko ng patago tapos tinignan ko rin siya.

[ Pero nalilito, nalilito, pag sasabihin ay nabubuhol ang dila ko ]

"Uy! Luis! Pre! Tara kain sa canteen!" Tinatawag na pala siya ni Yana. SI YANA PALA ANG NASA LIKOD KO? Si YANA PALA ANG NGININGITIAN NIYA?!

Napayuko ako bigla at pumukit sa kahihiyan. Ano ba naman yan Autumn! Para kang baliw! Umasa ka naman na ikaw ngingitian niya?!

[ At tulala, nalang sayo, ano ba naman bakit lagi nalang ganito? ]

Pinalampas ko nalang muna si Luis at pagkalagpas niya ay bigla akong tumakbo ng napakabilis.

"Autumn! Saan ka pupunta?!"

Narinig ko pa ang boses ni Alex pero wala na akong pakealam at tumakbo na ko paalis.

Nagtago ako at tinatakip ko yung buhok ko sa mukha ko. Ayokong makita ulit ako ni Luis. Sobrang nakakahiya! Pero hindi pwedeng magtago ako habang buhay. Kailangan ko na umamin sa kanya.

[ Parang wala nang mangyayari sa nadarama, sa bawat araw parang lalong lumalala ]

Hinawakan ko yung puso ko at hinahabol ko pa ang hininga ko.

"Luis!" Napalingon ako at nakita ko na naman si Luis. Pero ngayon, kasalukuyan silang magkasama ni Tierra. Nagkakalakad, habang hawak kamay.

[ Bakit ba sayo di parin ako nagsasawa? ]

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.

[ Aasa nalang, kahit sa pangarap lang ]

Pumikit nalang ako at yumuko. Kaya mo ito, Autumn. Pinigilan ko yung luha na nagbabadyang pumatak. Girlfriend palang naman diba?

[ Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin, ]

Pero siguro, hanggang dito nalang muna ako. Siguro hanggang sulyap at tingin nalang ako kay Luis.

[ kahit umiibig, kahit di mo pinapansin, magtitiis nalang ako magbabaka-sakaling ika'y mapatingin ]

Napalingon ako kay Luis. Pero bakit nakatingin na naman siya sakin? Kahit kasama niya na si Tierra, bakit nakalingon siya sakin?

[ kahit sa panaginip ikaw lang aking hinihiling ]

Siguro... Itutulog ko nalang muna ito.

[ Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko parang ayoko ng magising ]

isang kanta // isang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon