Mr. Kupido // Petra

14 1 2
                                    

Sabaw din ang isang 'to. Sarap kasi ng bulalo omweji. <3

"This heart wants the arrow of Cupid."

[ lagi kong naalala, ang kanyang tindig at porma ]

I used to love his voice. I used to love his cool shirts and flanels. I used to stare at his hazel eyes. I used to love him...

[ at kapag siya ay nakita, kinikilig akong talaga. ]

I used to write sweet letters for him. I used to send him his cute stolen pictures. I used to stalk him on his social networking sites.

[ di naman siya sobrang gwapo ngunit siya ang type ng type ko. Bat ba ganito ang nadarama ng puso ko? ]

Pero anong nangyari ngayon. Bakit ganito ang tibok ng puso ko. Bakit iba?

Mararamdaman mo kasi yun kapag may spark sa inyong dalawa. At kay Mr. Kupido ko yun naramdaman.

Bakit si Gerald na ang gusto ko? Si Gerald na naging Mr. Kupido naming dalawa ni Crush? Bakit kay Gerald na ako kinikilig? Bakit sa kanya ako natutuwa at sumasaya? Bakit siya yung gusto kong kasama?

[ Mr. Kupido, ako nama'y tulungan mo. Bat hindi panain ang kanyang damdamin at ng ako ay mapansin? ]

Bakit siya na ang gusto ko ngayon? Aysh! Nakakabaliw.

Si Gerald kasi ang nakilala kong pinsan ng Crush ko. Yung mga panahon na yun, patay na patay ako kay Crush kaya nag-hire ako ng isang Mr. Kupido na maglalapit sa aming dalawa ni Crush. Si Gerald ang pumayag na maging Mr. Kupido ko. Kailangan niya kasi ng pera para sa pag-dodota at pag-loLOL niya. It means that, ako naging sponsor niya. Kapag ginawa niya ng mabuti yung trabaho niya. Mas malaki ang kita niya.

[ minsan siya ay nakausap, ako ay parang nasa ulap ]

"Ano ng nangyare, Pet? Akala ko ba gusto mo siya? Tae na. Nagpakahirap akong ipaglapit kayo ha!"

[ at nang ako'y kanyang titigan, sa puso ay anong sarap? ]

"Sorry na. Pero Ger. Di ko na siya gusto. Parang ayoko na. Hindi ka na si Mr. Kupido. Okay lang. Di mo kailangan ibalik yung nauna kong binigay na pera sa iyo."

[ tunay na kapag umibig, lagi kang mananaginip. Kapag kasama ko siya, ay ligaya na walang patid ]

"What? Ano bang pinagsasabi mo? Umarte akong Mr. Kupido para mapasaya ka lang Pet, tapos ganito lang? Ayaw mo na? Ang gulo ng utak mo."

Oo ako na ang magulo ang utak. Hindi niyo naman ako masisisi dahil tuwing nilalapit ako ni Gerald kay Crush. Hindi niya alam na mas gumagaan ang loob ko sa kanya. Mas naging kilala ko si Gerald kesa kay Crush.

Kay Crush, halos gawin ko lahat ng gusto ko para mapasaakin lang siya pero kay Gerald hindi.

Kay Gerald, nagiging masaya ako. Naipapakita ko ang tunay na AKO kesa sa mga panahon na magkasama kami ni Crush.

Hindi ko inaasahan na ang Mr. Kupido ng buhay ko ay ang taong magpapasaya sakin ng lubusan.

Yung mga kakornihan ni Mr. Kupido.

Yung baduy niyang pagsusuot ng Spongebob Squarepants.

Yung pagbili niya ng taho tapos bibilhan niya rin yung mama niya.

Yung pagprito niya ng galunggong dahil request ng kapatid niya.

Si Mr. Kupido pala yung mas totoo. Nasa realidad pala siya. Kesa kay Crush na halos out-of-reach.
Pwede bang panain nalang ni Mr. Kupido yung sarili niya para magustuhan niya na rin ako?

"Gerald. May bago akong misyon sa iyo."

isang kanta // isang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon