"This heart just wants to be loved, unfortunately she captured two hearts."
Song: Mahal ko o mahal ako?
Name: Amor Villasco
Blood type: AB (+)
=========================================================================
HAYST! Isang magandang salita para i-describe ang buhay at ang nararamdaman ko ngayon.
Ikaw ba yung klase ng babae na nagtatanong sa sarili kung may nagmamahal ba sa iyo?
Na para bang hindi ka naman ganoon kapangit pero parang walang nagmamahal sa iyo?
Iniisip ko nga kung mayroon na kahit isang naglilihim na may gusto sakin kaso wala ata. Or baka naman may multo na nagmamahal sakin kaso wala pa rin pala. Imagination ko lang ang lahat.
[ Dalawa kayo sa buhay ko, at ako ngayon ay kailangan ng mamili, iisa lang ang maaari ]
Hanggang makilala ko si Eros, siya yung lalaking minamahal ko ngayon. He gives me happiness. He gives me the motivation na makapagtapos ng college. Yung tipong yung mga maliliit na bagay ay napapasaya niya ako. Yung tipong sobrang maalagain siya sa family niya.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, sa buong buhay ko, nagtatanong ako sa sarili ko ang tanong na, 'what is love?' Or 'where can I find love or how to know if it's love?'
At syempre, naramdaman ko yun kay Eros. Feeling ko sobrang destined namin sa isa't isa dahil even our names tell that it's 'love'
[ alam mong narito ako lagi para sa iyo, mahal kita ng labis, ngunit iba ang iyong nais ]
Well, ayun. Di naman kasi siya inlove sakin eh. Ako lang yung nagmamahal. Gets? It sounds cliché and everything corny and sweet pero wala eh. Tinamaan ako ng magaling.
"Hoy, nag-cut ka na naman ng classes noh?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Sarang lang pala. Lalaki siya pero di naman kami close. Ewan ko ba, siya lang naman itong feeling close sa akin dahil parehas kami ng Major.
[ at siya's narito, alay saki'y wagas na pag-ibig, nalilitong-litong-litong-lito ]
"Wag ka mag-alala. Di ka mahal nun. Pero mahal kita."
Ayan si Sarang. Isang lalaking mahal na mahal ako. At Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako.
Pwede namang ginawa na lang ng tadhana na mahalin ko si Sarang dahil sobrang nagmamahal siya sa akin. Pero hindi eh! Ang lakas ng tama ko kay Eros.
[ sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko? ]
"Sarang naman. Sorry. Alam mo namang si Eros lang diba?"
Nakita ko siyang ngumiti sa sinabi ko sabay ginulo niya ang buhok ko.
"Eh, handa naman akong maghintay na makalimutan mo siya e."
Ang tanong makakalimutan ko nga ba si Eros? Paano nga ba makalimot? Hays. Nawala ata yan sa vocabulary ko eh.
[ oh, anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? ]
Tanga.
Ang lakas ng loob kong magsabi ng ganyan sa kanya pero ganyan din naman ako.
Nagmahal lang naman kami diba? Eh bakit kailangan laging one-sided love ang nangyayari?
[ nalilitong-litong-litong-lito ]
Gusto ko lang naman na may magmahal sa akin. At nung natupad na ang pangarap kong iyon. Nahirapan naman ako! Totoo nga ang kasabihang, 'be careful on what you wish for.'
Pero heto ako ngayon, sa gitna ng dalawang pagmamahal.
Sinong pipillin ko?
Yung tao ba na kaya akong pasayahin dahil mahal ko siya?
O yung tao na kaya akong pasayahin dahil mahal niya ako?
HAYST! Litong-lito na talaga ako!
[ sinong pipiliin ko? Mahal ko... O mahal ako? ]
BINABASA MO ANG
isang kanta // isang storya
Historia Cortabawat puso ay nakanta // bawat puso ay may storya ©2018 dapat nagawa ako ng thesis, but here am i writing stories