Sabawan pa. ,_,/
"This heart has loved a weird heart."
Nakatira ako sa isang apartment na malapit sa MOA. Malapit kasi rito ang university na pinapasukan ko kaya dito ko naisipan tumira. Normal naman ang naging buhay ko. Kaka-break lang namin ng girlfriend ko dahil ayaw niya raw sa isang lalaki na middle class lang ang kinabibilangan.
Ewan ko ba sa mga babae. Ang hanap ay mayaman at gwapo. Samantalang nandito naman ako. Isang average guy na gustong makapagtapos ng kursong Civil Engineering at mag-enjoy na sa buhay.
Pauwi ako galing school nang may nakita akong nag-bubuhat ng mga gamit sa katapat ng apartment ko.
May bagong tenant na naman si Aling Nena at sana naman hindi na ako ang laging pagalitan at pagsabihan.
"Uy!" Nagulat ako sa isang babae na kumalabit sa akin. Halos ikamatay ko ang gulat pero lahat yun nawala nung nakita ko yung babae.
[ this girl move into my apartment, one look at her my heart was stoppin ]
"Uhm, pwede bang tulungan mo akong mag-ayos? Bago lang kasi ako dito e." Napatango na lang ako. Ano bang laban ko sa kagandahan niya? Syempre wala.
[ I did whatever she was askin, she said maybe later catch you in the elevator ]
Tinulungan ko siya mag-ayos at nagpakilala naman siya sa akin. Siya raw si Magda pero Maggie na lang daw ang itawag ko dahil ayaw niya raw ng pangalan niya.
Natapos ang pagliligpit namin at nalaman kong nag-aaral din pala siya sa university na pinapasukan ko. Akalain mo nga naman, tadhana na ata ang naglalapit sa amin. Nakita ko yung mga CDs na meron siya at tama ang Genre naming dalawa. Mahilig kami parehas sa Pop/Rock music.
[ A couple days we got to hanging, and then she's not really even taken ]
Araw-araw kaming sabay pumasok. Hindi kami nahirapan sa pakikisama sa isa't isa dahil kung ano ang mga hobbies ko, yun din ang hobbies niya. Ang sarap siguro niya maging girlfriend.
Walang conflict sa pag-computer games ko.
Walang away sa mga gusto kong gawin kasama ang barkada ko.
May magpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay.
May magiging study-buddy ako.
At higit sa lahat...
Naiintindihan ako sa mga kinikilos ko.
[ I made a move she said, baby you're mistaken, I'm not into bacon ]
Isang beses, pumunta siya sa loob ng apartment ko ng naka-shorts at sando. Pinagpalit ko kagad siya ng damit pero ayaw makinig. Gusto ata akong tuksuin! Nakakabaliw. Halos pagpawisan ako sa nangyayari pero siya parang wala lang. Nagpapaturo pa ng chords ng Amnesia!
[ she got that smile, and that body used to die for. One of a kind, that's why it makes me cry ]
Halos lumayo ako sa kanya pero siya naman itong lapit ng lapit. At dahil hindi ako nakapag-timpi sinuotan ko siya ng maluwag kong polo at nanahimik na siya.
Natawa naman siya bigla sa inasta ko. Ewan ko ba kung kinikilig siya o naiinis, pero ang alam ko, hindi ko siya naiintindihan.
Dumaan ang mga linggo at kulang nalang ay magtapat ako sa kanya. Sa sobrang gaan ng loob ko sa kanya, napamahal na ako sa kanya at wala na akong ibang magawa. Ipagluluto ko siya, hahatid ko siya sa classroom nila, at pinapahiram ko sa kanya ang mga gamit ko. Nag-sskateboard din kaming dalawa.
Gusto ko ng sabihin sa kanya.
At eto na ang tamang panahon para gawin iyon.
Kumatok ako sa pinto ng apartment niya pero naka-full blast ata ang speakers niya kaya hindi niya ako marinig.
Binuksan ko nalang ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock.
[ Cause I found a girl, who's inlove with a girl, ]
Nakita ko siyang nasa sala at nanonood ng TV.
"Maggie, mahal kita." Sobrang nanlaki ang mga mata niya nun. Hindi ko alam kung bakit pero parang sobrang nagulat siya sa sinabi ko.
"Alam ko."
Alam niya? Pero paano?
[ she said that she tried but she's not into guys ]
"Bryll, malakas ang instinct ng mga babae. Hindi totoo na manhid sila."
Napa-iling na lang ako sa sinabi niya.
[ oh why tell me why, did I fall for those eyes? ]
"Mahal mo rin ba ako Maggie?"
Napatawa si Maggie ng malakas at kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ng pagtawa niya?
"I tried to love you Bryll but seriously, my heart is already in someone else. Sorry."
Parang nabuhusan akong ng malamig na yelo noon. Nanginig ang buong katawan ko. Ito na ba yung sinasabi nila na mga pa-fall na mga babae? Yung ang sweet pero paasa lang pala? Bat nabiktima ako?
Naglakas loob akong ngumiti at ipakitang okay pa ako.
"Sino siya?"
Biglang may isang babae na lumabas sa CR ng apartment niya. May maiksi itong buhok at may mga characteristics ng isang lesbian.
"Vina si Bryll. And Bryll, si Vina boyfriend ko."
[ She said I was nice, but she's not into guys ]
BINABASA MO ANG
isang kanta // isang storya
Short Storybawat puso ay nakanta // bawat puso ay may storya ©2018 dapat nagawa ako ng thesis, but here am i writing stories