Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. 7 AM na nang umaga. Tumayo na ako at nagtungo sa CR at naghilamos at nagmomog.
"Ngayon araw na pala ang first day nang school"Mahinang bulong ko.
June 18, 2020 na ngayon. 8 AM pa naman ang oras ng pagpasok sa school so may 1 hour pa ako.Nakatuloy ako ngayon sa isang maliit na apartment malapit sa school. Nagbo-bord lang ako dito dahil wala kaming bahay o kamag-anak dito.
Pero kahit medyo may kaliitan ay ayos naman at malinis.1st year university student na ako and ang balak kong kuning course ay Business Management. Gusto ko kasing magtayo nang sarili kong negosyo at pamahalaan ito gamit ang sarili kong kakayahan.
Oo nga pala hindi pa ako nakakapag-pakilala ako si Zone Vergara. 17 years old this year. Sa itsura ko naman ay masasabing fair lang. May 6'0" na height,may normal length dyed Red hair na naka-fixed up,May hikaw rin ako sa kaliwang tenga pero hindi ako addict ha! Talagang nauso lang at medyo nakiuso.
Tatanghaliin ako kung magluluto pa ako kaya hindi nalang ako nagalmusal at uminom nalang nang favorite cereal milk drink ko at tsaka naligo at nagbihis pagkatapos.
Kaya ko pinili 'tong apartment na 'to ay dahil sa malipit ito sa University na papasokan ko. Tipid sa pamasahe at Hassel dahil walking distance lang.
Nakasuot ako nang Black long-sleeve shirt na pinatungan nang White V-neck shirt. Naka-jeans at stylers shoes. Wala kasing required na uniform ang university na pinapasokan ko kaya't pwede ang kahit anong klaseng suot.Walang pang mga limang minuto at narating ko na ang University. Pagpasok ko sa may main entrance ay bumungad sa akin ang 3-storey building na napakahaba. Ito siguro ang main building. Maraming puno,mga halaman at bulaklak ang makikita. Malinis at maghanda ang university na ito.
Naglakad na ako papasok habang manghang-mangha parin sa ganda nang tanawin kaya't hindi ko na nabigyan pa nang pansin ang paligid.
"Ah?!"Bigkas ko nang may nakabanga ako. Medyo napalakas pa nga ata sapagkat natumba siya"Ah,sorry miss"
Sabi ko sabay kuha noong mga nalaglag niyang mga libro at iba pang gamit."Sorry ah,hindi ko napansin. Sorry talaga"Paghingi ko nang paumanhin sa babaeng nakabanga ko. Mukhang mabait naman siya. Nakasuot siya nang T-shirt at Jeans at sandals habang may dala siyang bag na disakbit at mga libro.
"Its OK. Sorry rin kasi hindi kita napansin"Sabi niya nang nakangiti"Ako nga pala si Ann,Ann Montelo. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Tumango ako"Ako nga pala si Zone Vergara,Zone nalang. Bago lang ako rito eh. Sa totoo lang ito ang first time ko dito kaya't medyo namamangha pa ako sa tanawin"Sabi ko nang nagkakamot ng batok.
"Is that so?Ako rin e. So First year ka rin?anong course mo?"Tanong niya.
Nagsimula na kaming maglakad nang sabay patungo sa main building."Business management. Ikaw ba?"Sagot ko at nilingon siya.
"E?hindi nga?What a coincidence!Anong section ka?"Sunod sunod na tanong niya.
Oo nga pala may 2 sections ang bawat course per year na base sa grades. "Section 1 ako ikaw ba?siguro section 1 ka rin dahil sa tingin ko ay mahilig lang mag-aral dahil sa mga libro mong dala"Sabi ko sa kanya sabay turo sa 3 librong hawak niya.
Tumawa naman siya"Haha,Oo section 1 nga ako"Sabi niya tapos ipinakita sa akin yung tatlong libro."Pero hindi ito tungkol sa subjects sa school. Mga novels ito"
"A...."Medyo napahiya ako doon.
"Kung ganon ay sabay na tayong pumunta sa room"Sabi ko nang nakatingin sa malayo."OK"Sabi niya nang nakangiti.
BINABASA MO ANG
CODE X
Science FictionA vrrmmorpg type of game which is currently the top-notch. It is a Virtual Reality Game which have a huge reward as a prise when one finished the game. And thus,many have started to play,hoping that they will someday,finish the game and obtain the s...